"Ilang taon na ang lumipas nung namatay si John" Saad ni Kuya Sybrew habang nakatingin sa puntod ni daddy. Walang imik naman si Kousuke habang nakikinig dito.
"Namatay siya noon sa misyon namin sa isang abandunadong gusali na ginagawang bentahan ng mga drugs. Nabaril ang ama ni Kira at hindi agad namin natakbo sa ospital na ikinamatay nito" Muling pumasok sa aking isipan ang nangyare nang malaman ko iyon. Sobrang sakit para sa akin ang mawalan ng ama na ang tanging gusto lamang ay mahuli ang masasamang taong naninirahan dito!
"Masakit rin para sa akin ang mawalan ng tunay na kaibigan kaya't bilang pasasalamat na lang sa ginawa niya ay tumayo akong parang tunay na ama kay Kira" Aniya pa na ikinalingon ko dito. Mula nang iwan ako ni daddy ay mas pinaramdam pa ni Kuya Sybrew ang pagiging ama sa akin kesa kay tito Leo.
"Ipapangako ko sayo, Kira na gagawin ko ang lahat para makulong ang tunay na gumawa nito sa iyong ama" Saad niya kaya't tuluyang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagiging payapa ang aking utak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin kilala ni Kuya Sybrew ang totong bumaril kay daddy, mismong inosenteng tao ay dinamay pa ng hayop na gumawa non sa ama ko!
Nakakulong ngayon ang napagbintangan na bumaril kay daddy. Kami lang ni kuya Sybrew ang may alam na hindi siya ang totoong suspect dahil naikwento sa akin ni kuya Sybrew ang lahat nang nasaksihan niya. Nagawa pa ng suspect na ihacked ang ibang cctv dahilan upang hindi siya ang mapagbintangan at ibang tao. Ginagawan na rin naman ni kuya Sybrew ng paraan ang lahat kaya't sigurado ako na makakamit na rin namin ang hustisya para kay daddy.
"May balita ka na ba?" Tanong ko dito at isinawalang bahala na lang ang presenya ni Kousuke sa likuran namin.
Napatitig naman siya ng ilang segundo sa akin at hindi pinansin ang tanong ko.
"Ako na ang bahala sa lahat, Kira. Unti na lang ay makikilala ko na ang gumawa nito sa ama mo"
Unti-unti naman akong napangiti nang akbayan niya ako at sabay na pinagmasdan ang pangalan ni daddy na nakaukit sa lapida.
Andito naman ngayon sa bahay si Jekai kaya't napagdesisyunan naming linisin ang buong kwarto dahil sa sobrang pagkainip.
"Alam mo, Kira, maganda sana ang kwarto mo kung nagliligpit ka ng mga kalat mo" Aniya habang inaayos ang mga kalat na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.
"Wala ng time" Sagot ko dito. Tinakpan ko naman ang ilong ko nang makalanghap ng unting alikabok at mabilis na kinuha ang face mask na nakalagay sa drawer.
Binigyan ko naman si Jekai kaya't agad niya itong kinuha. "Buti naman ay binigyan mo ako, baka mamaya ay hatsing na naman ako ng hastsing" Sambit niya.
"Patanggal mo na kase ilong mo" Biro ko at mahinang tumawa. Pano ba naman kase itong si Jekai ay grabe kung sipunin... Makalanghap lang ng kunting alikabok ay tuloy tuloy na.
"Konti na lang, Kira... Papatanggal ko na talaga 'to" Saad niya na ikinatawa namin pareho. Sinimulan ko na ring tanggalin ang mga bed sheet at punda ng unan upang mapalitan.
"Bumili ka na kaya ng bago" Suggestion niya nang makita akong naghahanap ng pamalit. Napaisip naman ako. Tutal ay wala na rin naman akong mga bed sheet na bago ay bibili na ako. Papasama na lang ako kay Jekai upang makabili rin ng mga gamit na kakailanganin ko.
"Free ka ba tomorrow?" Tanong ko dito na ikinatango niya. "Oo naman noh!!"
Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na ulit maglinis. Kinalkal ko ang mga drawer ko upang maitapon ang bagay na hindi ko na kailangan. Binuksan ko naman ang pangatlong drawer kaya't agad bumungad sa akin ang mga letter na natanggap ko nung highschool pa lamang ako.
Nagkaroon ako ng time na basahin ang lahat dahil hindi ko ito nagawang basahin noon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang mabasa ang mga sulat, ang iba ay galing sa mga kaibigan ko at ang karamihan naman ay galing sa mga lalaking hindi naman nagpapakilala.
Napadako naman ang aking tingin nang makita ang maliit na box sa isang tabi. Napatitig ako dito nang ilang segundo habang inaalala ang kaarawan ko nung mga panahon na andito pa si daddy.
Ito ang regalo sa akin ni daddy nung apat na taong gulang pa lamang ako. Isa itong bracelet na pangarap ko dati. Hindi ko naman napigilang isipin ang mga pangyayare nung mga panahon na nakita ko ito sa isang mall. Nagawa ko pang makipag agawan sa isang batang lalaki para lamang makuha ito, ang sabi niya kase ay ireregalo niya daw sa kaniyang mommy... Hindi naman ako pumayag dahil gusto ko rin ng bracelet na 'to.
Unti-unti kong binuksan ang maliit na box dahilan upang bumungad sa akin ang silver na bracelet. Tinabi ko ito dito nang malaman ko na namatay na si daddy, ayaw ko kaseng mawala ito dahil mahalaga ito para sa akin. Si daddy ang nagbigay nito sa akin kaya't iniingat-ingatan ko ito na mawala. Ito na lang kase ang bagay na makakapagpaalala sa akin para sa aking ama.
Napatingin naman ako kay Jekai nang lumapit siya sa gawi ko.
"Gusto mo bang isuot ko sayo yan?" Nakangiting aniya at dahan dahan naman akong napatango. Nilahad ko sa kaniyang harapan ang aking braso at hindi napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi nang unti-unting niyang isuot ang bracelet.
"I love it" Sambit ko habang titig na titig dito. Masaya namang napatingin sa akin si Jekai.
"You miss him?" Tanong niya na agad kong ikinatango.
"So much, Jekai"
~To be continue~
BINABASA MO ANG
The Brightest Star.
Teen Fiction"You are the brightest star in my universe, Akhira Yvonne Castalleno." ~Kousuke Okayama Start: June 10, 2020 End: