Chapter 35

3 0 0
                                    

Napatitig ako sa gusali na nasa aking harapan, ngayon na lang ulit ako makakatapak sa kaniyang condo matapos kong lisanin dati ang Maynila... Namiss ko ang lahat dito kaya't parang gusto ko na lang tumakbo papasok sa loob at manirahan muli sa kaniyang condo.


"Tara na, babycakes" Yaya ni Kousuke nang makalabas sa kaniyang kotse. Napatingin naman ako sa kaniya at napairap nang marinig ang kaniyang sinabi.


Baduy! Babycakes!


"Napakacorny mo!" Sigaw ko dito bago maglakad papasok sa elevator. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa bago sumunod sa aking gawi.


Unti-unting bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang isang babae na ngayon ay busy sa pagkalkal sa kaniyang bag. Hindi ko na sana ito papansinin at lalagpasan na lamang nang bigla niyang iangat ang kaniyang ulo dahilan upang magtama ang kaniyang mga mata sa lalaking nasa tabi ko.


"Omyghad, baby!!! You're here naa!! Namiss kita!" Agad naman kumunot ang noo ko sa narinig na ani'moy hindi makapaniwala sa nakikita. Nakita ko pa ang gulat sa mga mata ni Kousuke nang sugudin siya nito at yakapin nang napakahigpit.


Sinamaan ko naman ng tingin si Kousuke kaya't pilit niyang tinanggal ang kamay na nakapulupot sa kaniyang leeg.


"What are you doing here?" Tanong ni Kousuke.


"Why? Your not happy ba? Or your just shy lang kase pinuntahan pa kita dito?" Bakas ang pangaasar sa tono ng pananalita nito kaya't hindi ko mapigilang mapairap.


Napakamot naman sa ulo si Kousuke at napatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahilan upang unti-unting lumingon sa akin ang babae na ani'moy ngayon lang napansin ang presensya ko dito.


"Oh, hi! You are?" Taas kilay na tanong nito nang mapabaling sa akin. Ngumiti naman ako dito ng peke bago ilahad ang kamay sa kaniyang harapan.


"Kousuke's girlfriend" Sagot ko. Umuwang naman ang kaniyang labi nang dahil sa gulat kaya't hindi ko mapigilang mapangisi. Nakita ko pa ang pagpipigil ng ngiti ni Kousuke sa isang tabi kaya't pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Tsk.


"W-what!? Is it true, baby?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Kousuke. Napatango naman si Kousuke dito bago ipulupot ang kamay sa aking bewang.


"Okay?" Aniya na ani'moy hindi pa rin makapaniwala. Pinagkrus ko na lamang ang mga kamay ko habang pinagmamasdan siyang panoorin kami. "So, it's okay naman siguro kung dito ako tutuloy diba?" Dagdag niya pa. Magsasalita pa sana ako dito nang bigla niya kaming talikuran at maglakad papasok sa condo ni Kousuke.


Mabilis akong lumayo kay Kousuke nang makaalis ang babae at masama ko siyang tiningnan.


"BABYCAKES, pwede bang pakiaayos ng ugali ng BABY mo? Masyadong bastos eh" Sarkastikong saad ko dito bago siya talikuran at maglakad papasok sa kaniyang condo. Nakakainis!!


Naramdaman ko pa ang pagsunod ni Kousuke sa akin kaya't mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Mas maayos talaga kung kay Jekai ako tumuloy kesa dito na kasama ang napakaarteng babae na iyon!


Mabilis kong binuksan ang pintuan at maglalakad na sana papasok sa loob ng condo nang bumungad sa akin ang isang lalaki na ngayon ay kunot noong nakatingin sa akin.


Hindi siya nagsalita at pinagmasdan lamang ako na ani'moy kinikilala kung sino ang babaeng nasa kaniyang harapan. Agad namang nalipat ang kaniyang paningin sa aking likuran nang bumungad dito si Kousuke.


"Suke?" Pagtawag ni Kousuke dito na sa tingin ko ay kapatid niya ang nasa aming harapan. Seryoso naman siyang tiningnan nito bago ulit lumingon sa aking gawi. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang ngumiti at ilahad ang kamay sa kaniyang harapan.


"Hi! Akhira... Akhira Castalleno" Pagpapakilala ko. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi nang titigan niya lang ang kamay na nasa kaniyang harapan. Parang naging hangin lang ito nang talikuran niya ako at maglakad papasok sa condo. Dahan dahan ko na lamang binaba ang aking kamay nang maramdaman ang kamay ni Kousuke na pumatong sa aking kaliwang balikat.


"Sorry" Saad niya bago ako hilahin papasok sa kaniyang condo. Nakita ko naman ang babae kanina na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin. Paniguradong nakita niya ang pagkapahiya na nangyare sa akin kanina.


Kapatid ba talaga iyon ni Kousuke? Damn! Pinahiya niya ako! Wala naman akong virus or ano kaya bakit parang ganon na lang niya kaayaw na makipagkamay sa akin?


"Bakit di mo sa akin sinabi na umuwi ka pala?" Tanong ni Kousuke sa kaniyang kapatid na ngayon ay busy sa paglaro ng kung ano sa kaniyang cellphone.


"Why? Are you surprised?" Walang emosyong saad nito habang hindi pa rin matikal ang tingin sa nilalaro.


"Hindi naman, sana lang ay nagsabi ka para napaghandaan ko" Saad ni Kousuke. Napatigil naman sa paglalaro ang kaniyang kapatid at nakadekwatrong humarap sa amin.


"I'm the one who surprised pala" Aniya habang nakatitig sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. May problema ba siya sa akin? Kung meron man ay sabihin niya lang dahil aalis ako dito, wala naman akong ginagawang masama diba? Then, what's the problem!? Parang napakalaki ng nagawa ko sa kaniya.


"Is there a problem? I'm sorry for bothering you here, pwede naman ako umalis kung hindi ka komportable na merong ibang tao dito" Maayos na sambit ko dito. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Kousuke sa aking tabi.


"Anong sinasabi mo, Kira? Your welcome here! Ganyan lang talaga ang kapatid ko kaya't hayaan mo na lamang" Saad nito. Napatingin naman ako sa kaniyang kapatid nang tumayo ito at maglakad papunta sa kwarto. Sinundan ko lamang ito ng tingin hanggang sa pabagsak niyang saraduhan ang pintuan.


Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga ni Kousuke sa aking tabi nang makapasok ito.


"Stupid, Kousuke" Natatawang saad ng babae kanina bago maglakad at sumunod rito.










~To be continue~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon