"What!?"
"Oo, Kira!!! Magkikita na kami!!" Excited na sambit ni Jekai na ani'moy hindi pinansin ang aking sinabi.
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Parang dati lang ay ayaw na ayaw niya na makipagkita ako kay Kousuke.
"Yesss!! Birthday niya kase and napagpasyahan niya na ngayon kami magkita!! And guess what? Sa mismong birthday party niya pa!!" Aniya at nagtitili pa sa sobrang kilig.
"I'm going with you" Seryosong saad ko dito at mabilis na tumayo sa pagkakaupo. Kunot noo naman akong tiningnan ni Jekai.
"Mygosh, Kira!!! Nakagayak na ako!! Baka malusaw ang make up ko kaiintay sayo!!" Reklamo niya. Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso sa banyo upang makaligo.
"Arghhhhh!!" Frustrated na aniya at walang nagawa kundi ang intayin ako. Mahina naman akong natawa nang makapasok sa banyo at mabilis na naligo.
Friends over kung hindi man niya ako iintayin, haha.
Mabilis akong natapos kaya't pumili na lamang ako ng simpleng damit na masusuot. Hindi naman ako invited kaya't sinuot ko na lamang ang plain black t-shirt at high waisted pants na tinerno sa black na boots ko.
Napatingin naman si Jekai sa aking suot nang makalabas ako ng kaniyang kwarto.
"Party ang pupuntahan natin, Kira... Hindi tayo makikipagbakbakan sa kanto" Sambit niya at napairap pa nang pasadahan niya ang aking suot.
"Baka mapasabak eh" Sambit ko dito at ngumisi bago lumakad palabas ng bahay.
Iisang sasakyan lang ang ginamit namin kaya't ako ang nagdrive nito papunta sa sinabing location ni Jekai.
Mabilis naman kami nakarating dito kaya't agad kong pinarada ang aking sasakyan sa tapat ng bahay.
"I can't wait!! Makikita ko na ang bb ko!! huhu" Pagdradrama pa ni Jekai nang makarating kami. Napairap naman ako sa kaniyang sinabi at lumabas na ng sasakyan.
Nahuli akong lumakad papasok ng bahay kaya't pinagtitinginan ako ng mga madadaanan kong mga tao. Hindi ko naman sila pinansin at ipinagsawalang bahala na lamang ito. Kung ang tinitingnan nila ay ang suot ko ay wala naman silang pake don, magkaroon sila ng pake kung pumunta ako dito ng walang kahit ano mang saplot.
Napatingin naman ako kay Jekai na ngayon ay busy sa paglibot ng paningin sa buong paligid. Sinundan ko na lamang siya hanggang sa magulat at mapatakbo siya papunta sa kung sino mang lalaki.
Hindi nawala ang paningin ko sa lalaki. Matangkad, moreno, singkit at payat. Sa palagay ko ay isa rin siyang japanese. Hindi rin naman mukhang masamang tao ang awra niya.
Nang makatikal sila sa yakap ay agad na napatingin sa akin ang lalaki. Napansin naman ito ni Jekai kaya't mabilis niya akong hinila upang maipakilala.
"Si Kira nga pala, kaibigan ko" Pagpapakilala nito kaya't pilit naman akong ngumiti dito.
"I'm David" Nakangiting pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay sa aking harapan. Tinanggap ko naman iyon at maayos na nakipagkamay bago bumitaw at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star.
Teen Fiction"You are the brightest star in my universe, Akhira Yvonne Castalleno." ~Kousuke Okayama Start: June 10, 2020 End: