Chapter 12

15 4 0
                                    

Walang gana akong naglakad papunta sa training grounds habang sinusundan si Kousuke at kuya Sybrew.


Andito kami ngayon sa bahay ni kuya Sybrew dahil pinapunta niya kami dito para mag training.


"Kira! Halika nga dito! Pakitaan mo naman si Kousuke ng malupitang pagbaril mo" Aniya. Napangisi naman ako sa kaniyang sinabi at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang gawi.


Agad kong kinuha ang pistol sa kaniyang kamay at mabilis itong kinasa. Finocus ko naman ang aking sarili at hindi pinansin ang mga mata ni Kousuke na nanonood sa akin.


Pinutok ko ang baril ng tatlong magkakasunod at napangisi nang lahat ng ito ay tumama sa gitna. Walang mintis! Saktong sakto!


"Nice!!" Komento ni kuya Sybrew kaya't napatingin ako kay Kousuke upang makita ang kaniyang reaksyon.


"That's how you fire a gun" Mayabang na saad ko dito. Umawang naman ang kaniyang labi dahil sa aking sinabi at agad na napasinghal.


"Ha! Eh kayang kaya ko rin yan noh!! Fast learner ata toh!" Aniya. Mabilis naman niyang kinuha ang baril sa aking kamay at pumwesto. Napataas naman ako ng kilay habang pinapanood siya. Lol, nice one. Natuto na siya kung paano humawak ng baril. Thanks to kuya Sybrew!


Agad naman niyang pinutok ng tatlong beses ang baril at hindi ko mapigilan ang mahinang tawa nang makita na isa lamang ang tumama sa gitna.


Napakalayo ng pinunta ng dalawang bala. Tsk. Akala ko pa naman ay marunong na siya.


"What the hell!! Ang daya! Bat ganon!!" Reklamo ni Kousuke at humarap sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangisi nang makita ang kaniyang reaksyon.


"Better luck next time, Kousuke" Sambit ko dito at kumindat pa bago ako maglakad palayo. Narinig ko naman ang malakas na tawa ni kuya Sybrew upang asarin ito.


"Pagaling ka muna!" Sigaw ko pa dito habang natatawa.










Lumipas ang mga araw at mas lalo kong napapansin ang improvement ni Kousuke. Hindi naman siya mahirap turuan gaya ng sabi ni kuya Sybrew.


Andito kami ngayon sa coffee shop para magalmusal. Kagagaling lang namin sa training kaya't dumiretso kami dito. Kasama rin namin sina Kenjie at Jekai dahil sumama sila kanina nang malaman na nagtratraining rin si Kousuke.


May mga supporters tuloy ang kupal kaya't siguro ginanahan. Tsk.


"Walang wala ka pa rin sa kalingkingan ng ate ko, unting practice pa!" Sambit ni Kenjie kay Kousuke na ngayon ay napatigil sa paghigop ng kaniyang kape.


"Ulol! Labanan mo muna ako kung ganon" Hindi ko naman mapigilang mapangisi sa sinabi ni Kousuke.


"Wag mo na subukan. Baka mapatay ka ng kapatid ko kapag nilaban mo iyan" Singit ko sa usapan nila. Mabilis namang napalingon sa akin si Kousuke.


"Ano!? Wag niyo sabihin na marunong rin ang kupal na toh!?" Hindi makapaniwalang baling niya kay Kenjie. Napangisi naman dito ang aking kapatid at natawa ng mahina.


"Parang ganon na nga" Mahanging saad nito at kumagat sa tinapay na nasa kaniyang harapan.


"Alam mo kousuke kung lalabanan mo si Kenjie ay ihanda mo na ang kabaong at paglilibingan mo" Saad naman ni Jekai sa isang tabi.


"Parang magpapatalo naman ako sa batang yan!" Sigaw ni Kousuke sa pagmumukha ni Kenjie.


"I dare you, kuya Kousuke. Labanan mo ako" Panghahamon ng aking kapatid.


"Yon lang ba? Bwahahaha game!!!" Sambit ni Kousuke at ngumisi dito. Napailing na lamang ako dahil walang wala siya sa kapatid ko. Hindi ko itatanggi na mas magaling pa sa akin ang kapatid kong si Kenjie kahit na ako ang naging trainor nito.


"Kotse sa kotse!! Ano? Game?" Pusta pa ng kapatid ko. Napairap naman ako sa kaniyang sinabi dahil alam niyang siya ang mananalo sa pustahan na'to. Magandang klase kase ang sasakyan ni Kousuke kaya't kung siya man ang mananalo ay mapapasakaniya ang sasakyan nito.


"Game na game!!" Saad pa ni Kousuke sa aking tabi.


Lol, say bye to Kousuke, Porsche











Inis akong tumayo galing sa pagkakahiga dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.


Wtf!! It's already 12 o'clock!!


Mabilis kong sinuot ang aking tsinelas at agad na binuksan ang mini refrigerator ng aking kwarto. Kumuha ako ng fresh milk at nang mangunguta bago pumunta sa veranda upang makapagpahangin.


Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin nang makapasok sa veranda ng aking kwarto.


Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa maiilaw na kalangitan dahil sa mga tala na nagniningning dito.


Bigla namang pumasok sa aking ala-ala si Kousuke. I'm sure hindi siya magsasawa na panoorin ang mga tala tuwing gabi.


Agad ko namang kinuha ang cellphone ko upang makuhaan ito ng litrato at nilagay sa aking IG story.


Habang nililipad ang aking utak sa kung ano anong bagay ay naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone kaya't mabilis ko itong kinuha sa lamesa.


Kousuke.Okayama:
I already find my star, Kira


Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kaniyang sinabi at nakaramdam ng konting pait sa aking puso.


His first love.


ItsKiraCastalleno:
Good for u! :)


Reply ko at dahan dahang pinatay ang aking cellphone. Nilagay ko naman ang noo sa aking braso at pinahinga saglit ang aking isipan. Fvck! Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Kousuke is just a friend of mine! Hindi dapat ako nakakaramdam ng lungkot.


Kousuke.Okayama:
Goodnight! See you tomorrow, Akhira.


Pagbasa ko sa message niya at unti-unting napailing.


It's really hard for me, Kousuke......


I'm confusing.











~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon