Chapter 20

11 1 0
                                    

"Potek! Wag ka magulo, Kira!!"


Suway sa akin ni Kousuke. Hindi ko naman ito sinunod at mas ginulo pa siya habang nagdradrive.


Malakas naman akong tumawa nang magpagewang gewang kami sa bike. Mabuti na lang ay walang gaanong dumadaan na sasakyan dito.


"Hindi na talaga kita isasama sa sunod, Kira" Pagbabanta niya pa kaya't napatigil ako sa ginagawa ko. Andito kami ngayon sa kalapit na subdivision namin dahil mahuhuli kami nina mommy kung doon kami magbabike.


Natahimik na lamang ako sa likuran niya habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.


"I can live! I can love! I can reach the heavens above!" Pagkanta pa ni Kousuke habang sinasalubong ang masarap na simoy ng hangin. Natawa naman ako sa tono ng pagkanta nito dahil feel na feel niya talaga ang kanta.


"Hawak!" Utos ni Kousuke kaya't napahawak ako sa inuupuan ko. Kunot noo naman siyang lumingon sa akin at mabilis na kinuha ang kamay ko na pinulupot sa kaniyang bewang.


Napahawak naman ako sa kaniya nang mahigpit nang bilisan niya ang pagpapatakbo.


"Slow down!!" Suway ko dito ngunit imbis na pabagalan ang pagpapatakbo ay mas lalo niya itong binilisan. Napapikit naman ako sa bilis nang takbo nito dahil sa tuwing mumulat ako ay pakiramdam ko ay lilipadin na kami ng hangin.


"Lah, arte neto! Isipin mo na lang na nasa Korea ka tapos may kasama kang poging oppa!" Rinig kong saad niya. Unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko at tiningnan ang paligid. Napatingin naman ako sa kamay ko na nakapulupot kay Kousuke. Tatanggalin ko na sana ito nang bigla niya itong kunin at ibalik sa dating pwesto.


Wala naman akong nagawa kundi ang pagmasdan na lamang ang paligid. Napapikit naman ako, hindi dahil sa takot na nararamdaman kundi sa kaginhawahan.


"Enjoying the view?" Tanong ni Kousuke nang lumingon sa aking gawi. Dahan dahan naman akong tumango  at ngumiti dito.


"Eh eto? You love the view?" Aniya nang ihinto ang bike sa isang tabi. Nagulat naman ako nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.


"Y-yes" Utal utal na saad ko at napakagat labi dahil hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa bibig ko. Hindi naman mawala ang ngiti sa kaniyang labi habang pinapasadahan ang kabuuan ng aking mukha.


"I love view" Aniya na ikinatigil ng tibok ng aking puso. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin na ani'moy hindi rin inaasahan ang lumabas sa kaniyang bibig.


"I m-mean, I l-love the view.... S-sorry, namali" Aniya pa at narinig ko ang mahihinang mura niya. Hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko sa kaniyang sinabi kaya't tanging tibok lamang ng aking puso ang naririnig ko.


Shit!!











"Woww!! Adobo!!" Sigaw ni Kenjie sa kusina nang makita ang pagkain sa mesa ni Kousuke.


Andito kami ngayon sa condo ni Kousuke dahil napagdesisyunan nilang mag overnight. Wala naman akong nagawa kundi ang sumama dahil masyado silang mapilit.


"Hindi na ba matigil yang bunganga mo sa pagkain?" Suway ko kay Kenjie dahil kakatapos niya lang kumain sa bahay bago kami magtungo dito.


"Puro sa restau ang pagkain sa bahay eh!! Nakakasawa na! Buti pa dito puro
lutong bahay" Reklamo pa niya na ikinairap ko. Hinayaan naman namin siyang lantakan ang nakahain sa lamesa at pumunta na lamang sa sala.


"Soju na naman!? Wala bang red horse jan? O kaya Empi? Alfonso?" Saad ni David nang makita ang nilapag na alak ni Kousuke. Binatukan naman siya ni Jekai na nasa kaniyang tabi.


"Walwalero ka talaga eh noh? Lahat na lang alam mo!" Sigaw nito dito. Napakamot naman sa ulo si David.


"Joke lang, love, tatlo lang talaga ang alam ko sa alak"


"Ulol! Kaya mo ngang irecite lahat ng ibat ibang klase ng alak pero kapag pinarecite na sayo ang buong pangalan ni Jose Rizal ay tameme ka na!" Singit naman ni Kousuke. Hindi ko naman mapigilang matawa ng malakas nang makita ang reakyson ni David.


"Anong kaya ko! Gunggong! Hindi kaya!! Saka alam ko kung ano ang full name ni Jose Rizal!!" Tanggi nito.


"Ano?" Panghahamon ni Kousuke dito. "Lah, bat ko sasabihin sayo?" Saad naman nito at nagsimulang magsalin ng alak sa baso.


"Toinks! Hindi mo siguro alam noh!!" Sambit ni Jekai dito sabay pitik sa noo nito. Napahawak naman dito si David habang kunot noong nakatingin sa kaniyang nobya.


"Ang sakit" Komento nito. Sakto namang dumating si Kenjie na ngayon ay dire-diretsong umupo sa tabi ko.


"Ikaw, Kenjie? Alam mo ba ang tunay na pangalan ni Jose Rizal?" Tanong ni Kousuke dito. Napatango naman si Kenjie dito na ani'moy nagtataka sa tinanong ni Kousuke.


"Full name ba?"


"Oo" Mahinang natawa naman si Kenjie. "Sus, easy!" Pagmamayabang pa ng kapatid ko.


"Sige nga! Ano?"


"Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda" Sagot nito. Hindi ko naman mapigilang mapangisi habang nakatingin sa kapatid ko.


"Mana ka talaga saken" Biro ko.


"Saken kaya!!!" Sigaw naman sa akin ni Kousuke na ikinairap ko.


"Shut up! Saken nagmana si Kenjie"


"Hoy! Saken!!"


"Kapatid ka ba ha!?" Taas kilay na tanong ko dito na ikinatahimik niya.


"Edi sayo na!! Saken ka naman nagmana" Sambit nito. Malakas naman na tumawa si David at Jekai habang pinapanood kaming magtalo ni Kousuke.







~To be continue~

Maligayang kaarawan, Dr. Jose Rizal!

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon