Chapter 11

11 5 0
                                    

"Let's go! Crazy, crazy, crazy, till we see the sun!!" Pagkanta ng dalawa sa likuran kaya't agad ko silang sinamaan ng tingin.


"Pwede bang hinaan niyo naman ang bunganga niyo?" Iritang saad ko dito na ikinatigil nila.


Andito kami ngayon sa loob ng sasakyan habang nagbyabyahe papunta sa mall. Si Jekai lang sana ang kasama ko ngunit nalaman naman ni Kenjie na aalis kami kaya't sinama niya rin si Kousuke.


Ngayon ko balak bumili ng mga gamit sa kwarto. Paniguradong hindi ako masyadong makakapili dahil sa dalawang asungot na 'to.


Mabilis naman kaming nakarating sa mall kaya't agad kong ipinarada ang aking sasakyan.


"Saan tayo kakain?" Tanong ni Kousuke sa aking tabi na ikinairap ko. "Nadating pa lang tayo, Kousuke. Huwag na muna pagkain ang abalahin mo" Sagot ko dito. Si Jekai naman ay busy sa paglibot ng paningin sa paligid, paniguradong naghahanap na siya ng pwede naming bilhin.


"Sige, ikaw na muna ang aabalahin ko" Aniya pa at mabilis akong inakbayan. "Tsk"


Naglibot libot pa kami sa buong mall nang makahanap nang pwedeng bilhan. Agad naman kaming hinila ni Jekai papasok sa loob kaya't wala kaming ibang nagawa kundi ang sumunod dito.


Naagaw naman ng aking pansin ang mga bedsheets na nakadisplay sa isang tabi. Mabilis naman akong pumunta dito at naramdaman ko naman ang pagsunod ni Kousuke sa aking gawi.


"Ampanget" Komento niya nang makita ang kinuha kong bedsheet. "Ba't blue? Lalaki ka ba?" Tanong niya pa kaya't wala akong ibang nagawa kundi ang ibalik ito.


"Mas panget" Sambit niya na naman nang makita ang kinuha ko na may design na flamingo.


Hindi ko naman mapigilang mapairap nang humarap sa kaniya. "Sayong kwarto ba?" Masungit na saad ko dito na ikinatawa niya ng mahina.


"Masyado ka namang highblood! Hindi ba pwedeng gusto ko lang tumulong?" Aniya. Mabilis naman niyang kinalkal ang mga bedsheet na andito at napatigil nang makita ang black and white na bedsheet.


"Ito maganda!" Aniya habang nakatingin sa kaniyang hawak. Sinamaan ko naman siya ng tingin at pahablot na kinuha ang bedsheet sa kaniyang kamay.


Maganda nga ang kulay nito na paniguradong babagay rin sa pintura ng aking kwarto.


"K, I'll take this" Masungit na saad ko at tinalikuran na siya. Habang nagtitingin sa paligid ay nagulat ako nang biglang kunin ni Kousuke ang hawak ko.


"Ako na" Aniya at ngumiti sa akin nang makuha ang mga dala ko.


"O-okay" Sambit ko at nagsimula na namang maglibot libot sa paligid. Hinanap naman ng aking mata sina Kenjie at Jekai. Nakita ko naman silang naghahanap rin ng kung ano-ano sa hindi kalayuan kaya't hinayaan ko na muna sila sa kanilang ginagawa.


Napatingin naman ako kay Kousuke na ngayon ay napatigil sa paglalakad. Kunot noo naman akong naglakad palapit sa kaniya at tiningnan ang bagay na nasa kaniyang harapan.


Isa itong starlight rotating projector na ginagamit tuwing gabi. He loves stars, kaya't paniguradong gustong gusto niya ang nakikita niya.



The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon