"Good morning, anak!"
Masayang bati sa akin ni mommy ng makapasok ako sa kusina. Hindi ko naman ito pinansin at dire-diretsong umupo sa isa sa mga upuan.
Nagising ako kanina dahil sa ingay na nanggagaling sa garden. Napakadaming tao ngayon dito sa bahay dahil paniguradong nagaayos na sila para sa gaganapin na engagement party sa isang araw.
Sakto namang bumaba na rin si Kenjie na ngayon ay bagong ligo. "Good morning, ate!! Good morning, mommy" Bati nito sabay halik sa aming pisngi.
Tahimik naman akong nagsandok ng kanin sa aking plato.
"Anak, kumuha na nga pala kami ng bahay niyo sa Tagaytay. Don na lang namin napagpasyahan na tumira kayo dahil andon naman ang mga lolo at lola mo" Napatigil naman ako sa pagkakain dahil sa narinig.
"Parang ang bilis naman po ata, mommy" Singit ni Kenjie dahil paniguradong parehas kami ng nasa isip ngayon.
"Aba, dapat lang, saka malapit na rin ang kasal ng ate mo. Mas maganda kung dun na sila uuwi pagkatapos ng kasal nila ni Mathew" Nagkatinginan naman kami ni Kenjie sa narinig kaya't mabilis rin akong umiwas ng tingin at lumingon sa gawi ni mommy.
"Pero mas gusto ko po yung bahay na pinaghirapan namin"
"Oo nga, mommy. Mas maganda nga po kung sa pera nila manggagaling yung ipapagawa nila ng bahay" Pagsang-ayon naman sa akin ni Kenjie. Napaisip naman ang aming ina bago malakas na bumuntong hininga.
"Okay, hindi ko na itutuloy kung iyan ang gusto mo" Saad nito. Sana ay ganon na lang din ang naging sagot niya nung sinabi ko na ayaw ko ipagkasundo sa isang lalaki.
Ngumiti lamang ako dito ng peke at pinagpatuloy ang pagkakain. Sayang ang pera kung papayag man ako sa sinabi niya. Kung ang perang ipapagawa ng bahay ay itulong na lamang sa mga nangangailangan ay paniguradong mas may silbi pa.
"Hindi na ako makapagintay na magkaroon ng apo, anak" Nakangiting aniya pa. Nabulunan naman ako sa kaniyang sinabi kaya't mabilis na inabot sa akin ni Kenjie ang isang baso ng tubig. What the hell!!
"Stop, mom! Masyadong bata pa ang ate ko" Sambit ni Kenjie dito habang pinupunasan ko naman ang palibot ng aking bibig.
Mahina namang natawa si mommy sa sinabi ng aking kapatid. "Why? She's already 24! Matanda na ang ate mo" Saad nito habang natatawa.
"I'm only 23" Pagtatama ko dito.
"Oh sorry, tumatanda na ang mommy niyo kaya't nagiging makakalimutin na"
Hindi na lamang ako nagsalita sa sinabi niya. Pano niya hindi makakalimutan kung puro pera at negosyo ang pinagkakaabalahan niya?
Mabilis ko namang tinapos ang pagkakain kaya't pumunta na ako sa garden upang matingnan ang kanilang ginagawa.
Napatingin naman sa akin si Tito Leo na ngayon ay nagassist sa mga nagtratrabaho kung saan dapat ilagay ang mga gamit. Dumire-diretso na lamang ako sa duyan upang makapagpahangin at para na rin kausapin si Kousuke.
Joy Marie:
MorningEthan:
May kailangan?Ethan:
O miss ako?Joy Marie:
Grr
BINABASA MO ANG
The Brightest Star.
Teen Fiction"You are the brightest star in my universe, Akhira Yvonne Castalleno." ~Kousuke Okayama Start: June 10, 2020 End: