Chapter 8

10 6 2
                                    

"Balita ko ay boyfriend mo daw ang anak ng kaibigan ng mommy mo?" Tanong ni tito Leo nang makapasok ako sa loob ng bahay. Napatigil naman siya sa pagtingin ng kung ano sa loptop at pinanood ako.


Hindi ko naman siya pinansin at tuloy tuloy na lumakad patungo sa kusina. Wala akong oras makipagtalo sa kaniya dahil kauuwi ko lang at madaling araw na.


Galing ako kay Jekai para tumambay kaya't nakalimutan ko ang oras. Wala naman pake sa akin si mommy kung anong oras ako uuwi kaya't tinagalan ko na ang pagtambay sa condo ng kaibigan ko.


Kumuha ako ng gatas sa ref para makapagtimpla ng maiinom. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni tito Leo sa akin sa kusina.


"Kinakausap kita, Kira" Aniya sa isang seryosong tono. Hindi ko naman mapigilang mapairap sa kaniyang sinabi at pabagsak na binaba ang hawak.


"So what? Kahit naman siguro sabihin ko sayo na may boyfriend na ako ay hindi ka pa rin papayag" Sagot ko dito na ikinangisi niya.


"Wala ka ring modo katulad ng iyong ama, Kira" Aniya. Umapaw naman ang galit na nararamdaman ko dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis ko siyang sinugod at agad na kinwelyuhan na ikinatawa pa niya.


"At matapang rin katulad ng iyong ama huh?"


"Huwag na huwag mong sasabihan ng ganyan ang tatay ko" Madiing saad ko dito at hindi napigilan ang pangigigil.


"Kalimutan mo na ang tatay mo, Kira. Ako na ang tumatayong ama sayo at asawa sa nanay mo" Saad nito dahilan upang mas lalo kong higpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kwelyo.


"Isa kang demonyo, Leonardo! Kaya't hinding hindi kita ituturing na ama!" Sigaw ko dito at malakas na binitawan ang kaniyang kwelyo.


"Isa nga ata akong demonyo na ang tanging gusto lang ay ang maganda mong buhay"


"Fvck you! Isa kang demonyo na ang tanging gusto lang ay kayamanan!" Sigaw ko dito. Nagalab naman sa galit ang mga mata niya nang dahil sa aking sinabi.


Humakbang pa siya ng konti upang mas lalong mapalapit sa aking pwesto. Hindi naman ako nagpatinag at mas lalong nilabanan ang mga titig niya.


"Ang dami mong satsat, iha.... Kahit ano pa ang sabihin mo tungkol sa akin ay itutuloy ko ang kasal mo! Naiintindihan mo!?" Sigaw niya at dinuro duro pa ako.


Malakas ko naman siyang tinulak dahilan upang malakas siyang tumawa na ani'moy isang demonyo.


"Ibreak mo na ang boyfriend mo dahil wala ka nang magagawa, ANAK KO" Sambit pa niya kaya't agad ko siyang sinamaan ng tingin at mabilis na tinalikuran.


Tangina mo, Leonardo! Hinding hindi ko ituturing na ama ang katulad mong baliw!












"Saan ang punta natin, miss ganda?" Tanong ni Kousuke nang makapasok ako sa kaniyang sasakyan. Andito na naman ako sa condo ni Jekai dahil hindi ko kakayaning tumira sa bahay kasama ang tatay tatayan ko. Baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at mapatay pa siya.


"Sa bahay" Sagot ko dito na ikinagulat niya.


"Ano!? Seryoso ka jan!?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Napairap naman ako nang makita ang kaniyang reaksyon.


"Mukha ba akong nagjojoke?" Sarkastikong tanong ko dito. Napatingin naman siya sa daan at napabuga ng sariling hangin.


"Hoooo!! Grabe naman, lods! Binibigla mo naman ako" Aniya pa at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Hindi ko na siya pinansin at tinuon na lamang ang atensyon sa dinadaanan namin.


Naging mabilis ang byahe papunta sa aming bahay kaya't agad rin akong bumaba ng kaniyang sasakyan. Pinagbuksan naman ako ng gate ng aming guard at inintay si Kousuke na iparada ang sasakyan upang sabay kaming lumakad papasok sa aming bahay.


Nagulat naman ako nang hawakan ni Kousuke ang kamay ko kaya't napatitig ako dito ng ilang segundo.


"Let's go?" Nakangiting yaya niya sa akin at mabilis akong hinatak papasok sa aming bahay habang hawak hawak pa rin nang mahigpit ang kamay ko.


Agad namang napalingon sa gawi namin si Kenjie na ngayon ay nagdidilig ng kaniyang mga halaman. Napakahilig talaga ng kapatid ko sa mga halaman.


"Lah, sino naman yang kupal na kasama mo, ate?" Tanong ni Kenjie sa akin kaya't agad na lumapit dito si Kousuke upang mabatukan.


Hindi ko naman mapigilang matawa habang pinapanood sila. Sa loob ng unting panahon ay mabilis silang napalapit sa isat-isa.


"Gago! Ikaw kupal! Kapal din mukha!" Bawi ni Kousuke at malakas na tumawa upang asarin ang aking kapatid.


Nakatayo lang ako sa aking pwesto habang pinapanood silang magbangayan nang biglang lumabas ng bahay si mommy.


Agad nagbago ang reaksyon niya nang makita ang kasama ko. Nagkunwari na lamang ako na hindi siya nakita kaya't nang makapasok ulit siya sa loob ng bahay ay mabilis kong hinila si Kousuke papasok dito.


"Hoy, gagu! Kinakabahan ako" Aniya. Hinila ko naman siya papunta sa kusina dahil hindi pa ako nagaalmusal at nagugutom na ako.


Habang naghahain ng almusal namin ay biglang pumasok si mommy sa kusina. Walang emosyon ang kaniyang mukha at walang imik na nagtungo sa ref upang kumuha ng tubig.


Napatingin naman ako kay Kousuke na ngayon ay wala ring pakialam na nakaupo sa isang tabi.


"Kousuke" Banggit ni mommy sa kaniyang pangalan kaya't pasimple akong sumulyap sa kaniyang gawi.


Mabilis namang lumingon si Kousuke dito. "Didiretsuhin na kita, iho....Hiwalayan mo ang anak ko" Seryosong sambit ng aking ina at mabilis na ininom ang isang baso ng tubig.


"Po?" Kunot noong tanong ni Kouske na ani'moy naguguluhan sa sinabi ng aking ina. Pasimple naman akong napangiti sa magaling na acting ni kousuke.


Lol, good job haha.


"Hiwalayan mo ang anak ko sa ayaw at sa gusto mo, Iho.... Kelangan ko pa bang ulitin?" Taas kilay na tanong ni mommy.


"P-pero hindi pwede, tita. Mahal ko po ang anak niyo" Saad ni Kousuke at tumayo sa pagkakaupo. Naglakad naman ako palapit sa kaniya at mabilis na hinawakan ang kaniyang kamay.


Napalingon naman siya sa gawi ko dahil sa aking ginawa bago ulit tumingin kay mommy.


"Alam mo naman ata na nakatakda nang ikasal ang anak ko, Kousuke.... Huwag mo naman sanang sirain ang mga plano ko para sa aking anak"


"Sorry, tita pero hinding hindi ko po hihiwalayan si Kira" Napatigil naman ng ilang segundo si mommy habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang baso.


"Masisira ang pagkakaibigan namin ng mommy mo nang dahil sa relasyon niyo, iho" Aniya at mabilis kaming tinalikuran. Inintay ko na muna na makaayat si mommy bago ako humarap kay Kousuke.


"Kahit pagkakaibigan nila ni tita Cora ay kaya niyang sirain" Saad ko dito. Naramdaman ko naman ang pagpatong ng kaniyang kamay sa aking balikat.


"Mission accomplished, Kira! Thanks to me" Sambit niya sa aking mukha at kinindatan pa ako. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kaniyang sinabi.


"Thank you"  ^__^











~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon