2 Years Later
~~~
"Tubod na ata ang niluluto mo, Kira" Komento ni Melanie sa aking likuran. Napatingin naman ako sa iniihaw kong karne at mabilis na nataranta nang makitang tubod na nga ang mga ito.
"Naku, Kira! Wala nang kakain niyan" Biro naman ni Fatima. Malungkot naman akong napatingin dito, kelan ba ako matututong magluto nang hindi natutubod ang pagkain?
Ilang beses ko ng ginawa ito ngunit wala man lang akong nagagawang tama. Puro tubod at kung minsan naman ay pangit ang lasa.
Sana ay hindi na lamang ako nag presinta na magluto nito para hindi kami nag aksaya ng pagkain.
"Ayos lang yan!! Bilisan niyo na lamang sa pagluto para maihanda na natin ang mga pagkain" Sigaw ni Otep habang busy sa pagluto nang kare-kare na paborito naming magkakaibigan. Wala naman akong ibang nagawa kundi ilagay sa plato ang niluto ko, sayang naman kung itatapon ko ang pinaghirapan ko.
"Ang sarap naman niyan" Komento ni Fatima nang dumungaw sa niluluto ni Otep. "Syempre, luto lang naman yan ng pinakamasarap na magluto dito sa buong baryo" Pagmamayabang niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga naging kaibigan ko sa lugar na'to.
Sila ang tumayong pamilya ko dito kaya't nagpapasalamat ako na dito ako dinala ng mga paa ko nang umalis ako sa Maynila. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan hanggang ngayon ang mga kaibigan na naiwan ko sa syudad. Minsan nga ay hinihiling ko na lamang na makita silang muli at makasama.
Araw araw na gigising ako sa umaga ay nakakaramdam ako ng matinding pangungulila. Minsan ay napapaisip rin ako, kamusta na kaya sila? Masaya ba sila sa kaniya kaniya nilang buhay? Si Kousuke kaya? Nakauwi na ba siya gaya ng ipinangako niya sa akin na babalik siya?
Isa ang mga yan sa pumapasok sa aking isipan tuwing naaalala ko ang mga kaibigan ko. Wala na akong naririnig na balita tungkol sa kanila, tanging si kuya Sybrew lamang ang nakakausap ko sa tuwing tatawag siya upang kamustahin ako. Mismong si Kenjie nga na kapatid ko ay walang alam kung nasan man ako.
Si kuya Sybrew ang nagsusupply ng mga pagkain ko dito sa bahay, siya rin ang nagbibigay sa akin ng pera na kakailanganin ko sa araw-araw kaya't kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng gutom. Hindi ko nga alam kung paano ko maibabalik sa kaniyang ang lahat ng ginagawa niyang pagtulong sa akin.
"Hoy, Kira! Ayos ka lang ba?" Pagtawag sa akin ni Melanie. Mabilis naman akong bumalik sa aking sarili at mabilis na tumango sa aking kaibigan.
"Ayos lang ako" Sambit ko at sinimulan na ulit ang pagtulong sa kanila. Napagdesisyunan kase naming magkakaibigan na pumunta sa dalampasigan upang makapag outing.
Mabilis naman kaming natapos sa kaniya kaniyang ginagawa kaya't excited kaming naglakad patungo sa dalampasigan. Ngayon ko lang mararanasan ito sa buong pamamalagi ko dito sa Palawan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko man lang ito naisipang gawin gayong napakalapit ko naman sa dagat.
"Paniguradong hindi na naman iitim ang porselanang tulad mo!" Tukoy sa akin ni Fatima. Natawa naman ako ng mahina sa kaniyang sinabi. Dalawang taon na akong naninirahan sa tabing dagat ngunit ang balat ko ay hindi pa rin nagbabago. Ewan ko ba! Kahit na gustong gusto kong umitim ay hindi pa rin sumasang ayon ang balat ko sa gusto kong mangyare.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star.
Teen Fiction"You are the brightest star in my universe, Akhira Yvonne Castalleno." ~Kousuke Okayama Start: June 10, 2020 End: