Chapter 15

16 2 1
                                    

"This is my daughter, Akhira Yvonne" Pagpapakilala ni mommy sa akin. Napatango naman sa harapan ko si Tito Michael bago ilahad ang kamay sa aking harapan.


Walang gana ko naman itong tinanggap. As usual pinilit na naman ako ng magulang ko. Kadadating lang daw ni tito Michael galing sa States kaya't pumunta agad sila dito.


Napatingin naman ako kay Mathew na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa mga kamay kong suot suot ang singsing. Kahapon pa ito binigay sa akin ni mommy kaya't pinasuot niya sa akin kanina. Tsk. Sinuot ko naman para magmukhang totoo ang pagpapanggap ko.


Napagkasunduan namin ni Kousuke na hindi na muna magpakita kay Mathew at sa pamilya ko. Pagmumukhain namin sila na wala na kami at saka siya magpapakita kapag nangyare na ang engagement party.


Seize the moment. Sulitin niyo na ang lahat hanggat hindi pa nangyayare ang engagement party.


"So, kelan na ang kasal nang mga anak natin?" Tanong ni tito Leo dito.


"Napagusapan na namin ng asawa ko ang tungkol diyan. Gusto sana namin ay mapaaga ang kasal nila" Bakas naman sa mukha nina mommy at tito Leo ang saya sa narinig.


"Ganyan rin ang gusto ko. Pagusapan natin ang araw ng kasal nila nang maayos na natin ang lahat"


Hindi ko naman na sila pinansin at nagexcuse upang pumunta sa kusina. Nagugutom na ako. Hindi naman pwedeng don lang ako hanggang sa matapos sila. Wala naman ako pake sa paguusapan nila. Kahit bukas pa nila gawin ang kasalan ay pwede, hindi na lamang ako sisipot.


Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Mathew sa akin sa kusina.


"Bagay sayo" Tukoy niya sa singsing na suot ko. Pasimple naman akong napairap sa kaniyang sinabi.


"Ganda nga" Komento ko na ikinangiti niya. "Ganda isangla"


"Wag naman, bigyan na lang kita pera kung nangangailangan ka hahahaha" Biro niya. Iba naman ang naging dating sa akin nito.


Fvck u! Hindi ko kailangan ng pera mo. Tsk.

Napakayabang! Hindi lang naman siya ang mapera sa mundong 'to.


"No, thanks" Sagot ko dito habang nagsasalin ng tubig sa baso.


Nagpalumbaba naman siya sa lamesa habang pinagmamasdan ako sa aking ginagawa.


"Balita ko ay break na kayo ng boyfriend mo" Napatigil naman ako at napatingin dito dahil sa kaniyang sinabi.


"Oo, bakit? You happy?" Nakangising tanong ko dito. Tumango tango naman siya na ani'moy masaya talaga sa nangyare.


Ulol!


"Bakit? Hindi mo na ba mahal?" Natatawang aniya pa kaya't nakitawa na rin ako kahit peke. Sayang naman ang effort niya sa pagtawa kung hindi sasabayan diba?


"Oo e" Sagot ko at umupo sa kaniyang harapan upang magsimulang kumain.


"Sino na?" Saad niya habang nakangiti. Napatingin naman ako dito at nagkibit balikat. Syempre hindi ikaw.


"Parang dati lang ay sinabi mo na ayaw mong ikasal sa akin" Aniya. Hindi ko naman mapigilang mapangisi sa kaniyang sinabi. Huwag ka nang magtaka Mathew, wala namang pinagbago, ganon pa rin, ayaw ko pa ring ikasal sayo.


"Oo nga e, parang biglang nagihip ang hangin at biglang nagbago ang desisyon ko" Panguuto ko dito. Nakita ko naman ang pagkagat niya sa ibabang labi upang pigilan ang ngiti na gustong kumawala.


"Baka kase hindi talaga kayo para sa isat-isa ng boyfriend mo"


So, ang ibig mong sabihin ay hindi talaga siya ang para sa akin kundi ikaw? Mamatay na lang ako kung ganon.


Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi at ngumiti ng peke.


"Siguro nga"











"Let the game begin" Saad ni Kenjie at ngumisi bago mayabang na lumakad. Walang gana namang nakatayo si Kousuke sa harapan niya na ani'moy hindi man lang kinakabahan sa magiging laban nila.


Mabilis na inambahan ng suntok ni Kenjie si Kousuke ngunit agad itong nakailag at ngumisi pa.


"Whoooo!! Easy!" Sambit nito.


Lumapit ulit si Kenjie dito upang baliin ang mga buto sa palapulsuhan. Mabilis namang kumilos si Kousuke upang masipa ito sa sikmura dahilan upang mabitawan ni Kenjie ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Napalayo naman sila sa isat-isa kaya't sumenyas si Kousuke dito.


"Come to me, baby" Saad nito. Bakas naman sa boses niya ang pangaasar kaya't napangisi si Kenjie dito bago sipain ang kaniyang tuhod. Naging mabilis ang pangyayareng yon kaya't hindi agad naihanda ni Kousuke ang kaniyang sarili. Napahawak siya sa kaniyang tuhod habang iniinda ang sakit nito.


Inambahan naman ng suntok ni Kousuke ang kapatid ko ngunit nahawakan ni Kenjie ang kamao nito dahilan upang siya ang mabigyan ng suntok.


Napahawak si Kousuke sa kaniyang panga at ginalaw galaw pa ito upang maistretch ang mga buto. "Ang sakit noh ah" Komento niya.


"Talaga!" Mayabang na sagot ng kapatid ko. Mabilis namang naglakad si Kousuke palapit dito at agad na kinwelyuhan. Nakatanggap si Kenjie ng suntok sa sikmura ngunit ngumisi lamang ito at malakas na sinipa si Kousuke.


Napaupo si Kousuke sa lakas nito kaya't tatayo na sana siya para sugudin ang kapatid ko nang ipulupot ni Kenjie ang braso sa leeg nito.


"Ano palag?" Tanong nito na ikinatawa ko. Hindi agad nakagalaw si Kousuke sa kaniyang pwesto at siniko si Kenjie mula sa likuran upang mapabitaw ito sa pagkakahawak.

"Di na po lods" Saad nito at malakas na tinulak si Kenjie bago lumakad papunta sa aming gawi.


"Asan susi?" Nakangising tanong ni Kenjie dito. Mabilis namang kinuha ni Kousuke ang susi ng kaniyang sasakyan at malakas na binato sa kapatid ko.


"Lamunin mo! Sayong sayo na!" Sigaw pa nito na ikinatawa namin nina kuya Sybrew at Jekai.


"Moree!!!" Suggest ni Jekai.


"Oo nga! Gamitin niyo naman yung balisong" Pagsangayon ni kuya Sybrew na ikinailing ko.


"Huwag na, baka may masaktan pa" Saad ko. Tiningnan naman ako ni Kousuke na puno ng pangaasar.


"Concern ka, baby?" Tanong niya na ikinairap ko. Lumapit naman siya sa akin at inabot ang panyo na hawak. Tiningnan ko lamang ito na puno ng pagtataka.


"Ano gagawin ko dito? Pupunas ko rin sa pawis ko?" Sarkastikong tanong ko.


"Hindi, punasan mo ako" Aniya. Narinig ko naman ang pagtili ni Jekai habang pinagmamasdan kami.


"Ano ka baby?" Taas kilay na tanong ko dito. Napangiti naman siya ng malawak dahil sa aking sinabi.


"Baby mo"









~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon