Chapter 33

12 0 0
                                    

"Are you sure about this?" Tanong ni Kousuke sa aking tabi. Andito kami ngayon sa harapan ng aming bahay habang pinagiisipang mabuti kung tutuloy ba ako o hindi.


Gusto kong tumuloy ngunit hindi ko alam ang mangyayare sa oras makatapak ako sa aming pamamahay. Hindi ko alam ang gagawin ni tito Leo at magiging reaksyon ni mommy sa oras na makita nila akong muli.


Naramdaman ko naman ang mga kamay ni Kenjie na pumatong sa aking balikat.


"Mommy misses you so much" Nakangiting aniya. Napatigil naman ako sa kaniyang sinabi bago malakas na bumuntong hininga at maglakad papasok sa gate ng aming bahay.


Nagkakarerahan sa bilis ng tibok ang aking puso habang naglalakad papasok sa aming tahanan. Parang gusto ko na lamang bumalik at huwag ituloy ang binabalak nang matanaw ko mula rito sa aking pwesto ang aking ina na kalalabas lang sa aming bahay.


Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang makitang muli ang babaeng nagsilang sa akin. Napakalaki na ng pinagbago niya mula ng huli ko siyang makita, kung dati ay itim pa ang kaniyang mga buhok, ngayon naman ay namumuti na dala na rin siguro ng katandaan. Hindi naman nagbago ang kaniyang mukha at katawan, mukha pa rin siyang dalaga na ani'moy walang kahit isa ang isinilang na anak.


Dahan dahan namang umangat ang kaniyang ulo dahilan upang magtama ang mga mata namin. Kitang kita ang gulat sa kaniyang mga mata nang makita ako kaya't patakbo siyang lumapit sa akin upang yakapin nang napakahigpit.


Hindi ko naman mapigilang maiyak habang dinadama ang maiinit niyang yakap. Ilang taon ko ring hindi naramdaman ang yakap ng isang ina kaya't sa mga oras na 'to ay umuumapaw sa tuwa ang aking puso. Napakasarap pala sa pakiramdam ang maramdaman mo ang mga yakap ng isang tunay na magulang.


"Ikaw nga, Kira!! Salamat at nakabalik ka na!" Aniya habang pinapasadahan ng kamay ang aking buong mukha. Kitang kita naman sa kaniyang mga mata na hindi pa rin siya makapaniwala na nakatayo ako sa kaniyang harapan at yakap yakap siya.  Napatango naman ako sa kaniyang sinabi at hindi napigilang ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.


"I'm s-sorry" Sambit ko at hindi napigilan ang pagkabasag ng aking boses. Napailing naman siya sa aking sinabi at kitang kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya na makita akong muli.


"Don't say sorry, anak, ang mahalaga ay nakabalik ka na. Saka ako dapat ang humihingi ng sorry dahil sa pagpilit na ginawa ko sayo, hindi ko sana ginawa iyon at hinayaan ka na lamang sa gusto mong mangyare. I'm so sorry, anak, patawarin mo sana ang mommy mo" Aniya.


Wala namang anak ang matitiis ang kaniyang sariling ina diba?


Unti-unti akong tumango bilang sagot at hindi napigilan na yakapin siyang muli. Ang dami kong gustong sabihin sa aking ina lalo na ang mga salitang matagal ko nang hindi nasasabi. Para bang kay hirap para sa akin ang sabihin ang mga katagang ito.....


"I l-love you m-mommy" Bulong ko.


Naramdaman ko naman ang mga likidong pumatak papunta sa aking balikat. Alam kong sa mga oras na 'to ay umiiyak na ang mommy ko. Humiwalay naman ako sa yakap at mabilis na pinunasan ang kaniyang luha.


"Are you happy?" Tanong ko. Mabilis naman siyang napatango bilang sagot.


"I'm so happy, anak" Aniya. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi at dahan dahan na hinawakan ang kaniyang kamay. "Don't cry, mom" Saad ko pa. Mabilis naman niyang pinunasan ang sariling luha bago nakangiting humarap sa akin.


Sabay-sabay naman kaming napatingin sa pinto nang marinig ang pagkabasag ng kung ano mang bagay. Mabilis na humarang si Kenjie at Kousuke sa harapan namin habang kami naman ay gulat na nakatingin kay tito Leo na ngayon ay galit na galit habang nakatingin sa aking direksyon.


Mabilis ang naging paglakad niya habang dala dala ang vase na nabasag. Kitang kita ang galit sa kaniyang mga mata na ani'moy kayang kaya akong saktan sa harap ng aking ina at mga kaibigan.


"Bakit ka pa bumalik sa pamamahay na 'to!?" Sigaw niya. Kumulo naman ang dugo ko dahil sa kaniyang sinabi. Napaka kapal naman ng mukha niyang sabihin iyan e wala naman siyang kahit na anong karapatan sa pamamahay ng daddy ko!


"Babalik at babalik ako dito kung kelan ko gusto, Leonardo." Saad ko dito at ngumisi sa kaniyang harapan. "Huwag na huwag mong sasabihin iyan sa harapan ko dahil kahit ano mang oras ay kayang kaya kong bawiin sa mga kamay mo ang pamamahay at kompanya ng daddy ko!!" Sigaw ko. Kitang kita ko naman ang panggigigil sa kaniyang mga mata kaya't mabilis siyang lumapit sa akin na ngayon ay walang pagaalinlangang hinampas ang basag na vase sa aking ulo.


Naramdaman ko naman ang pulang likido na tumulo papunta sa aking sintido. Pinilit kong indahin ang sakit na nararamdaman ko at galit na tumingin sa lalaking nasa aking harapan.


"Ganyan ka ba katakot na kunin ko ang lahat ng meron ka? Ganyan mo ba kaayaw at kahit ang saktan ako ay nagawa mo!? Oh sige! Tangina, patayin mo ako, Leonardo! Tutal ay wala ka namang sinasanto kahit na sino" Sigaw ko. Dinaluhan naman ako nina Jekai at Kenjie na ngayon ay alalang alala habang nakatingin sa aking sugat.


Nakita ko naman ang galit sa mga mata ni Kousuke habang nakatingin sa aking tatay tatayan na ngayon ay mabilis na sinugod si tito Leo.


Agad itong pinaulanan ng suntok ni Kousuke dahilan upang maglupasay ito sa sahig. Wala naman itong nagawa upang lumaban dahil nakapatong sa kaniya si Kousuke.


Mabilis na inawat ni Kenjie ang dalawa kaya't napatigil si Kousuke sa pagsuntok dito. Nakita ko pa ang pagngisi ni tito Leo kahit na bugbog sarado siya dahil sa mga bugbog na natamo nito.


"Sa oras na lumapat pa ang kahit na dulo ng daliri mo kay Kira ay sisiguraduhin ko na hindi lamang iyan ang aabutin mo" Walang emosyong saad ni Kousuke dito. Dahan dahan namang tumayo si tito Leo na ani'moy walang nangyare at nakangiti pang bumaling sa amin.


"Dapat na ba akong matakot sa batang wala namang binatbat katulad mo?" Bakas na bakas sa tono ng pananalita niya ang pangaasar kaya't susugudin na sana ulit ito ni Kousuke nang agad siyang pigilan ni David. Malakas naman na tumawa si tito Leo na ani'moy isa sa mga alagad ni satanas.



"Nakakatawa ka, bata, ako pa talaga ang tinakot at hinamon mo" Aniya at ngumisi pa bago maglakad palayo sa aming pwesto.


Masama ko naman siyang tiningnan habang naglalakad palayo sa amin. Kung nakakamatay lamang ang mga tingin ay panigurado akong pinagbuburulan na siya namin ngayon.


Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Napakaitim pa rin ng budhi at kay gaspang pa rin ng kaniyang ugali! Hindi na rin ako aasa na magbabago pa ang isang katulad niya!












~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon