Chapter 17

6 2 0
                                    

"Enchanted Kingdom lang!?"


"Anong lang? Masaya kaya don!!" Sigaw dito ni David. Sinama na rin namin si David sa EK dahil naabutan namin ito sa condo ni Kousuke. Si Jekai naman ay sinabihan namin kaya't magkakasama kami ngayong araw.


"Akala ko kase sa London, Paris, Korea,  Hongkong, Japan, mga ganon" Agad namang binatukan ni Kenjie si Kousuke sa sinabi.


"San pera mo, gunggong?" Sigaw nito dito. Napangisi naman si Kousuke sa naging tanong ni Kenjie at tumingin sa akin.


"Wala na, nakareserve na sa future namin ni Kira bwahahahaha"


Hindi ko naman mapigilang mapairap sa kacornyhan niya at hindi na lamang sila pinansin. Andito kami ngayon sa sasakyan ni David habang nagbyabyahe papunta sa EK.


Nang makarating naman kami ay bakas sa mukha nila ang excitement bukod kay Kousuke na ngayon ay tahimik lamang sa aking tabi.


"Tara! Sa Ferris wheel!" Yaya ni Jekai na ikinatango namin. Maglalakad na sana kami papunta dito nang mapansin namin si Kousuke na hindi pa rin umaalis sa kaniyang pwesto.


Sabay sabay kaming napahinto at napalingon sa kaniyang kinaroroonan.


"Sinasabi ko na nga ba" Saad ni David. Napatingin naman ako sa kaniyang gawi at kumunot ng noo.


"Hindi sumasakay sa mga ganto si Kousuke" Dagdag niya pa. Malakas naman na tumawa si Kenjie upang asarin ito.


"KJ o takot?" Pangaasar nito na agad sinamaan ng tingin ni Kousuke. Sinuway ko naman ang kapatid ko bago maglakad palapit dito.


"Ayaw mo?" Tanong ko.


"Ayoko, Kira! Hindi ako sasakay sa mga rides na iyan! Hinding hindi!" Saad pa nito. Napabuntong hininga naman ako bago humarap kela Jekai.


"Go! Hindi na muna kami sasakay ni Kousuke... Enjoy!" Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kousuke sa aking mga kamay.


"Sure ka?" Tanong niya pa na ikinatango ko.


"Bakit kase hindi na lang kayo sumakay? Hindi naman yan nakakamatay, Kousuke" Natatawang saad dito ni Jekai.


"Try mo, masaya!" Sambit naman ni Kenjie. Parang kanina lang ay inaasar asar niya ito.


Malakas namang pinakawalan ni Kousuke ang sariling hangin bago hawakan ang aking mga kamay at maglakad papunta sa mga rides.


Napatalon naman sina Jekai at Kenjie nang matapos ang rides. Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang makita ang mukha ni Kousuke na panigurado akong nagenjoy rin.


"Isa pa nga!!" Aniya at babalik na sana nang pigilan namin siya.


"TAMA NA BOSS!"
"MASAMA SA KALUSUGAN YAN, KOUSUKE BWAHAHAHAHA"
"KISS NA LANG KITA, BOSS. MWAAAA!"


"Sa ibang rides naman tayo" Natatawang sambit ko dito. Napakamot naman siya sa ulo nang walang ibang nagawa kundi ang sumunod sa amin.


Sumakay lang kami ng sumakay hanggang sa magsawa kami.


"Guys!! Smile!!" Sigaw ni Jekai habang may hawak na camera. Sabay naman kaming ngumiti sa camera ni Kousuke habang naka wacky.


Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang mga batang nakasakay rin sa Carousel. Para kaming bata ni Kousuke dito.


Napansin ko naman ang mga kababaihang pasimpleng kumukuha ng litrato kay Kousuke.


"Are you enjoying?" Tanong ko dito para mapatingin siya sa gawi ko. Sumilay naman ang ngiti sa kaniyang labi.


"Joy is here, andito ka, bakit ako malulungkot?" Taas kilay na tanong niya na ikinatawa ko.


"Baliw!" Saad ko at umirap. Napailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang mukha ko.


"Kira! Kousuke! Tara! Bili tayo don!!" Sigaw ni Jekai. Binilisan naman namin ni Kousuke ang paglalakad habang nagtitingin tingin rin sa mga souvenirs sa paligid.


"Sarap!" Komento ni Kousuke nang iabot sa kaniya ang cotton candy. "Gusto mo? Tikman mo 'to" Alok niya pa sa akin sabay subo ng cotton candy na kaniyang hawak.


Napatango naman ako dito at hindi napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi.


"Hoy, picture!!!" Yaya ni Kenjie sabay taas ng cellphone niya. Nagpose naman kami ng kung ano ano hanggang sa magring ang cellphone nito.


"Istorbo! Anubayan!" Reklamo nito bago sagutin ang tawag. Hindi na lang muna namin siya pinansin at kumain na lang.


"Grabe! Ang pagod!" Saad ni Jekai habang pinapaypayan ang sarili.


"Enjoy naman" Si David.


"Oo nga! Rereklamo ka pa ba?" Singit ni Kousuke dito. Napataas naman ng kilay si Jekai.


"Wow ah! Parang kanina lang ay takot na takot ka hahahaha" Saad nito habang natatawa.


Lahat naman kami napatingin kay Kenjie nang lumapit ito sa amin na ani'moy hindi mapakali.


"Bakit?" Nagtatakang tanong ko rito.


"A-ate, kase si kuya Sybrew..... N-naaksidente" Sambit niya na ikinatigil ko. Nabitawan ko naman ang hawak kong pagkain at naramdaman ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko.


Please, wag si Kuya Sybrew, ayaw ko na pati ang tumatayong ama sa akin ay mawala rin.










~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon