Chapter 22

15 2 0
                                    

"Ay pak! Dyosa!"


Puri sa akin nang baklang make up artist ko. Napatingin naman ako sa salamin habang pinapasadahan ang kabuuan ng aking mukha.


Sino 'to?


"Napakaganda mo talaga, iha" Puri naman sa akin nang kasama niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa mga natatanggap na puri galing sa kanila.


Bigla namang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kenjie na ngayon ay nakapolo. Ang pogi naman ng kapatid ko.


"Wow!" Sambit niya nang makita ako. "Ganda ka?" Aniya pa. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.


"Inggit ka?" Taas kilay na tanong ko dito. "Ay oo, sissy! Napakabongga!!" Aniya sa isang napakalambot na tono. Tsk, Bading!


Lumapit naman sa akin si Kenjie upang bumulong. Kumunot naman ang noo ko habang nagiintay ng kaniyang sasabihin.


"Hanap ka ni bhie-bhie mo Kousuke" Bulong nito. Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa kaniyang likuran. "Asan?"


"Shunga mo, ate! Sa tingin mo ba pupunta agad yon dito si kuya Kousuke? Eh hindi pa nga nagsisimula ang party! Pinapasabi niya lang sa akin na nagchat daw siya sayo pero hindi ka nag rereply" Saad nito. Mabilis ko namang kinuha ang aking cellphone.


Ethan:
Hoy

Ethan:
Bb!

Ethan:
Miss na kita, baby hindi ko na kaya!

Ethan:
Hahahaha

Ethan:
Notice me, lods.


Joy Marie:
I'm sorry

Joy Marie:
Katatapos ko lang ayusan

Ethan:
Ay weh?

Ethan:
Sige nga, tingen nga.


Joy Marie:
*Sent a picture"

Joy Marie:
Ready!!!!

Ethan:
W O W

Ethan:
Pucha! Kala ko si Kathryn Bernardo

Ethan:
Yung future asawa ko pala

Ethan:
Hayst

Ethan:
Ang ganda mo bb, nakakaiyak huhuhu

Ethan:
Dejk HAHHAHAHA

Ethan:
Pero ang ganda talaga

Ethan:
Parang gusto ko isabit yan sa kisame ng kwarto ko

Ethan:
How to be yours po ba? ☺️


Joy Marie:
Thanks, Alden!! 😜

Joy Marie:
Wru na ba?

Joy Marie:
You ready?

Ethan:
Naggagayak na, miss

Ethan:
Wag ka excited, bb

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon