Chapter 25

12 1 0
                                    

"W-what?"


"I like you, Kira. At sisiguraduhin ko na matututunan mo rin akong mahalin" Seryosong aniya bago humakbang palapit sa akin. Hindi naman ako nakaalis aking pwesto nang yakapin niya ako nang napakahigpit.


"I can't wait to marry you" Bulong niya pa bago halikan ang tungki ng ilong ko. Para akong naestatwa sa kaniyang ginawa at hindi agad nakapag react sa kaniyang sinabi.


"Thank you for today, goodnight, Akhira" Aniya bago ako talikuran at maglakad papunta sa kaniyang sasakyan.


Pinanood ko na lamang ang kaniyang sasakyan na mabilis niyang pinaharurot papalayo. Hindi pa rin nagsisink-in sa isip ko ang lahat ng kaniyang sinabi, parang ayaw kong paniwalaan ang lahat dahil masasaktan ko lamang siya.


Napapikit naman ako sa dami ng iniisip, idagdag mo pa ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nagulat nang isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa harapan ko.


"K-kousuke?" Pagtawag ko sa pangalan niya. Dahan dahan naman siyang tumango at ngumiti dahilan upang mapatakbo ako palapit sa kaniya at mabilis siyang niyakap.


"Miss me?" Tanong niya at mahinang natawa. Rinig na rinig ko naman ang lakas ng tibok ng kaniyang puso.


"I can hear you heartbeat" Bulong ko. Mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.


"It's because of the brightest star, Akhira" Aniya. Unti-unti naman akong tumikal sa kaniyang pagkakayakap at tumingin sa kaniya na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan ang kalawakan.


Pinagmasdan ko naman ang kaniyang mga matang kumikinang dahil sa mga ilaw na dala ng kalangitan. Kay gandang pagmasdan ang lalaking ito habang pinapanood ang mga tala na nagniningning sa gabing ito.


I miss him so damn much!


Bigla naman pumasok sa isip ko ang hindi niya pagsipot sa plano namin kaya't nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.


"Bakit?" Tanong ko. "Bakit mo ako iniwan nung araw na kailangan na kailangan kita?" Naramdaman ko naman ang unti-unti niyang paglingon sa aking gawi at dahan dahan na inabot ang kamay ko.


"Shhh, I'm sorry" Sambit niya. Gusto kong malaman ang dahilan niya, gusto kong malaman kung bakit hindi niya natupad ang ipinangako niya sa akin.


Dahan dahan naman niyang sinuksok ang kaniyang mukha sa leeg ko kaya't ramdam na ramdam ko ang maiinit niyang paghinga. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na'to. Parang tumatalon sa tuwa ang aking puso nang makita siya at mayroon na ring paru-paru ang nagwawala sa tiyan ko.


Ilang minuto kaming magkayakap kaya't dinama ko na ang bawat segundo na magkayakap kami. Hindi na lang din ako nagtanong ng kung ano-ano dahil mas maganda siguro kung manahimik na muna ako. Sa tingin ko ay ayaw niyang ungkatin kung ano man ang meron dito.


"I miss you, my Joy" Bulong niya dahilan upang gumuhit ang ngiti sa aking labi.


"I miss you----- Ethan" Saad ko. Humiwalay naman siya sa yakap at nakangiting pinagmasdan ang kabuuan ng aking mukha. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko upang mas lalong maiharap sa kaniya.


"Spend the rest of the night with me, Kira" Aniya. Dahan dahan naman akong napatango sa kaniyang sinabi dahil pakiramdam ko ay hindi ko na rin kayang iwan ngayon si Kousuke.


The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon