"UNEXPECTED LOVE w/ the WATTPAD GUY." Chapter 1

1.6K 17 1
                                    

“UNEXPECTED LOVE w/ this WATTPAD GUY.”

Lovestory of Rishiel 

Property of:

RabioHead03

Introduction:

Minsan,

May dumarating

Sa buhay

Na hindi inaasahan

Minsan,

Magmamahal ka

Ng wala sa lugar

At ang taong

Magmamahal sayo

Ay

Mawawala rin pala

Ng

Tuluyan.

At magigising

Ka nalang

Isang araw

Panaginip lang

Pala ang

Lahat....

Chapter 1:

“Hija? Hija? Gumising ka na diyan! Sige ka baka ma late ka? 1st day of school pa naman. Sige na hija, bumangon ka na diyan at magbihis kana.” Sabi ni manang Sonia tapos lumabas na ng kwarto ko.

“ARRRRRRRRG! Ang ingay naman ni Manang Sonia. Kitang natutulog pa tong tao. Hayyyyyyy. Makabangon na nga!” Sabi kong padabog na bumangon sa kama. Tapos dumeretso na ako sa banyo.

        [/] Bangon

        [/] Ligo

        [/] Bihis

        [/] Kain

[ ] Pasok

Nang matapos na akong kumain ay nagpahatid na kaagad ako kay Manong Gardo . Si Manong Gardo ay ang personal driver ko at siya rin yung body guard ko. Ewan ko ba kay Mama kung bakit binigyan pa ako ng driver at body guard. Eh, kayang-kaya ko namang magdrive at kayang-kaya ko naman ang sarili ko.

“ Ahh, Manong, dito na lang po ako. Eh park niyo na lang po yung kotse sa parking lot at dun mo na rin ako hintayin. Sige po bye!” sabi ko sa kanya tapos lumabas na ako ng kotse at tumakbo papalayo.

Nagpahatid ako sa kanya hanggang sa gate lang ng school. Ayoko ko na kasing pumasok na nakasakay sa kotse. Gusto ko pagpumasok ako sa school nato, ay maglalakad ako papunta sa room ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay kinuha ko yung bag ko tapos inilabas ko yung android na iniregalo ni Mama ng birthday ko. Tinurn-on ko ito tapos hinanap ko yung app ng wattpad tapos naghanap ako sa library ko ng new story. At tamang-tama ka dadownload ko lang ng bagong story sa library ko kaya may babasahin na naman akong bago.

“Ito.?Ito-ito. Waiting for you? Sounds interesting ha? Sige ito nalang yung babasahin ko.”

Habang naglalakad ako sa hallway ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa.

“Ang ganda pala. Introduction palang pero my ka thrill thrill na.”

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon