Prologue

5K 86 4
                                    


"Class dismiss!" Dinampot ko ang mga gamit ko sabay labas sa classroom.

Habang naglalakad papunta sa teachers office ay hindi talaga mawawala ang mga studyanteng bumabati sakin.

"Good morning ma'am ganda" bati ng mga studyanteng nasa fourth year.

Ngumiti ako "Good Morning din" nilagpasan ko sila at tinahak ang teachers office.

Lunch Break ngayon.

"Ma'am ganda, tara canteen tayo" napatawa naman ako. Kahit ang mga kapwa ko teachers ay ganon din ang tawag sakin.

"Sige Ma'am Ara" kinuha ko muna ang wallet ko sa bag kasama ang cellphone.

"Tara?" Tumango ako. Sabay kaming naglakad papuntang canteen.

"Dito tayo" umupo kami sa teachers table.

Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at sinagot.

"Yes Sav?"

"Sis! Invited ka ha!"Napakunot naman ang nuo ko.

"Invited saan?" Tanong ko

"Sa bahay! Darating si kuya ngayon" napahinto ako. Tumibok ang puso ko sa nalaman.

Darating siya? After 10 years ay makikita ko na siya. Ang lalaking minahal ko sa murang edad pero sinaktan din ako sa gano'ng edad.

"A-ah Sis, I don't know kung makakasama ako" nauutal kong sabi. Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi parin kasi humihilom ang sugat na iniwan niya sakin 10 years ago.

"Sis I know you, Hindi ko naman sasabihin sa kanya ang malaki mong sikreto."Napahilot naman ako sa aking sentido. Natatakot ako.

"Bakit daw siya uuwi?"

"Gaga! Syempre siya ang maghahandle ng company namin. Si daddy kasi ay mag reretero na."

Kahit gusto kong hindi pumunta ay tiyak kung pipilitin ako ng isang to. Tssk!

"So, pupunta kaba?"

"O-okay" wala na ako

"Kyahhh!!! Dalhin mo si baby kaizer ha!"Patungkol niya sa anak kong 10 years old.

"Ye ah"

"O sige na, tatawagan ko pa ang dalawang bakla. Bye mwaa! I'll see you there!"

Tot! Tot! Tot!

"Mommy!"

Napalingon ako sa aking likuran at sinalubong ang yakap ng anak ko.

"Kamusta ang klase?" Tanong ko sabay haplos sa kanyang buhok. Kuhang kuha niya ang itsura ng kanyang ama. Ang parte ko lang ay ako ang lumuwal sa kanya. The rest ay nasa ama niya na.

"Okay naman po mommy!" Napangiti ako. Kahit minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa batang ito. Napakabait at masunurin na bata. Kahit nasasaktan akong makita siya ay hindi ako nagagalit sa kanya.

"Let's eat?"

Tumango siya at umupo sa tabi ko.

"What do you want to eat? " Tanong ko sa kanya.

"Hmmm? Burger lang po at coke"

Tumayo ako at pumunta sa pilahan. Umorder ako ng makakain namin at bumalik sa lamesa.

"Your tita sav invited us tonight"

"Why?"

"Darating ang kuya niya" labis ang pagsasalamat ko na hindi ako nautal.

"Okay"

Tinuloy namin ang pagkain at mayamaya'y din bumalik na sa kanya-kanyang klase.

************

Bumaba kami ng anak ko sa sasakyan ng makarating sa mansyon ng mga montero. Hawak ko ang kamay ng anak ko habang papasok sa mansyon nila. Sumalubong sa amin si tita kianna at pinapasok kami. Hinanap ko si sav at natagpuan siya kasama ang dalawang bakla.

"Sis!"

"Ay si virgin mary nariyan na!"

"Ang jonakis natin!"

Tatawa tawa akong lumapit sa kanila. Nakipag beso at yakap sa mga iba. Minsan ko na lang sila nakakasama dahil na rin sa busy kaming lahat.

"Ohh myy ghadd!! Ang gwapo ng kaizer natin!!!!" Tili ni cadmus

"Hi tita cad"

"Ghadd! May pinagmanahan" si cali. Tinaasan ko siya ng kilay. Alam ko ang pinupunto nitong baklang to.

"Why are you late?" Bulong ni sav sakin. Humarap ako sa kanya at napabuntong hininga.

"Gumawa muna ako ng lesson plan bago pumunta dito" totoo naman pero may isa pang dahilan kung bakit gusto kong ma late.

"Kuya is here na. He's with his friends" tumibok naman ang puso ko sa kaba.

"Come, matutuwa sina raizen pag nakita ka" nagulat naman ako ng hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad papuntang sala nila.

Kahit gusto kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya ay wala talaga akong lakas. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Pinag papawisan rin ako at nanlalamig ang mga kamay.

Pagkarating namin sa sala ay tumahimik sila. Nakayuko lang ako dahil sa kaba.

"Hey guys! It's zandria!" Si sav.

KATAHIMIKAN********

"Long time no see baby zandria!" Batid kong si raizen ang nag salita.

"Wow! Ang ganda mo na zandria" unti unti akong nag angat ng tingin at sinalubong ang tingin ni Drew. Gusto ko pang matawa sa itsura niya. Nanlalaki ang mga mata at naka awang ang labi.

"Hi baby zandria!" Si brent

"Yoww baby zan!" Si noah

Ngumiti lang ako sa kanila. Iniiwasan matingnan ang lalaking nagpasakit sakin.

"Mommy!" F*ck! Napapikit ako ng mariin. No!

"Anak mo?"

"Mommy?"

"Baby mo?"

"Woohh!!"

Now crap!

Lumingon ako sa aking likuran at papalapit sa pwesto ko ang anak ko.

Wala akong naririnig kundi ang tibok ng puso ko.

"Zan, pakilala mo naman kami sa anak mo oh!"

"Mommy? I was looking for you" tinignan ng anak ko ang mga tao sa sala sabay tingin ulit sakin.

"Ipakilala mo na dali!" Bulong sakin ni sav. Humugot ako ng hininga at pinalapit sakin ang anak.

"Come" humarap kami sa mga tao doon.

I cleared my throat " T-this is Kaizer, my son"

Tumahimik ang paligid ng hinarap ko sa kanila si kaizer. May narinig din akong suminghap at sipol.

Tinignan ko sila isa isa at napako ang tingin ko sa lalaking sinaktan ako sa murang edad.  Naghahalo ang pagkalito at gulat sa kanyang mga mata.

Nang tumingin siya sakin ay nag iwas ako ng tingin.

Huwag naman sana!

***********

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon