Chapter 37

2K 37 0
                                    

Chapter 37

"Hi Ma'am Zan..." Ngumiti ako kay Sir. Jireh.

"Hello Sir" He's my Co-Teacher. Grade 9 Teacher ako while him...Grade 10 Teacher siya.

I admit that he's handsome. Magkalevel siguro sila ni Gavin ng age. Maraming nag c-crush na mga teachers sa kanya dito, kahit ang mga students nga ay nag c-crush din sa kanya. Mabait din siya at sobrang gentleman. Mahiyain nga lang. Para nga siyang babae. Matangkad siya at maputi, mas maputi nga lang ako. Pero ang sa kanya ay nagpipink talaga at walang kahit anong peklat.

Lunch Break ngayon at nag aayos ako ng mga papel sa table ko dito sa Teachers Office.

"Ahmmm...." Napakamot siya ng kilay. Tss! Nahihiya na naman. "P-Pwede bang sumabay sa'yong mag lunch Ma'am?" Napababa siya ng tingin.

Napangiti ako "Oo naman Sir" lumiwanag ang mukha niya. Tinignan ko ang kanyang mga mata. I also like his brown eyes. Matangos na ilong at may pupulang labi.

"T-Talaga Ma'am?"

Tumango ako. "Tatapusin ko lang 'to Sir-"

"T-Tulungan na kita Ma'am-"

Tumawa ako "Ay...Huwag na Sir, nakakahiya naman. Ilalagay ko lang naman to sa drawer ko"

"Sige"

Kinuha ko ang mga papel ng Grade 9 section 1. Inilagay ko iyon sa drawer ko. Sa bahay ko na lang c-checkan 'yon. Kinuha ko ang bag at hinarap siya.

He smiled boyishly. Ngumuso ako, natatawa talaga ako kay Sir. Nahihiya kasi siya kapag ako ang kaharap.

"Tara na?"

Nginitian ko siya "Sige"

Sabay kaming lumabas sa Teachers Office.

"Ayieee! Cheska! Tignan mo si Ma'am Ganda at si Sir Jireh oh!"

"Kyahhh! Sabay siguro silang pupunta ng canteen!"

"Bagay na bagay talaga sila!"

"Naiingit ako! Ang ganda-ganda kasi ni Ma'am Zan eh!"

"Gwapo din ang anak niya!"

"Oo nga! Crush ko si Kaizer eh! Kaso dumudugo ang ilong ko sa kakaenglish niya!"

"Ah basta! Bagay na bagay talaga si Ma'am Zan at si Sir Jireh! Parehong maganda at pogi!"

Napailing na lang ako sa mga narinig. Ang mga students ay tinutukso ako kay Sir. Jireh. Tinatawanan na lang namin 'yon ni Sir eh.

"Don't mind them Ma'am" natatawa niyang sabi. Natawa narin ako at tumango.

Pumasok kami sa Canteen. Ang AIS ay may tatlong Canteen. Ang isa ay nasa tabi ng Court. Tinatawag iyon na Mapeh Canteen. Then ang isa ay nasa tabi ng Gym, tinatawag iyon na Math Canteen. And last ay ang English Canteen na nasa banda ng Grade 7.

Ang pinasukan namin ay ang Mapeh Canteen. Malapit lang kasi 'yon sa Teachers Office.

"Sir Jireh! Ma'am Zan! Sabay na kayo sa'min!" Kinawayan kami ni Ma'am Ara. Si Ma'am Ara ay English Teacher. Kasama niya sina Sir Dark at Ma'am Christy. Lumapit naman kami. Inalalayan akong umupo ni Sir Jireh. I mouthed "Thanks"

"Ayieee! Ikaw Sir ha! May pa alalay pang kasama" tili ni Ma'am Ara.

"Ano ka ba Ma'am! Hindi na bago 'yon kay Sir, napakagentleman 'yan!" Sabi ni Ma'am Christy sa kanya.

"Asusss!"

Tumawa na lang ako. Tumayo naman si Sir Jireh sa tabi ko. "Ahmmm...ako na ang bibili ng pagkain nating lahat. Libre ko"

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon