Chapter 32

1.7K 31 0
                                    

Chapter 32

Zan's POV

Napatingin ako sa kwarto ng bumukas ito. Ang kwarto na pinasokan ni Gavin kanina. Lumabas siya na nakadamit na. Nilagpasan niya ako at pumunta sa kusina. Napanguso ako. Tumayo ako at sinundan siya. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng beer.

"Baby" tawag ko.

Pero hindi ako pinansin! Ay ganon?!

"Baby" ulit ko. Pero ganon parin! Napabuga ako ng hininga. Lumapit ako at niyakap siya sa likod. Inilagay ko ang aking baba sa kanyang balikat.

"Galit kaba?"

"Hindi" cold niyang sabi.

Hindi daw pero parang OO!

"Galit ka eh!"

"Hindi nga"

Ngumuso ako "Sige nga! Kung hindi ka talaga galit, pakiss nga!"

"Tss!" Nakakunot noo niya akong nilingon at hinalikan sa labi "Hindi nga" sabi niya habang magkalapat ang aming mga labi.

"Pero....bakit ka nag walk out kanina?" Tanong ko. Hinarap niya ako sabay pinalibot ang braso sa aking bewang. Ang isang kamay ay may hawak na beer.

"Baka hindi ako makapagpigil eh. I understand if you don't wanna make love with me. I won't force you" parang may humaplos sa puso ko. Tss! Akala ko pa naman ay galit siya eh!

"Ganon ba?"

"Hmmmm...." Napapikit ako at dinama ang kanyang halik sa aking noo. "Hindi ako gano'ng lalaki. I respect you" mas lalo akong napangiti. This is what I like about him.

"Hindi ka talaga galit?"

"Hindi nga...ang kulit"

Ngumuso ako "Naninigurado lang"

Tumawa siya "Kelan kapa naging makulit?"

"Tse!"

"Let's go! Let's eat your Donuts" lumabas kami ng kusina at bumalik sa sala. Binuksan namin ang Donuts na dala ko at kinain ito. Hindi ako kumain ng marami. Pinagmasdan ko si Gavin habang kumakain.

Magiging masaya kaba kapag nalaman mong may anak ka sakin?

Alam kong hindi pa handa si Gavin pero nandito na eh. Wala na kaming may magagawa. Nakapunla na siya.

Kahit ako ay hindi parin alam kong ano ba ang gagawin. Natatakot ako para sa amin ng anak ko.

"Gavin...sure kana ba na doon ka mag co-college sa america?" Tanong ko. Magiging mahirap sa amin ito.

"Yeah..actually this December 26 ay pupunta na ako doon" nagulat naman ako.

"A-Ano?!"

Napabuntong hininga siya "I'll transfer. That's my dad decision. Kahit ayaw ko ay wala ng choice. He's my dad. His rules"

"P-Pero malapit kana sanang grumadate sa AIS. Ilang buwan na man lang ang hihintayin mo" bumagsak ang balikat ko. Nalulungkot ako...

"That's what I said to him. Pero kailangan ko na daw pumunta doon"

"Pero hindi naman pwede 'yon. Fourth Grading kana mag t-transfer?"

"You don't know my dad baby. Lahat ay kaya  niyang gawin. I need to focus on my studies. He hates failures that's why I'm studying so hard to make him proud.  Dahil malalaking companya ang hahawakan ko in the future" napalunok ako ng wala sa oras. Napahawak ako sa tiyan ko.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon