Chapter 49

2.1K 41 3
                                    

Chapter 49

Hinihilot ko ang aking sentido habang tinatahak ang daan papasok sa bahay. Malaking tanong sa'kin kung bakit siya umiyak. I know Gavin, hindi siya basta-basta iiyak.

Eh, bakit ba nag alala ako?!

Pake ko kung umiyak siya! Tss!

Inis akong napabuntong hininga.

Hindi kami natuloy sa pagbisita kay Gauge dahil hindi pa daw pwede. Naaawa ako sa batang 'yon. He doesn't deserve this.

"INSAN!!"

Napangiwi ako sa tinig ni Insan. Kahit kelan talaga 'to.

"INSAN!!"

"Shit! Hoy babae! Slow down!!"

Bumukas ang pintuan ng front door at bumungad ang maingay kong pinsan. Nasa likuran niya naman si Cali na bakas ng pag alala ang mukha.

"Juskong babae ka!" Sigaw ni Cali at hinawakan ang braso ni Insan.

"Ano ba bakla?! Kakausapin ko si Insan!" Aniya sabay tabig ng kamay ni Cali.

"Magdahan-dahan ka nga! Muntik ng lumabas ang heart ko sa ginawa mo eh! Tumakbo ba naman...alam mong ang dulas ng sahig! Sasabunutan talaga kita-"

"Hehe! Sorry na hon!" Aniya sabay peace sign kay Cali. Napahilamos ng mukha si Cali at parang nanggigigil na kinuyom ang mga palad.

"Tss! You always say that everytime I get mad to what you're doing! Hon naman! You're 4 months pregnant and I want you to be careful!" Inis na sabi ni Cali.

Napabuntong hininga ako.

Ngumuso si Insan "G-Galit ka? G-Galit ka sakin Hon? Hindi mo na ako lab? S-Sorry bakla" uutal-utal niyang sabi. Napabuntong hininga si Cali at sinapo ang kanyang pisnge.

"Naiinis ako but I'm not galit. You know that I love you so much right? Hindi ko kayang magalit sa'yo. Ang tigas kasi ng ulo mo eh"

Sana all.... Sabi ko sa aking isip.

"S-Sorry na nga!" Sigaw ni Insan.

"Tss! Mukhang ikaw ang galit sa'tin eh"

"Naiinis ka kasi sa'kin! Hindi mo na talaga ako lab Hon! Naiinis ka sa'kin!" Sigaw niya.

"Tss! Okay! Hindi na ako naiinis sa'yo! Hindi rin ako galit! Goodvibes na tayo!"

"Eh, ba't para kang galit?!"

"Wala! Masaya lang ako!"

Napairap ako at nilampasan sila. Nang iingit sila eh. Alam naman nilang wala akong jowa tapos mag-gaganyan sila sa harapan ko.

"Hoy Insan!"

Napahilamos ako sa mukha.

"Insan!"

Nilingon ko siya "Oh?"

"Wala lang! Ang panget mo talaga! Asan si Kaizer?!" Sigaw niya. Napakamot ako ng kilay.

"Huwag ka nga sumigaw Insan. Bawal sa baby 'yan. Baka sa kakasigaw mo ang lumabas diyan sa pekpek mo ay microphone kesa sa baby" sabi ko.

"Ang harsh mo naman Insan! Asan si Kaizer?"

I rolled my eyes "Nandoon kay Gavin"

Lumaki ang kanyang itim na mga mata "What?! Bakit mo pinasama sa tukmol na 'yon?!"

I shrugged my shoulders "Siya ang ama eh"

Lumapit siya at pabirong sinabunutan ako.

"Aray!"

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon