Chapter 38

2.1K 37 0
                                    

Chapter 38

"Mommy....I'm sleepy" binalingan ko ang aking anak. Pupungay-pungay ang kanyang mga mata.

"Come here...sleep on my lap" humiga siya sa kandungan ko at niyakap ang bag niya.

Umuulan ngayon at hindi pa kami nakauwi. Hindi ko kasi dala ang sasakyan ko dahil nasira 'yon kagabi. Kaya nagtaxi lang kami kanina.

Tinawagan ko ulit si Kuya.

Ring!! Ring!! Ring!!

Please....kuya answer it!

Ring!! Ring!! Ring!!

The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later.

"Kainis!"

Tinawagan ko ulit pero hindi sumasagot! Saan naman kaya pumunta 'yon?! Nakailang text na ako sa kanya.

"Mommy....aren't we go home?" Hinaplos ko ang buhok niya. Ang isang kamay ay nasa cellphone parin.

"Hindi pa anak...tinatawagan ko pa ang Tito Coco mo"

"Okay"

Tinawagan ko ulit si Kuya pero wala talaga!

To: Kuya

Kuya....please mag reply ka naman.

Nanlulumo kung inilapag ang cellphone at napatingin sa labas. Nandito kami ngayon sa Teachers Office. Umuulan ng malakas.

"Naku Ma'am, ang lakas ng ulan! Baka gabihin kayo ni Kaizer niyan" sabi ni Ma'am Alyana. Kaming tatlo na lang ang nandito sa Teachers Office.

"Magpapasundo sana ako sa kapatid ko Ma'am kaso hindi niya sinasagot ang tawag at text ko"

"Kung ganon ay hintayin mo na lang siguro Ma'am na tumila ang ulan" tumango ako. Tinignan ko ang aking relo kung anong oras na ba.

And it's 6:30 Pm! Naku!

Nag text ulit ako kay Kuya.

"Excuse me Ma'am Alyana...heto na po ang mga papers ng Grade 12 Mynah" sabi ng baritonong boses. Napalingon ako doon at nagulat ng makita si Sir Jireh.

Nandito pa siya? Akala ko ba nakauwi na siya?

Napalingon din siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang paningin namin.

"Nandito pa kayo Ma'am Zan?" Tumango ako.

Lumapit muna siya kay Ma'am Alyana at binigay ang papel sa kanya.

"Thanks Sir Jireh"

"Welcome po"

Saka siya nagtungo sa'min. Bumaba ang tingin niya kay Kaizer na natutulog sa aking kandungan.

"Gumagabi na Ma'am...ba't hindi pa kayo umuwi?" Aniya. Ngumuso ako at nag- iwas ng tingin.

"Kasi Sir, hindi ko dinala ang sasakyan ko dahil nasira kagabi. Aalis na sana kami kanina ng maabutan kami ng ulan" paliwanag ko.

"Ganoon ba?" Tumango-tango niyang sabi. "Ihahatid ko na lang kayo" nag angat ako ng tinging sa kanya.

"A-Ah Sir-"

"Dala ko ang sasakyan ko Ma'am"

Ngumiwi ako "N-Nakakahiya naman Sir-"

Tumawa siya "Sige na...para makauwi na kayo. Tulog na ang anak mo oh" saka niya tinuro si Kaizer. Binaba ko ang tingin sa anak ko.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon