Chapter 14

1.9K 37 1
                                    

Chapter 14

Nagising ako ng walang Gavin sa aking tabi. Napabalikwas ako ng bangon ng makita ang oras. Tanghali na! Napabuntong hinga ako at nahiga ulit sa kama.

Hindi nga ako nagkamali na tinanghali na naman ako ng gising.

Hindi ko napanuod ang laro ni Gavin!!!!! Aishhhh!!

Naiinis kong sinabunotan ang sarili. Anubayan! Napatingin ako sa bedside table at kinuha ko ang tumutunog kong cellphone.

Agad akong napabangon ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Mommy?"

"Baby, where are you? I heard that today is intramurals day. Hindi kaba sumali sa laro?" Aniya sa kabilang linya.

"Ah....hindi mom eh. Pero manunuod po ako. Nasaan po kayo ni Daddy?"

"We're here in the mansion. Please visit us soon. We miss you" napangiti na lang ako. Ang sweet talaga ni mommy. Nitong mga nakaraang linggo ay mas nakilala ko ang aking mga magulang.

"Okay po mom. Pupunta po ako diyan mamaya"

"Oh great! We'll wait baby! Mag enjoy ka muna diyan sa intramurals niyo"

"Okay po mommy"

"I'm gonna hang up. I'll call you later bye I love you!"

"I love you too" nakangiti kong tinitigan ang cellphone. Tumayo ako at pumasok sa banyo ni Gavin. Dahil madalas ako dito matulog ay may naiwan na akong mga damit dito. Naligo ako at kahit tanghali na ay pumunta parin ako sa school. Alam ko namang tapos na ang game ng basketball dahil sila ang naunang maglalaro ngayon.

"Asan kayo?" Tanong ko kay Sav sa kabilang linya.

"Nandito kami sa Gym" aniya. Pinatay ko ang tawag at pumunta sa Gym. Naabutan ko siya na nakaupo. Ang dalawang bakla naman ay nagbibihis, kakatapos lang siguro ng sayaw nila.

"Bes!" Nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi.

"Nakita niyo si Gavin?" Tanong ko. Tumaas ang kanyang kilay sa aking tanong. "Seriously? Hindi mo man lang ba ako babatiin? Inuna mo talaga si Kuya?" Ngumuso siya at nag iwas ng tingin sabay cross arms. Tss! Napapakamot kilay akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Sorry na, alam mo namang baliw na baliw ako diyan sa kuya mo eh" bulong ko. Nakanguso niya akong nilingon. "Bes, baka masaktan ka sa gingawa mo. Itigil niyo na ito Pleasee!!. Huwag ka nang magpakatanga sa kanya" aniya. Umayos ako ng upo at napabuntong hininga.

Paano ako titigil kung hulog na hulog na ako at hindi na makabangon pa?

"Sav-"

"Bes I saw it with my own eyes! He still inlove to ate Jackie! He's just using you for pete's sake!" Dahil don ay napabaling sa gawi namin ang dalawang bakla. Sigurado akong narinig nila ang mga sinabi ni Sav.

Napahilamos ako sa aking mukha "Sav, huwag kang mag alala sa akin. Hindi naman ako masasaktan dahil alam ko naman kung ano ako sa buhay ng kuya mo" Hindi nga ba? Parang gusto kong iumpog ang sarili.

"Ano ka nga ba niya sa buhay niya? Tell me!" Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Ngayon ko lang nakitang magalit si Sav kaya hindi ko alam ang aking sasabihin. Ni minsan hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang posisyon ko sa buhay ni Gavin.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng maisip ko kung ano ang aming relasyon.

Hindi ko kayang mawalay sa kanya. Kahit fuck buddy niya lang ako ay tatanggapin ko basta makasama ko lang siya. Baliw na baliw ako kay Gavin.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon