Chapter 6

1.8K 38 5
                                    


Chapter 6


NAYOS KO ang aking damit. Naka teacher outfit ako ngayon. Pink na uniform at black pencil skirt. Ganito ang mga uniforms ng mga teachers sa AIS.

Lumabas ako sa kwarto. Nadatnan ko si insan na inaayos ang cap niya. Naka army outfit siya at bumili talaga siya nung nakaraang linggo ng laruan na baril.

Ang masasabi ko lang ay bagay kay insan maging army.

"Ang ganda ko ba insan?" Tanong niya habang umiikot. Syempre, ayaw ko namang puriin siya ng mabuti baka lumaki na naman yung ulo niya. Maganda nga si insan. Bumagay sa kanya ang itim niyang kabewang na buhok. Matangos ang ilong at mamula-mulang labi. She stands 5'6, mas matangkad nga lang ako sa kanya. My height is 5'8. Bumagay naman sakin ang outfit ko ngayon sa buhok kong blonde. Blonde talaga ako at hindi ko alam kong sino ang tatay ko. Sabi ni mama nabuntis lang daw siya at iniwan.

"Hindi insan"

"Tengene mo! Akala mo naman bagay sayo iyang outfit mo ah!"

"Tss!" Umupo ako sa sofa.

"Insan naman eh! Ang ganda ba?!"

"Hindi nga!" sarap asarin ngayon si insan.

"Huwag ako ginagago mo insan ha! Alam mo namang sa ating dalawa ako ang pinaka maganda" Loko to! Nagbuhat ng sariling banko.

"Oh eh, alam mo naman pala bat mo pa ako tinatanong?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh kasi eh! Baka hindi magandahan sakin si Baby Cali"

"Kelan ba siya nagandahan sayo insan?"

"Awww!" hinimas ko ang aking batok. Siraulong to!

"Siraulo! Ewan ko sayo insan!" tumawa ako.

"Oo na! Maganda kana! Happy?!" sigaw ko.

"Pakiulit insan!"

"Hindi na, baka ma usog lang eh!" kinuha ko ang aking bag at nauna ng lumabas. Baka makatanggap pa ako ng batok ulit, Mahirap na!

"Siraulo ka!!!"

"Bilisan mo na diyan! Manonood pa tayo ng Dance number nina Cali!!!!!" Sigaw ko. Dali-dali naman siyang lumabas.

Sumakay kami sa jeep papuntang AIS.

Ilang minuto rin ay nakarating kami sa AIS.

"Bes!" papasok na kami ng marinig namin ang sigaw ni Sav. Lumingon ako sa aking likuran.

Papalapit sa direksyon namin si Sav. Naka police attire siya. Nakapusod ang buhok niyang kayumanggi. Isa rin tong maganda eh. Halos same lang sila ni insan ng height. Si Sav ay nakuha ang mukha ni Tita Kianna at si Gavin naman ay nakuha ang mukha ni Tito Savior.

"Ganda ah!"

"Thanks jasmine sis!"

"You're so pretty bes! Teacher outfit suits you better"

Ngumiti ako "Salamat"

"O siya, pasok na tayo! Gusto ko ng makita ang Baby Cali ko! Kyahhhh!" napailing naman ako.

Sabay na kaming pumasok sa loob. Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan kami.

"Girls!" Napatingin kami sa tumitiling sina Cali at Cadmus. Iba ang kanilang mga suot samin, naka rugged jeans sila at sleeveless na itim with necktie. Kabilang sila sa Dance and Theater Arts. May program mamaya na gaganapin sa gym at sila ang mag dadance number. Lagi tong nagaganap kapag bagong pasokan. Ang career guidance week.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon