Chapter 8

1.7K 41 1
                                    

Chapter 8

UMAYOS AKO ng upo sa aking kama. Hindi ako makatulog sa mga narinig ko kanina.

Kinuha ko ang tray, bawal kasi kaming makipag usap sa mga costumers. "Enjoy your drinks gentlemen" I said.

Tinuloy ko na ang aking trabaho.

"Nakita ko na naman ang tatlong pogi Insan!" Naka upo ako upang magpahinga ng sumulpot si Insan sa aking harapan.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi siya pinansin. Ang laman ng isip ko ngayon ay si Gavin.

Natulog na kaya siya?

Kumain na kaya siya?

Kamusta na kaya siya?

Iniingatan ba siya ni Jackie?

Hay!

"INSAN!"

"Ay Gavin!" napalundag ako sa sigaw ni Insan. Naka crossed arms siya at nakatingin sakin ng masama.

"Bakit?"

"Kanina pa ako putak ng putak dito hindi mo ako pinapansin!" Saad niya. Napahilot ako sa aking sentido.

"Nakita ko kanina ang Impaktang Jackie" napatingin agad ako sa kanya. Nandito siya? Gabi na ah, alam ba ito ni Gavin? It's 12:24 Am na kaya at mamaya pa ang out namin

"Totoo?" tumango siya.

"Sino ang kasama niya?" Sana kasama niya si Gavin. Masilayan ko lang ang guwapong mukha niya, mawawala na ang pagod ko.

"Siya lang" bumagsak ang aking balikat.

"Umaasa ka na makikita mo si Gavin eh no?" umiwas ako ng tingin. Tama si Insan.

"Tss! Minsan nakaka bobo din ang pag ibig ano. Bubulagin ka niya sa maling tao pagkatapos pupunta rin sa tamang tao." Pinagsasabi neto?

"Tss!"

"Eh, nakapag usap naba kayo ni Cali?" kapagkuwan tanong ko. Ngumiti naman siya na parang baliw.

"Unting-unti ko na mapapalambot ang barbie na iyon" Siraulo talaga. Pero kung mapabago niya si Cali ay masaya ako. Biruin mo kapag nagkataon yun, isang Garfield lang pala ang makapagbabago sa isang barbie.

"Sisiguraduhin kong before this year end ay akin na si Mr. Barbie"

I shake my head " Baliw kana"

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon