Chapter 34

1.9K 43 2
                                    

Chapter 34

Buong mag hapon ay busy kaming lahat. Hinihintay naming gumabi. Sa gabi kasi gaganapin ang birthday party ko.

Nakanguso ako buong maghapon!

'Babawi daw siya pero kanina pa ako naghihintay sa text niya"

Nag type ulit ako ng message.

To: Gavin

"Baby...huwag mong kakalimutan ang Birthday ko ha?"

Kanina pa ako text ng text sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan!

Kaya ayon! Masama ang loob ko.

To: Gavin

"Baby...huwag mong kakalimutan ang party ko mamayang gabi"

To: Gavin

"Please, mag reply ka naman oh. Miss na kita"

To: Gavin

"Sana pumunta ka mamaya, hihintayin kita"

To: Gavin

"Huwag kang magpapa late ha"

"Oh? Ba't nakabusangot ang birthday girl?" Nag angat ako ng tingin kay Insan.

Ngumuso ako "Si Gavin kasi-"

"Gavin na naman? Hay nako! Ano na
naman ang ginawa niya?!"

"Kelangan talaga sumigaw?"

"Pake mo?!"

Pumadyak ako.

"Sabi ng huwag mong ugaliing pumadyak-padyak eh! Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"Kasi Insan nag text siya kagabi at kanina na babawi daw siya ngayon, pero kanina pa ako naghihintay sa tawag o text niya. Gumagabi na oh?!" Sabay turo ko sa kalangitan. Nandito kami ngayon sa garden at ang iba nandoon sa loob nag aayos ng mga pagkain. Ang bongga ng pag kakaayos sa Garden. May malaking stage at my pangalan ko iyon. Ang mga lamesa ay gold. Para na naman akong nasa palasyo. Ang mga upuan ay ganon din. Naka arrange na ang mga plato at wine glass sa mesa. May red carpet patungo sa stage. Doon siguro ako lalakad mamaya "Pero wala parin" sabay nguso ko.

"Baka naghahanda lang para mamaya" aniya.

"Pero kahit text o tawag man lang sana Insan. Kahit 'yon lang ang gawin niya para mapanatag ang loob ko na pupunta talaga siya"

"Baka busy? Sinabi niya ba sa'yo na pupunta talaga siya?"

Tumango ako.

"Iyon naman pala! Sinabi naman pala eh...huwag ka ng mag panic diyan!"

"Pero kasi....feel ko hindi siya pupunta eh"

"Pano mo nasabi?"

Kumibit balikat ako "Ewan ko! I have this bad feeling na hindi siya pupunta o male-late siya"

Napakamot siya sa kanyang kilay "Alam mo....paranoid kana Insan. Patay na patay ka talaga sa kanya eh no?"

"Insan naman-"

"Trust him....magtiwala ka sa kanya. Kapag sinabi niya na pupunta siya ay pupunta siya. Kasi nakikita ko sa'yo na wala kang tiwala sa kanya. Sa mga pinagsasabi niya sa'yo"

"Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya....natatakot lang kasi ako"

"Saan ka naman natatakot?"

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon