Chapter 11

1.9K 44 0
                                    

Chapter 11

"Table 5" kinuha ko ang tray at inihatid iyon sa table 5.

Kahit ilang buwan na ako dito sa club ay hindi ko parin maiwasang mailang.

Maraming lalaki ang naroroon. Lahat ng table kasi ay merong sofa kaya kasya sila doon.

Hindi na dapat ako nagulat pa sa yaman nina Cali. Lahat ng kagamitan sa bar ay alam kong mamahalin. Mula pa siguro sa ibang bansa ang mga iyon.

Napapabuntong hininga na lang ako ng maramdaman kong nakatutok ang paningin nila sa akin.

May naririnig din akong sipol at tikhim. Hindi na bago sa akin ito. Marami ng nakapag sabi sa akin na maganda ako. Blonde ako at mukha daw barbie sa emerald kong mga mata. Napapalibutan ito ng mahahabang pilikmata na parang nakamascara lagi.

Nagtataka nga ako kung bakit ni katiting wala akong nakuha sa mukha ni mama. Itim ang mga mata ng mama ko at morena. Ako naman ay maputi at parang si snow white sa pagkaputi. Sabi niya ay namana ko raw ang ganda ko at ang pagkaputi ko sa aking ama.

Matangos din ang aking ilong at pouty lips ako. Ang labi ko ay isa sa kina iingitan nina Daphne. Sa edad kong 15 at mag si-sixteen na ngayong taon ay may hubog na ang katawan ko.

Marami nga ang nagtatangkang manligaw sakin pero dadaan muna sila kina Cali bago nila ako ligawan.

Kunbaga sa aming group ay ako ang baby. Sina Sav ay matatanda sa akin at late sila nag school. Ako naman ay advance na nagschool kaya nakasabay ko sila.

Ilang linggo narin ng mangyari ang pagbisita ni Cedrick sa AIU at hindi ko na siya nakita pa.

Ilang gabi talaga ako hindi nakatulog sa mga binitawan niyang salita.

Sa mga nakalipas na linggo ay lumala si Gavin. Halos hindi na siya kumain at hindi pumasok. Alam kong may hindi sila pinag kakaintindihan ni Jackie. Sa wakas ay nag pakita na si Jackie at sa pagbalik niya ay doon lumala ang sitwasyon.

Halos hindi na alam nina Tita Kianna at Tito Savior ang gagawin sa kanilang anak. Ako man ay hindi alam ang nangyayari sa kanila ni Gavin. Halos gabi-gabi kasi ay saan-saang bar ang kanyang pinupuntahan.

Naaawa ako kay Sav dahil naapektuhan na ang kanyang pag aaral. Hindi ko nga alam kong ano ang manyayari sa intramurals.

Napabuntong hininga ako.

"Hi" dinig ko ang baritonong boses sa aking gilid. Nilingon ko ito. Napaawang ang aking labi sa kagwapohan niya.

Ngumiti ako "Good Evening Sir" naiilang ako sa mga titig ng mga kasama niya. Nakikita ko ang paghanga sa mga mata nila.

"Ahmm..." tumikhim siya "Paul Agustin" sabay lahad ng kamay sa aking harapan.

Napangiwi ako at napatingin-tingin sa paligid. Bawal kasi kami makipag usap sa mga costumers.

"Pero ba't mo kinausap si Cedrick nong nakaraan?"sabat ng aking isip. Oo nga, nagtataka nga ako kung bakit hindi kami pinagalitan ni Insan sa pagkikipag usap namin kay Cedrick.

Nakangiwi kong tinanggap ang kamay niya.

Seriously? Hindi ko alam ang aking gagawin.

"Zan" sabay bitaw ng kanyang kamay. Kinuha ko ang tray handa na sanang aalis.

"See you when I see you beautiful lady" dinig ko pang aniya.

Napairap ako. Linyahan ng mga lalaki!

Tinalikuran ko sila at bumalik sa aking trabaho.

**********

Gavin's POV

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon