Chapter 36

2.1K 49 4
                                    


Chapter 36

Mahirap.....

Mahirap mag alaga ng bata habang nag aaral. Nang makapanganak ako ay 1 year akong nagpahinga. Mahirap maging batang Ina. Mabuti nga't nandiyan si Mommy para tulungan ako sa pag aalaga kay Kaizer. Tinuturuan niya ako kung paano magtimpla ng gatas, paano humawak ng bata, paano mag palit ng diaper at iba pa. Unang-una ay nahirapan ako. Nagpapanic nga ako everytime na umiyak si Kaizer. Lagi rin akong puyat sa kanya. Gumigising kasi siya ng mga 2:Am sa umaga para dumede. Kaya ayon! Puyat ako lagi.

Now, I understand that it's very hard to be a Mom. Ang pagiging nanay ay pinaghahandaan 'yan.

Nang mag 1 year old siya ay dito lang kami nag celebrate sa Canada. Kaunting salo-salo lang. Wala si Insan dahil kinuha siya ng kanyang Ama. Hindi ko alam ang buong nangyari sa kanya dahil tutok ako sa pag aalaga sa aking anak.

Habang lumalaki si Kaizer ay mas lalo niyang naging kamukha si Gavin. Wala siyang kinuha sa'kin! Lahat-lahat ay sa kanyang Ama na. Tuwing pinagmamasdan ko nga siya ay nasasaktan ako. Nandito parin eh....nandito parin ang sakit.

"Anak! Salamat at dumating kana!" Salubong ni Mommy pagkapasok ko sa bahay.

Napakunot ang noo ko at hinalikan siya sa pisnge "Why Mom?"

Napahawak siya sa noo "Kaizer is crying because he missed you!" 

Kaizer is 5 years old now.

"Where is he?"

"Mommy!" Mula sa taas ay bumaba ang aking anak. Umuuga ang kanyang malaking tiyan. Ngumuso ako. Nac-cute-an ako sa kanya.

"Be careful Baby!" Sigaw ko. Kinabahan ako do'n ah! Ang taas pa naman ng hagdan namin!

"Mommy!" Tumakbo siya at niyakap ang mga hita ko. Tuwang-tuwa siyang makita ako. Kumikislap ang gray niyang mga mata.

Hinaplos ko ang buhok niya. Napangiti ako. Nawala ang pagod ko pagkakita sa anak ko "Hi my Baby. Lola said that you cried. I thought you're a big boy now?"

Ngumuso siya. Naalala ko naman si Gavin sa kanya. Kuhang-kuha niya pati ang pag nguso ng kanyang Ama. Bakit ba hindi na lang ang mukha ko ang nakuha niya? Kaya hindi ako makapag move on eh!

"I cried because I missed you!" Bumuntong hininga ako. Binuhat ko siya at hinalikan ang matambok niyang pisnge. Napangiwi pa ako sa bigat niya. Jusko! Pinulupot niya naman ang matambok niyang braso sa aking leeg. Umupo kami sa sofa.

"Wooh! Ang bigat-bigat mo na baby" usal ko. Ngumuso siya.

"I'm not heavy Mommy! You're just so thin to carry me" ngumuso ako. Batang 'to!

"I'm sorry baby. Mommy got so busy lately. Babawi si Mommy bukas okay?" I'm on my first year college. Maraming mga requirements kaya naging busy ako. Malapit narin kasi ang exam.

Kumunot ang noo niya "Why? Don't you have class tommorow?" Tumawa ako. Pinisil ko ang matangos niyang ilong! Para siyang matanda kung magtanong at mag isip. 5 years old pa lang siya ay marami na siyang alam na mga lenguahe.

"Wala baby"

Ngumiti siya at naglalambing na humilig sa aking dibdib. "That's good! I want to spend time with my Mommy!"

Sinuklay ko ang buhok niya "Pasaway kaba ngayon kay Lola? She looked problematic earlier" nginitian ko si Mommy. Umupo siya sa harap namin at nakangiti kaming pinagmasdan.

Suminghap ang baby ko "No! I'm not pasaway with Lola!" Saka siya bumaling sa Lola niya. "Derecha Abuela"

"Derecha Abuela" is 'Right Grandma' in spanish.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon