Chapter 44

2.1K 48 5
                                    

Chapter 44

Nagulat ako ng maabutan ko si Sir Jireh sa sala namin. Kakatapos ko lang maligo at ginutom ako. Kausap niya sina Mommy't Daddy at nasa kandungan niya naman si Kaizer. Mula sa aking pwesto ay kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge habang kausap sina Mommy't Daddy.

Ano ang ginagawa niya dito?

Dali-dali akong tumungo sa kinaroroonan nila.

"Mommy!"

Ibinuka ko ang aking braso upang salubungin ang yakap ng aking anak. Bumaba siya sa kandungan ni Sir Jireh. Dahil sa sigaw ni Kaizer kaya nabaling ang atensyon nila sa kinaroroonan ko.

"Mommy!" Yumakap ang anak ko sa aking bewang.

"Hello Baby!" Sinapo ko ang pisnge niya ay pinugpog ng halik ang buong mukha niya.

"You're so beautiful today Mommy!"

"Really?"

Tumango siya "Yeah"

Nginitian ko siya "Have you eaten?"

Umiling siya "Not yet"

Napakunot ang aking noo "Why?"

"I was waiting for you" sabay nguso niya. Napahilot na lang ako sa noo.

"Anak!" Nag angat ako ng tingin kina Mommy. Naglakad ako papunta sa kanila. I kissed them on their cheeks.

"Anak nandito si Sir Jireh....yieee" tili ni Mommy.

Napatingin naman ako kay Sir Jireh. Ang gwapo niya sa kanyang suot. He's wearing a black polo shirt na tinupi hanggang siko. Bakat na bakat ang kanyang maskuladong braso. Ang dalawang butones ng kanyang polo ay nakabukas. Pinarisan niya ito ng Khaki Pants. Kumikinang ang kanyang rolex watch. Noong nagpasabog ang panginoon ng kagwapohan ay gising yata ito. Ang pogi niya talaga!

"G-Good Morning Ma'am" sabay yuko niya. Ngumuso ako pero napangiti rin sa kanyang ginawa. Nahihiya parin siya pagkatapos ng enkwentro namin ka gabi.

"Good Morning rin Sir....bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

Napakamot siya ng batok at nahihiyang napatingin kina Mommy't Daddy na nasa aking likuran.

Kinagat niya ang kanyang labi at may kinuha sa lamesa na nasa aking gilid. Nagulat ako ng inilahad niya sa'kin ang isang bouquet of roses.

"Ahmmm....Flowers for you Ma'am"

Umawang ang aking labi.

Doon ko naalala na liligawan niya pala ako.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Ilang minuto pa akong natulala bago ito tinanggap.

"Awww.....T-Thank you" nakangiti kong sabi. Narinig kong tumili si Mommy sa aking likuran.

Ngumuso siya "Mabuti nga't nagtanong ako kay Kaizer kung ano ang favorite mong bulaklak"

Nakaawang ang labing binalingan ko ang anak.

Nakangiting nag thumbs up siya.

Nakakagulat na hindi niya pinagtabuyan si Sir Jireh. 'Yon kasi ang ginagawa niya sa lahat ng mga manliligaw ko sa Canada.

Base sa mukha ng anak ko ay gusto niya si Sir Jireh.

"Ahmmm....Madam, Sir...I'm here to court your Daughter. Sana po hayaan niyo akong patunayan ang nararamdaman ko sa anak niyo. Actually....pumayag na po si Zan na ligawan ko siya pero gusto ko po sanang magpaalam sa inyo na gusto ko pong ligawan ang anak niyo" Nahihiyang sabi ni Sir.

Kinakabahan ako na baka hindi pumayag si Daddy. Na trauma na siguro siya sa ginawa ni Gavin sa'kin noon.

Tumili si Mommy "I'll let you court her Sir!"

Kahit nakangiti si Daddy ay nandoon parin ang babala sa kanyang mga mata. "I will let you court my Daughter but remember-" saka siya naglakad at tinapik ang balikat ni Sir.

Nagulat naman ako. Fuck! Is this real?!

"If you'll hurt her....I'll hurt you twice understood?"

Mukhang natakot naman si Sir sa sinabi ni Daddy.

Tumango-tango siya "I will never do that Sir"

"Good"

Mas lalo akong nagulat. Bakit ang dali niyang napapayag sina Mommy't daddy?

Binalingan niya ako at nginitian.

"A-Ahmmm....kumain ka na ba?" Tanong ko.

Napakamot siya ng batok "Actually....hindi pa. Gusto ko sanang ayain ka sa labas kumain. Pwede mo rin isama si Kaizer kung gusto mo" aniya.

"Mommy....can I come?!" Niyakap ako ng anak ko sa bewang.

"Please Mommy!! Can I?!" Nag beautiful eyes pa siya.

Nilingon ko sina Mommy't Daddy. Nakangiting tumango sila.

Awang ang labing tumango ako. Nagulat ako ng sapuin niya ang pisnge at ngumuso. Muntik na akong matawa sa kanyang ginawa. Para siyang BAKLA! Nakakatawa ang ganitong side ni Sir.

Pwede na siya sa club nina Kendra.

Tumabi siya sa'kin at pasimpleng bumulong. "K-Kinikilig ako Ma'am"

Napahagikhik ako.

Ang cute niya....

"Return them exactly at 6:00 Pm. If you returned them at 6:01 or 6:05 hindi ka na pwedeng manligaw sa anak ko maliwanag?" Seryosong sabi ni Daddy.

Pinandilatan ko siya. "Dad-"

Natahimik ako ng dinuro niya ako.

"Yes Sir....iuuwi ko po sila ng maaga"

"Mabuti at nagkasunduan tayo" ani Daddy sabay lagay ng kamay sa bewang.

Napailing na lang ako. He's always like this kapag may magtangkang manligaw sa'kin.

Si Daddy ay hindi mapili sa manliligaw ko. Si Kaizer lang 'yong mapili. Naalala ko nga si Jason. Isa siya sa mga manliligaw ko noon sa Canada. Okay para sa'kin si Jason. Mabait siya, Gwapo, sweet at palabiro. Anak siya ng isa sa mga amiga's ni Mommy. Noong unang visit niya sa bahay namin sa Canada ay pinaalis siya agad ni Kaizer! Kesyo....hindi niya daw gusto ito.

Flashback**

"Get out Mister! You're not gonna court Mommy again. I don't want to be rude to you but I will get straight to the point! I. DON'T. LIKE. YOU! Don't ever come back here!" Hila-hila ni Kaizer ang laylayan ng damit ni Jason.

Dali-dali kong inilapag ang mga chocolates at bulaklak sa mesa. Sinundan ko sila.

"A-Ahmmm....Kaizer I like your Mom so much-"

"BUT I DON'T LIKE YOU!"

Nang makalapit ako sa kanila ay dali-dali kong kinuha si Kaizer. Napangiwi ako sa bigat niya. He's just 4 years old. Ang taba-taba niya.

"A-Anak...that's rude. Don't treat people like that-"

"I don't want him here Mommy! I don't like him!-"

Napatingin ako kay Jason. "A-Ahmmm....could you-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin.

"It's okay....I understand. I know that he doesn't like me. I'll see you tomorrow Zan" aniya.

"O-Okay! See you" isa pang tingin kay Kaizer saka niya kami tinalikuran at sumakay sa kanyang sasakyan.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang anak. Nakasalubong parin ang kilay niya at nakanguso.

"Kaizer...I don't like what you did. It's rude to treat people like that"

"I'm sorry Mommy. I just don't like him because he has so many girls! He's a playboy!" Nanlaki ang mga mata ko.

"And where did you know that huh? You're  just 4 years old baby! Who told you that?"

Wala naman akong nabalitaan na playboy si Jason. Pero ang anak ko? Mukhang may alam siguro sa tinatago ng lalaking 'yon.

"Tito Coco said he's a playboy! That's why I don't want him courting on you!" Napapikit ako ng mariin. Naiinis ako kay Kuya! Kung ano-ano ang mga pinagsasabi eh!

End of the Flashback**

Si Kuya at si Kaizer palagi ang magkakampi. Iba rin si Kuya. Kapag ayaw niya sa manliligaw ko ay gagamitin niya si Kaizer para mapalayo ito. May saltik rin si Kuya eh!

Kaya ayon! Pagkatapos ni Jason ay may sumunod ulit na tinaboy na naman ni Kaizer. Ganon lang ang routine ko sa Canada. Actually hindi ko naman sineryoso ang mga 'yon. Unlike kay Sir Jireh. Aaminin ko na....I like him. Ewan ko ba pero gusto ko siya. I'm comfortable with him. At napapasaya niya ako sa simpleng kilos lang niya.

Siguro, ito na ang time na buksan ko ulit ang puso ko sa panibagong bisita.

Biglang pumasok sa isipan ko si Gavin. I cringe when I remember him. Nakakatrauma at ayaw ko ng subukan siya! Galit parin ako! Hindi na siguro makapag move on ang galit ko sa kanya!

Pero 'yong feelings ko kaya nakamove on na?

Pinakiramdaman ko ang sarili. Noon kapag iniisip ko siya ay tumitibok ang puso ko. Pero ngayon? Ewan! Wala na akong nararamdaman!

Mas mabuti ngang ganito na lang. Unti-unti ko ng makakalimutan ang nakaraan.

Dinala kami ni Sir Jireh sa Simpson's Restaurant. Sino na naman kaya sa mga simpson ang restaurant na 'to? Ang yayaman nila ah!

Tuwang-tuwa ang anak ko habang papasok kami sa loob ng resto. Mukha kaming isang masayang pamilya. Hawak ko ang kaliwang kamay niya samantalang hawak naman ni Sir ang kanyang isang kamay.

Sinalubong kami ng isang staff pagkapasok namin.

"Welcome to the Simpson's Restaurant Ma'am...Sir. Any reservations?"

Tumango naman si Sir Jireh "Yes, with the name of Jireh Aziel Adler"

"This way Sir"

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng Restaurant. The restaurant is appealing like a family mood. The extravaganzy that gives off something that you will spend a millions here. It has a approachable stuffs. At mararamdaman mong may privacy kayong lahat. Nang makapasok kami sa isang room ay nakahanda na ang mga pagkain. Pinaghugutan niya ako ng upuan.

I mouthed "Thanks"

Kinindatan niya ako saka siya dumiretso kay Kaizer. Binuhat niya ito na hindi ipinagsiniwalang bahala ang bigat ng anak ko.

"Wow! You ordered all of this Sir pogi?!"

"Yes naman....gusto kong mabusog kayo ni Mommy eh"

"It looks delicious huh?"

"This Restaurant is one of your Tito Cadmus business buddy. And I think the foods they prepared can surpass other restaurant. I haven't tried it before but I know that it's delicious"

"Is this your first time in this place Sir-"

"Cut the Sir Baby...just call me Jireh" malambing niyang sabi.

Nagulat naman ako. Baby na naman?

Kinagat ko ang aking labi na parang may kung anong nagrarambulan sa aking tiyan.

Ang sarap pakinggan kapag siya ang tumatawag sa'king baby.

"Mommy's not a baby Sir pogi! I'm the baby here!" Ngumuso na lang ako.

Tumawa si Jireh at hinalikan ang pisnge niya. "She's my baby also buddy"

I shook my head. Kita niyo? Ni hindi ko nga alam na baby niya ako.

Sinapo ni Kaizer ang pisnge ni Jireh. "How about me? I'm your baby too Sir pogi diba? Diba?"

Tumawa ako.

"Yes! Kayong dalawa ang baby ni Sir"

"Yehey! I like you for my Mommy Sir pogi yaa know!"

"Tara na at kumain!" Sabi ko. Dali-dali naman silang tumabi sa'kin. Umupo silang dalawa sa aking gilid. Bale, pinagigitnaan nila ako.

"Try this Zan" aniya at inilapag sa'kin ang isang dish. Kumuha ako ng tinidor at tinikman ito.

Tumango-tango ako ng manuot sa aking dila ang lasa ng pagkain. May restaurant palang pagmamay ari si Cadmus....hindi niya man lang sinabi.

"Ang sarap" nginitian ko siya

He just winked on me.

I chuckled.

Naglapag din siya ng pagkain sa anak ko. This is what I like about him. Hindi lang ako ang inaasikaso niya....pati na rin 'yong anak ko.

Pinagmamasdan ko siya habang kumakain. Kaizer is so nice to him. Mukhang ang lapit ng loob ng anak ko sa kanya. Mapili rin si Kaizer sa mga kinakausap niya. Kapag hindi ka niya kilala ay hindi ka niya kakausapin talaga. Ewan ko ba kung saan niya nakuha ang ugaling 'yon. As far as I know....I'm not like that. Friendly ako noh. I think he got that from his Father.

I sighed.

**

Gavin's POV

"Honey tikman mo oh" I smiled at her and open my mouth.

"So, how does it taste?"

Tumango-tango ako at nilunok ang pagkain. "It's good"

She giggled.

I closed my eyes. Fuck! I love to hear her giggles! I so fucking love this woman so much.

It's our wedding anniversary. I can't believe na tumagal kami. Naniniwala ako na para siya sa'kin. Jackie is only for me.

My heart is beating inside my rib cage as I look at her beautiful face. Many years have past and I'm still so inlove with her.

"Ang galing ko talagang pumili ng restaurant!" She giggled again.

I smiled "Happy anniversary Honey"

She look at me and bit her lips. "Happy anniversary Baby"

Nang hindi na ako makatiis ay tumayo ako at hinalikan siya. She kissed back. I felt like heaven when her lips met mine.

Hinalikan ko ang noo niya at bumalik sa pag upo.

Ngumuso siya "I miss our baby"

Naalala ko ang anak namin. Gusto niya kasing sumama sa'min. Kaso, Anniversary namin at gusto nang asawa kong kami lang muna.

I pout my lips "I miss our son too. Don't worry....ilang oras na man lang ay makakasama na ulit natin siya" saka ko hinawakan ang kamay niya. Hinalikan ko ang palad nito.

"Pero mag bonding muna tayo-" I cut her off.

"Bakit nga pala tayo dito nag ce-celebrate? Bakit hindi na lang sa kwarto natin?" I wiggled my eyebrows.

She chuckled saka pinalo ang kamay ko "Honey naman! Kapag doon tayo mag ce-celebrate ay hindi na naman ako makakalakad niyan!"

I chuckled when I saw her blushed.

"Bakit? Hindi ka pa ba sanay?"

Napangiwi ako ng kinurot niya ang aking kamay "Ang bastos mo talaga!"

Tumawa na lang ako. Susss! Nahihiya pa ang misis ko. 10 years na kaming kasal pero nahihiya parin siya kapag gano'n ang topic.

I hug her hands "Honey....I want a baby girl this time"

"But Honey....Gauge's not yet ready to have a little sister"

Ngumuso na lang ako. Gusto kasi ni Gauge na siya lang daw muna ang baby namin. I think I must talk to him. Gusto ko kasi ng maraming anak kay Jackie para hindi na makawala pa!

Pinagpatuloy namin ang pagkain. Being with my wife today made me so happy. Noon pangarap ko lang na maging asawa siya. Ngayon, nakamtan ko na at ayaw ko ng bitawan pa.

Sa'kin lang siya habang buhay. Akin lang...

We talked about our high school memories. How I got wasted and was about to kill my life when she broke up on me. I can't stop laughing remembering those. Hanggang sa pumasok sa isip ko si Zan. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Yeah, Gago ako dahil sinaktan ko siya. Hindi na kasi ako nakapag isip noon ng tama. Bulag na bulag ako sa pagmamahal. Hanggang ngayon pa naman. Mahal na mahal ko lang talaga si Jackie. Ang lahat lang ng nasa isip ko ay maibalik ang pinakamamahal ko. Huli ko lang narealize ang mga kasalanan ko sa kanya. I'm happy now at hindi ko alam kong siya ba ay ganon din. Gusto kong lumuhod sa kanya at humingi ng tawad. I think nakapag move on na siguro siya. I was shocked when I found that I had a child with her. Doon ko naalala ang mga pinanggagawa ko. Napakagago ko, wala akong kwentang ama. She raised our child alone. She's so strong....despite what I did she kept my child at hindi niya naisipang ipalaglag ito. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya. Ako na siguro ang pinakagagong ama sa mundo. I was selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko noon at  hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niya.

I look at my face in the mirror. Bumabalik sa isip ko ang mga pinanggagawa ko sa kanya noon. It's hunting me...

Bumuntong hininga ako at lumabas sa Cr. Nagulat ako ng makita si Zan sa labas niyon.

What is she doing here?

Nagulat rin siya ng makita ako. Pinagmasdan ko siya. She becomes matured. Ang layo sa Zan na kilala ko noon. Tumaas siya at sumexy. Her blonde hair, green eyes, kissable lips, pointed nose.

Fuck! Bakit ko ba sinaktan ang innocenteng Diyosa na'to? She looked like a goddess. Very beautiful.

And why is my heart beating so Damn fast?

I sighed "Hey"

Fuck! bakit ko ba sinabi 'yon?!

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon