Chapter 12 SPG

3.2K 42 0
                                    

Chapter 12

MATURED CONTENT! Read at your own risk!

Zan's POV

"Ma'am! Ang kaibigan niyo po ay nakikipag away na naman" napabuntong hininga ako sa balita ng bouncer.

Tumango ako sa bouncer at hinilot ang aking sentido.

Mahal, ano ba ang pinanggagawa mo sa sarili mo?

Absent ngayon si Insan dahil may lagnat siya at hindi ko kaya si Gavin na ako lang mag isa.

Palibhasa'y kaibigan si Kuya Carter kaya nagagawa ang gusto.

Iniwan ko ang aking trabaho at pinuntahan siya sa dance floor.

As usual, pinigilan ko na naman at humingi ng tawad sa lalaking iyon.

"Gavin umuwi kana sa inyo"

"Ha-ha-ha-ha" hayss! Parati na lang siyang lasing.

Pilit kong kinukuha ang bote ng beer sa kanyang kamay.

"S-stay away!" Pero hindi ko siya pinakinggan.

"Zan, let's bring him to his condo. He needs to rest at isa pa ay nakaka abala na siya sa mga tao dito" mula sa likuran ay narinig ko ang boses ni Kuya Carter. Nilingon ko ito.

May condo si Gavin? Parang ngayon ko lang nalaman 'yon ah?

"Eh, saan po ba ang condo niya?"

"Sa MC" Isa ang Montero's Condominium sa pinakasikat na condominium dito sa manila. Bumuntong hininga ako.

"Sige po" Gusto ko ng pagpahingahin si Gavin at isa pa ay tama si Kuya Carter na nakaka abala na siya sa mga tao dito.

Ginamit namin ang sasakyan ni Kuya Carter papuntang MC.

Nang makarating sa MC ay pumasok kami at nakakagulat na hinayaan lamang kaming pumasok ng front desk.

"Ahmm, what floor po ba ang condo ni Gavin?" Tanong ko habang nasa loob kami ng elevator.

"Last floor" aniya.

Mayamaya'y bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang panghuling floor.

Bakit pa ako nagulat sa yaman nila?

Pinagtulongan naming ipasok si Gavin sa loob ng condo.

Mabuti nga't alam niya ang passcode ni Gavin. Siguro nakapunta na siya dito.

Inihiga namin ang natutulog ng si Gavin.

Umunat ako ng katawan at inilibot ang tingin sa loob ng kwarto.

Ngayon lang ako nakapunta dito. Itim, puti at cream ang makikitang kulay sa kanyang kwarto. Hindi ko alam na ganito pala ang gusto ni Gavin. Sa loob ng kwarto niya ay may malaking tv na nakaharap sa kanyang kama. Ang malaki niyang closet ay kulay itim.

Nalungkot ako ng makita ang malaking painting ni Jackie sa uluhan ng kanyang kama.

"Mahal na mahal niya talaga si Jackie" usal ko sa aking isip.

"Kaya mag move on kana tanga" sabat na naman ng aking BRAIN! Umirap na lang ako.

Pumunta ako sa kanyang banyo at binuksan ito. Amoy niya ang nalalanghap ko habang inililibot ang tingin sa mga kagamitan don.

Muntik na akong mapatawa ng makita ko ang kanyang brief na nakasampay.

Calvin Klien?

Hindi ako makapaniwala na kahit ang bathtub niya ay kulay itim din. Malaki ang banyo ni Gavin at halos kwarto ko na nga sa bahay iyon. May malaking salamin na nakaharap sa bathtub at sa ilalim niyon ay cabinets.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon