Chapter 42

2.1K 46 0
                                    

Chapter 42

"Kung ganon ay araw-araw mo ng makikita ang hotness ni Fafa Gavin?!" Napairap ako sa sinabi ni Kendra.

Nandito kami ngayon sa Lion Pearl. Bumili kami ng milk tea. Ngayon lang kami nakapag bonding dahil sa busy rin ang iba. Naikwento ko sa kanila ang mga nangyari.

"Wala akong pakealam sa kanya!" Naiinis parin ako kay Gavin. Wala na akong time sa anak ko dahil kinukuha niya palagi si Kaizer!

Araw-araw niyang kasama ang anak ko jusko! Parang ayaw niya ngang bitawan! Parang siya pa nga ang nagluwal kay Kaizer.

"Oy! Aminin! Kinilig si petchay noong nakita mo ang mukha at katawan niya!"

"Iwww! Nakakasuka iyang pinagsasabi mo ken!" Sabi ko sa kanya. Never akong kikiligin ulit sa lalaking 'yon! Hindi na!

"Eh? Naka move on ka na ba?" Usisa ni Stanley.

Hindi ako nakasagot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at unti-unting tumango.

"Weh?!"

"Sureness?!"

Umirap ako "Oo nga!"

"Kung ganon ay maghanap kana ng lovelife teh!" Saad ni Mark.

"Lovelife?"

Umikot ang mga mata niya "You see, ang Fafa Gavin ay may lovelife na at ikaw? Wala pa! Lalampas kana sa calendaryo day! Hindi pwedeng maburo lang iyang petchay mo diyan!"

Ngumiwi ako. "Pshh! Wala akong panahon sa ganyan! At isa pa, hindi rin ako sigurado dahil si Kaizer ay aayaw agad. Mapili 'yon sa manliligaw ko. Kapag ayaw niya kailangan ayaw ko rin" Napabuntong hininga ako.

Naisip ko....ano kaya kung subukan ko ulit buksan ang puso ko?

It's been 10 years. Pero natatakot parin akong buksan ulit sa bagong bisita ang puso ko. What if masaktan na naman ako? What if lokohin na naman ako, Gamitin ako? Iyon ang kinakatakutan ko. Ayaw ko ng maramdaman ulit 'yon. Natrauma na ako no'n.

"Ano Ka ba! Ipaintindi mo sa anak mo! Kung may gusto kang tao na ayaw ng anak mo ay ipaintindi mo sa kanya kung bakit nagustuhan mo ito. Hindi na lang pwedeng na ang anak mo ang mag de-decide ng lovelife mo teh. Sarili mo naman ang isipin mo"

Napabuntong hininga ako. Wala sa sariling naisip ko si Sir Jireh.

Kinagat ko ang aking labi. I can't deny that I find him handsome. Napaka gentleman nito. Mahiyain at napakagalang. Napanguso ako.

Tutal hindi ko parin siya nakikita ay okay lang na isipin ko siya.

"Ang tanong....may gusto ka na ba?" Tanong ni Stanley.

Nakanguso akong umiling.

"Tss! Kung ganon ay may sulusyon ako diyan"

"Ano naman iyang naisip mo?"

"Mag bar tayo mamaya!"

Napangiwi ako. Magpoprotesta na sana ako ng hinarap niya sa'kin ang kanyang palad.

"Opp! Huwag kang humindi! Hahanapan ka namin ng papabol!"

Umingos ako "Wala na nga akong panahon diyan. Mas priority ko si Kaizer-"

"Tss! Alam mo....Kaizer ka ng Kaizer eh! Teh....malaki na ang anak mo. Sarili mo naman muna ang isipin mo"

"Oo nga! Don't worry....kasama mo kami mamaya" pilya akong napangisi sa sinabi ni Keno.

"Kung ikaw na lang kaya ang boyfriend ko sis? Bagay naman tayo ah-"

"Iwwww!!! Gaga maghunos dili ka nga! Never akong papatol sa mga tahong remember that" Maarte niyang sabi.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon