Chapter 35

2.1K 55 8
                                    

Chapter 35

Ngumiti ako ng pilit. "H-Hi m-mahal ko" doon na ako napahikbi.

KATAHIMIKAN*****

Ang sakit-sakit sa dibdib. Hindi ko na kaya. Kaya pala hindi siya nakapunta dahil Si Jackie ang kasama buong araw.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang sinampal ako sa realidad na hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal niya kay Jackie.

Hinayaan kung tumulo ang luha sa aking pisnge. Nakangiti lamang ako sa kanila. Walang may nagsalita sa amin.

Tinutusok ang puso ko habang pinagmamasdan sila. Ang sweet nila habang magkayakap. Gulat na gulat dahil nandito ako sa harapan nila. 

"Z-Zan" usal ni Gavin. Napapalunok pa.

Nginitian ko siya "H-Hi baby...S-Sabi mo pupunta ka sa birthday ko" kinuyom ko ang aking kamao. Wala na akong pakealam sa itsura ko ngayon. Napahikbi ulit ako.

Okay lang sana iyung naabutan ko silang may ginagawa, matatanggap ko pa iyon.

Pero ang hindi ko matanggap ay 'yung nag promise siya pero hindi niya tinupad. Para akong tangang naghihintay sa tawag o text niya!

If my friends and my family were not there for me, baka mabaliw na siguro ako sa kakaisip sa kanya.

"Zan....let me explain" bumaba siya sa kama at pinulot ang mga damit niya.

Explain? Mag e-explain kapa kahit kitang-kita ko naman ang nangyari?

Pero marupok ako kaya tumango ako "S-Sige...papakinggan ko ang paliwanag mo" sabi ko.

Mahal na mahal kita Gavin pero bakit mo ginawa sakin 'to? Saan ba ako nagkulang sa'yo? Binigay ko ang lahat ng sa'kin dahil mahal kita. Handa akong mahusgahan dahil mahal na mahal kita.

Gusto ko siyang sumbatan pero wala akong lakas. Ang magagawa ko lang ay pakinggan ang ipapaliwanag niya.

Tinignan ko si Jackie. Umiwas siya ng tingin. Gusto ko siyang sabunutan! Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa.

Suminghot ako at tumingala.
Gusto kong humagulhol at sabihing tama na ang sakit kasi hindi ko alam kung makakaya kong dalhin ito.

"D-Doon lang ako sa sala" tinalikuran ko sila at napatakip sa bibig. Pinipigilan ang hagulhol.

Iyong feeling na gusto mo silang sigawan at paghahampasin pero hindi mo magawa dahil mas inaalala mo 'yung bata sa sinapupunan mo.

Handa akong makinig sa ipapaliwanag mo Gavin.

Hindi parin nababawasan ang pagmamahal ko sa nakita ko kanina. Ang tanga ko talaga. Hindi paba ako natututo?!

Humihikbi akong pumunta sa sala at hinintay siya.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Kung bakit niya ginawa sa'kin 'to. Kung bakit hindi siya pumunta sa birthday ko. Bakit magkasama silang dalawa. Bakit nagawa niya akong lokohin sa kabila ng ginawa ko sa kanya.

Ako 'yung tumayo sa gilid niya noong basag na basag siya!! Binuo ko siya e! Binuo ko! Pero akala ko lang pala.

Heto siya, isang halik lang ni Jackie buong-buo na.

Napahikbi ako.

Inilagay ko ang kamay sa aking tiyan.

Gusto kung magwala. Ang sakit-sakit na....

Hindi ko ito inaasahan. Umasa akong pupunta siya. Para akong tangang naghihintay sa kanya. Tapos nandito lang pala siya at kasama ang ex niya.

Sana hindi na lang ako pumunta. Sana nakinig na lang ako kay Mommy't daddy. Sana hindi ko na lang nakita.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon