Chapter 22

1.5K 38 0
                                    

Chapter 22

Gavin's POV

Nang makapasok na si Zan ay tumalikod narin ako. Pero-

"What are you doing here?" Nagulat ako ng makita sa harapan si Cedrick!

"Inuwi ko ang kapatid mo"

Hindi ko maiwasang mainis! Nandito lang naman sa harapan ko ang sumira ng relasyon namin ni Jackie! Anong ginagawa niya dito? Tss!

"Tss! Really? My sister?....not my sister Gavin"

Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay "And why not?"

Sinamaan niya ako ng tingin "Itigil mo na ang plano mo"

Anong plano ang sinasabi neto? Tss!

"Ha! Plano?....plano saan?" Maang-maangan ko.

"Tss! Playing numb are we?....Not my sister asshole!"

"Anong alam mo ha?" Tanong ko. Naiinis ako! Ang kapal naman ng mukha netong humarap sa akin pagkatapos ng mga ginawa niya?!

Hanggang ngayon nandito parin ang sakit na dinulot nilang dalawa! Hindi parin gumagaling kahit ilang araw pa ang lumipas! Nakabaon na siguro ito at hindi na mahuhukay pa!

"I know your plan. You're using my sister to hurt me. You're using her love for you just to get your revenge" I sighed.

"Stay away from her. She's innocent...dahil hindi mo gugustuhing magalit ako kapag sinaktan mo siya!"

"You don't know anything"

Tumawa naman siya "I know you Gavin...." I-iling iling pang sabi niya.

"You don't know me Cedrick"

"Ha! Huwag mo nang ipilit ang plano mo...sasaktan mo lang siya! If you have problem with me then I'm here! Punch me, kick me do what you want! Huwag mong idamay ang kapatid ko!"

Mas lalo akong naiinis! I want to punch him to death! I want to kill him! Ang laki ng kasalanan ng gagong 'to sakin!

"Anong alam mo sa plano ko ha?"

"I know everything! Kaya pinipigilan na kita dahil wala namang saysay ang ginagawa mo!"

"Tss! Ang lakas rin ng loob mong humarap sa akin pagkatapos ng mga ginawa mo ano?!" Natahimik naman siya.

"Nakalimutan mo naba? Haha!...ang dali mo namang makalimot...oh kamusta ang pagpapakasarap mo habang kasama siya?"

"Shut up!"

"You shut up!!" Hindi ko na napigilang sumigaw! Galit na galit ako sa taong 'to! "Wala kang pakialam sa plano ko! At wala kang alam sa plano ko! Ginago niyo ako na alam ko! Nagbubulag-bulagan ako noon habang tinatanaw kayong nagpapakasarap sa isat-isa!....Are you happy now?! Masaya kana ba na wala na kami ng dahil sayo!!" Pinigilan kong tumulo ang aking luha. Nasasaktan parin ako. Naalala ko na naman ang mga times na tinatanaw silang dalawa ni Jackie sa bahay niya. Lahat nakita ko! Kahit masakit ay tinanggap ko. Bawat lapat ng labi nila ay siyang pagpatak ng luha ko.

"Wala kang alam-"

"Anong walang alam? Lahat alam ko! Pagkatapos mo siyang sinuhot sa akin pinaiyak mo?! Gago kaba?! Pagkatapos mong sirain ang isang relasyon para makuha lang siya ay iniwan mo naman sa eri! Gusto mo bang maramdaman ang sakit na idinulot mo sa aming dalawa?!"

Nagulat naman ako ng dinukot niya ang kwelyo ko at hinapit ako papalapit sa kanya.

"Tama ako...gagamitin mo ang kapatid ko para makaganti sakin!...kung ano man ang kasalanan ko labas siya doon! Huwag mo siyang isali sa plano mo!"

"Tss! Sino bang nag sabi na sinasali ko siya sa plano ko sayo?...baliw kana!" Sigaw ko sa mukha niya!

"Bakit hindi ba?! Kaya ka diba lumalapit sa kanya para makaganti sakin!"

"Ha! Bakit? Hindi ba pwedeng magbago ang plano? Hindi ba pwedeng mag bago ang sitwasyon?" Natahimik naman siya.

"Huwag mo siyang idamay"

"Sino bang nagsabing dinadamay ko siya?"

"Sumagot ka ng maayos!"

"Sumasagot naman ako ng maayos ah?"

"Stay away from her I'm begging you" pagmamakaawa niya! Tss! Ganyan nga...magmakaawa ka. Kulang pa 'yan sa mga ginawa mo sakin!

"Hindi ko gagawin 'yan"

"At bakit?! Don't tell me...mahal mo na ang kapatid ko?!!" Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon!

"What are you planning?"

"Bitawan mo ako!"

"Lumayo ka sa kanya!"

Pasiring kong inalis ang tingin sa kanya.

"Kung ano man ang sa amin ng kapatid mo....labas kana don"

"Anong labas ako don? Are you out of your mind? Kapatid ko ang pinag uusapan natin ngayon!"

"Tss!"

"Huwag siya Gavin!" Pero nginisihan ko naman siya. "Pakealam mo ba?"

Nagulat na lang ako ng hawak niya na ako sa leeg. Kitang-kita ang galit sa mga mata niya!

"Tss! Hindi pa sapat ang galit mo ngayon sa galit ko Cedrick"

"Fuck you! Saktan mo lang lahat huwag lang ang kapatid ko!!!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Napaubo ako sa higpit ng pagkakasakal niya!

"W-wala kang alam-!" Sigaw ko!

"Kuya!!!!"

Nagkatinginan kami ng masama. Bakas ng galit sa mukha niya! Lalo naman ako!

"Kuya ano ba?! Bitawan mo si Gavin!" Nag angat siya ng tingin sa kapatid niya. Napatingin naman ako kay Zan. Bakas ang pag alala sa maganda niyang mukha.

"Stay there! Hindi pa kami tapos ng lalaking to!"

"Oh my ghad!" Rinig ko ang singhap ni Jasmine.

Lumapit naman siya samin. Oh no! Baby huwag kang lumapit! Tss!

"Kuya! Bitiwan mo siya please!!!"

Tigas ng ulo!

"Sinabi ko namang huwag kang lalapit pero hindi mo ako pinakinggan!!"

"Kuya!!! Bitawan mo siya kung ayaw mong magalit ako sayo!!!" Napapikit ako! Tengena! Hindi ako makahinga!

Mayamaya pa ay binitawan niya ako. Napaubo ako. Lokong 'yon ah! May oras karin sakin! Sinamaan ko siya ng tingin. "G-gavin....are you okay?!"

"Lumayo ka sa lalaking iyan Zan!"

"Ano ba ang kasalanan niya sayo ha?!...wala kang karapatang saktan siya kuya!!!"

"Sasaktan ka lang ng lalaking 'yan! Stay away from that jerk!" Duro niya sakin. Nag init naman ang bunbunan ko.

"Y-you d-don't know anything!" Sigaw ko! Tangena! Napaubo pa ako ulit!

"Fuck you!! Sinasabi ko sayong huwag ang kapatid ko gago!"

"Kuya ano ba!!"

"Lumayo ka sa lalaking iyan kung ayaw mong ako ang kusang maglayo sayo sa kanya!!!" Napatingin ako kay Zan. Naiinis ako na hindi ko alam! Naiinis ako pagkarinig ko non! Don't listen to him baby!

"Kuya wala namang ginagawang masama si Gavin ano ba!!"

"Akala mo lang wala!!!" Tss! Anong alam neto?

"Kuya what's wrong with you?! Oo alam kong hindi niyo gusto para sakin si Gavin pero ang saktan siya ng ganito ay hindi makatarungan kuya!! Wala namang ginagawa 'yong tao sa inyo!!" Nagulat naman ako...

"Stay away from him!"

"At bakit ha?!! Bakit ba gusto mong lumayo ako sa kanya?!!!"

"Dahil sasaktan ka lang niyan!!!"

"Paano mo nasabi na sasaktan ako nito?! Kuya hindi mo hawak ang mangyayari!! At kung sasaktan man ako ay labas kana don! Desisyon ko ito kuya!!"

"Ha!! So kakampihan mo ang gagong 'yan kesa sa sarili mong kapatid?!!"

"Kuya wala akong may kinakampihan sa inyo!! Ang masama lang ay 'yong sinaktan mo siya! Walang atraso sayo ang tao!"

"Tss! Huwag mo nang painitin ang ulo ko! Lumayo ka sa gagong 'yan!"

"Ayaw ko!!"

"Ang tigas nang ulo mo!! Huwag mong hayaang ako ang kusang maglayo sayo sa kanya dahil hindi mo magugustuhan!" Sinamaan ko siya ng tingin! Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako! " Sinabi ko na sayo...huwag ang kapatid ko!" Saka siya tumalikod at sumakay sa sasakyan niya!

Katahimikan*******

"I-insan...papasokin muna natin 'yang si Gavin. Painomin mo muna ng tubig" singit ni Jasmine. Napatingin ako kay Zan.

"G-gav...okay ka lang?" Nagaalalang tanong niya.

"Y-yeah..." Tumayo ako.

"A-ahmmm....pasok ka muna" pinagpag ko ang shorts ko at umiling. "No....Uuwi na ako"

"I-I'm sorry Gav"

"No it's okay. Get inside you need to rest"

"Eh?" Ginulo ko ang buhok niya.

"I'm fine and sorry pala kanina"

"No!...ako dapat ang magsorry eh" ngumuso siya. Ang cute lang...

"I'll go ahead" hinalikan ko ulit ang noo niya. Tumalikod ako at naglakad papunta sa sasakyan ko.

Habang nagmamaneho doon ko inilabas ang inis ko! Tengena!

"Ring!! Ring!! Ring!!"

"Savy Calling"

"Tss! Ano na naman kaya ang kelangan neto?" Sinagot ko ang tawag. Inilapag ko sa dashboard ang Iphone at nag fucos sa pagmamaneho.

"Hello?"

"Kuya when are you gonna visit us? Mom missed you so much! And dad is looking for you. You better go home...lagi ka nalang nag s-stay diyan sa condo mo!"

"Tommorow I'll be there"

"Why tommorow?! Why not now?!"

"Tss! I'm busy Savy!"

"Whatever!...oh I heard that nag date kayo ni Zan? Really sa park?! Alam kong ayaw mo sa park"

Napataas ang kilay ko "How did you know?"

"Duh! You're that popular kuya! Tss! Cadmus saw you and Zan eating whatever It is. Really?...eating cheap foods huh? Tht's not you kuya"

"It's not cheap!...it's masarap. They called it Fishball, kwek-kwek and tempura"

"Really? Street foods?!"

"Why not?"

"It's not really you goshhh!!" Maarte pang sabi niya. That's Sav. Maarte but sweet. Kahit ako man ay ayaw makitang nasasaktan siya. Makakapatay talaga ako!

"Tss! Masarap 'yon Savy! Kahit cheap"

"I want to eat that cheapfoods!" Tumawa ako.

"It's street foods!"

"Whatever!...O siya. You better go home tommorow!"

"Yeah! Yeah!"

"When is the Champion ship pala? I heard na naextend"

"Hmmm...yeah..sa friday daw"

"Oh okay...manonood kami"

"Yeah..."

"Okay bye! I'll see you tommorow!"

"Bye lil' sis!"

Nang makarating sa MC kung saan ako ang nagmamay ari. Pumasok ako at binati ng mga trabahante.

"Good evening Mr. Montero"

"Good evening Sir"

"Good evening Sir Montero"

Pero nilagpasan ko lang sila.

"Goshhh....kathy nandiyan na si Mr. Montero. Kyahhh ang gwapo!!"

"Huwag kang maingay Beth! Baka marinig tayo!"

"Ayos lang ba ang Face ko?!"

"Oo day! Maayos na! Kala mo naman papansinin ka non!"

"Hindi naman masamang mangarap ah"

"Oo at hanggang pangarap ka lang!"

"Ang sama mo naman!"

Sumakay ako sa elevator. Naiinis parin ako hanggang ngayon! Pagkarating sa floor ko  ay nagulat ako ng makita si Jackie sa harap ng pinto ko!

What is she doing here?

Nakasandal siya sa pinto ko at nasa baba ang tingin. Naglakad naman ako papalapit sa kanya.

"What are you doing here?" Malumanay kong tanong. Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin.

Lunok!

Ang lungkot-lungkot ng mukha niya. Kahit na malungkot ang ganda parin. Tumibok ang puso ko. Fuck! Siya lang talaga ang nakakagawa sa akin neto! I miss her so much! I want to hug her. Seing her sad...makes me want to kill that guy! My princess..

"G-gavin.." Humikbi siya! Nag alala naman ako bigla! Nasasaktan akong makita siyang ganito! Hindi ko kayang makita ang mga luhang iyan!

"W-what happened Jack?"

"G-gavin...a-ayaw niya na sakin. S-sabi niya mahal niya ako p-pero iniwan niya ako sa ire" hamagulhol siya! Napakuyom ako ng kamao. Ito ang sinasabi ko! Pagkatapos niyang sirain kami ay iniwan niya naman agad sa ire itong babaeng 'to! Ang babeng pinakamamahal ko! Ang babaeng siyang nagparamdam sakin kung ano ba ang pagmamahal!.

"Come her" niyakap ko siya. "Shhh...stop crying" iyak parin siya ng iyak.

"H-hindi niya na ako m-mahal. M-may mahal na siyang i-iba Gav" nasasaktan ako ngayon sa mga pinagsasabi niya.

Nandito naman ako pero bakit siya parin? Bakit siya parin ang binabanggit mo?

"Let's get inside" binuksan ko ang pinto at pumasok kami doon.

"Sit down" pinaupo ko siya sa sofa ko. Naupo naman siya. Iyak parin siya ng iyak.

"I'll get you water" tumalikod ako at pumunta sa kusina. Doon ko pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Napakuyom ang kamao ko!

Ang sakit! Ang sakit lang na nandito naman ako pero mas pinili niyang iwan ako para sa taong 'yon na sinaktan naman siya!

Mahirap ba akong mahalin Jackie? Kasi kung babalik ka lang sa akin ay kakalimutan ko lahat ng ginawa niyo. Kakalimutan ko lahat ng panloloko niyo sakin. Bumalik ka lang okay na ako. Solve na solve na ako.

Napatawa ako ng dumaloy ang luha sa pisnge ko.

Nandito ka parin Jackie...nandito ka parin at hindi ka na maalis pa.

Kumuha ako ng tubig at inayos ang sarili bago siya binalikan. Umiiyak parin siya.

"Here...drink this" inabot ko sa kanya ang baso ng tubig. Kinuha niya naman ito.

"S-salamat" nginitian ko lang siya. Umupo ako sa tabi niya.

"What happened?" Inilapag niya ang baso bago bumuntong hininga.

"N-nagmamakaawa ako sa kanya...nagmamakaawa ako na magkabalikan kami pero siya na ang tumanggi. S-sabi niya m-may mahal na daw s-siyang iba. A-ang sakit lang kasi p-pagkatapos ng s-sakripisyo ko ay iiwan niya ako sa ire" naiyak naman siya.

Nakinig lang ako sa kanya.

"A-ang kapal n-naman ng mukha ko noh? S-sinaktan kita pero nandito ako ngayon. W-wala kasi akong mapagsabihan. W-wala si mommy't daddy. As usual nasa work na naman sila. M-my friends? They're busy kasi. I'm sorry Gav...I-I'm sorry for hurting you" napabuntong hininga ako.

"I still love him Gav...at nasasaktan ako dahil mahal ko parin siya kahit sinaktan niya ako" ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Bawat tibok ang sakit.

Kailangan mo ba talagang ipamukha sakin na siya parin? Na siya parin ang laman niyan at hindi ako.

"W-wala naba talaga Jack?"

"A-ano?"

"W-wala naba talaga tayong pag-asa?" Napalunok ako.

Katahimikan*******

"G-Gav....hindi ko alam" napatingin siya sa mga mata ko. Bakas ang pag alinlangan sa sagot niya. Gayunpaman ay nakaramdam ako ng kaonting pag asa!

"P-paanong...hindi mo alam?"

"I-I don't know...nanalilito ako..." Kinuha ko ang kamay niya.

So may pag asa pa kami?

"J-Jack..nandito lang ako. G-Gawin ko lahat please bumalik ka sakin"

"G-gavin...Siya parin kasi eh" napatigil ako. Nasasaktan na naman ako.

"Alam mong siya parin Gav...I-Im sorry" napababa ako ng tingin. Hinawakan niya ako sa balikat "Im sorry Gav....." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito. "J-Jack..." Hindi na ako nakapagpigil pa at HINALIKAN SIYA!

Kasabay ng paglapat ng aming labi ay siyang pagpatak ng luha ko.

Pero laking gulat ko ng tinugon niya ang halik ko!

Hiniga ko siya at kinubawan . "Ito ba ang wala ng pag asa Jack? Answer me"

"Gavin..." Tinignan ko ang kanyang mga mata.

"Please sumagot ka" nagkatinginan kami. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya.

Pleasee....huwag mo na akong saktan.

*********

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon