Chapter 13

2.1K 40 0
                                    

Chapter 13

Nakakunot noo kong inilibot ang tingin. Si tits ay pahigpit ng pahigpit ang yakap sa akin.

Nagtatanong ang mga matang tinignan ko si Tits.

"Is that her son?" Napabaling ako sa babae na katabi ni Cedrick. Nakatakip parin ang kanyang palad sa bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Okay? What's happening?

"Yes mom" ani ni Cedrick sa kanyang Ina.

"S-sino po kayo? Bakit po nila tinutukan ng baril ang tita ko?" Tanong ko sa kanila. Pero walang may sumagot sa akin.

Umalis ang dalawang lalaki na nakapalibot kanina kay tits at lumabas. Now, kaming lima na lang ang natitira sa loob.

Binalingan ko si Tits. Niyakap ko siya ng mahigpit ng makita siyang nanginginig. Ngayon ko lang nakitaan ng takot si Tits. Hindi siya takot na sumabak sa gyera pero ngayon ay takot na takot siya.

"Are you okay tits?"

"O-okay lang ako iha"

"INSAN!" Nilingon ko ang pintuan at mula doon ay pumasok si Insan. Dumiretso siya sa tabi namin ni tits at nakakunot noong tinignan sina Cedrick at ang mga kasama niya.

"Oy! Cedrick, ba't ka nandito ha? Namamanhikan kaba? Mommy at daddy mo ba 'yan? Ayieeeee!! Ikaw ha! Ginulat mo kami" napapikit na lang ako. Hindi niya ba ramdam ang tensyon sa paligid? Nagawa niya pa talagang magtanong. Napakamot naman ng ulo si Cedrick.

"Manahimik ka nga diyan Insan" bulong ko. Nilingon niya naman ako. "Anong manahimik? Nanliligaw 'yan sayo oh! Mas bet ko pa nga siya kesa kay Gavin ano!" Jusko po! Hindi niya talaga ramdam ang tensyon sa paligid namin.

"Pleasee! Hindi sila nagmamanhikan kaya tumahimik ka diyan" parang mapipigtas na talaga ang pasensya ko sa kanya.

"Ay! Yun ba? Sayang naman! Manok ko pa naman siya!" Pinandilatan ko siya.

"Is that the daughter of Jade son?" Napatingin kami sa mommy ni Cedrick ng magtanong ito.

"Yes mom" sagot naman ni Cedrick sa kanyang ina.

"Oh my!" Maluha-luha niya kaming tinignan.

"Huwag niyo silang kunin sa akin Carolin please" hinawakan kami ni tits at inilagay sa kanyang likuran.

Nagkatinginan naman kami ni Insan. Nakakunot noo kong tinignan ang likod ni Tits.

Seriously? Ano ang nangyayari?

"You will pay Isabela. You and your cousins took our daughter away from us. We are longing for our daughter. Many years have passed that we struggled in finding her. Many years have passed that our life has been in miserable" nagulat ako sa sinabi ng lalaking katabi ni Cedrick. Tumulo ang kanyang luha at tumingin sa akin.

Bakit siya nakatingin sa akin. Nakakunot noo kong tinignan si Tits.

Ano ba ang pinagsasabi nila?

Napaawang ang aking labi. Magka ano-ano ba sila ni tits? May hindi ba ako alam dito?!

Isabela? Ang totoong pangalan niya ba ay Isabela?

Kung ganon ay tama si Cedrick. Biglang sumagi sa aking isip ang sinabi ni Cedrick ng makita niya kami sa mall.

"Nice to see you again Isabela Reyes"

"Nice to see you again Isabela Reyes"

"Nice to see you again Isabela Reyes"

Parang sirang plaka na nagpa ulit-ulit sa akin iyon.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon