Chapter 39

2.1K 48 2
                                    

Chapter 39

Present

Hindi ako makatingin sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong kurutin ang sarili dahil pumunta pa ako dito.

Bakit nga ba ako pumayag na pumunta dito?

Mapapahamak lang ako sa ginagawa ko eh!

Walang may nagsalita. Lahat sila ay nakatingin sa'min ng anak ko.

Ibang-iba na talaga siya ngayon. Mas lalong lumapad ang dibdib niya. He become matured.

Kumagat labi ako...Inaamin kong mas lalong naging pogi siya. Unti-unti kong ibinaba ang tingin sa kanyang mga binti. Napalunok ako ng makitang hapit ang kanyang pantalon sa kanyang maskuladong mga binti.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mga kamay. Makikita ang ugat nito. Ang rahas... Na parang kapag pumulupot iyon sa leeg mo at malalagutan ka ng hininga.

Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. Wala paring may nagsalita.

"H-Hi Kaizer! Ako pala si Tito Raizen" basag ni Raizen sa katahimikan at kumaway kay Kaizer.

"Hi Tito Raizen" kumaway rin ang anak ko. Binalingan ko si Sav at tinignan siya ng makahulugan.

Gusto ko ng umalis! Ngayon na!

"A-Ah....Excuse us guys!" Hinablot ako ni Sav.

Tinanguan ko sila at kinuha ang kamay ng anak ko.

"Let's go, Kaizer" saka kami nagmamadaling umalis do'n. Napapikit ako ng mariin.

Ang tanga ko talaga!

"Anak...doon ka muna kina Tito Cali at Cadmus mo ha? May pag uusapan lang kami ng Tita Sav mo" sabi ko sa anak ko. Tumango siya at humalik muna sa pisnge ko bago umalis.

Napatampal ako sa noo at binalingan si Sav. Bakas ng pagsisisi ang kanyang mukha.

"I'm sorry bes dahil inimbitahan pa talaga kita dito-"

"No....Huwag kang mag sorry" pigil ko sa kanya "Hindi kasi ako nag isip bago pumayag. What if...malaman niya na anak niya si Kaizer? Gulo 'to 'pag nagkataon" napabuga ako ng hininga.

"Still...I'm sorry. Gusto ko lang kasi na makita nila ng impaktang Jackie na 'yon na kaya mo silang harapin despite what happened sa inyo" nagbaba siya ng tingin.

"Sav...." Napabuga ako ng hininga! Hindi ko alam ang aking gagawin. Kinuha niya ang aking kamay.

"Umuwi na kayo....gustuhin ko mang magtagal kayo dito pero hindi pwede. Kailangan niyong umiwas sa kanya para hindi niya malaman" tumango ako.

Dahil malalaman niya kaagad na anak niya si Kaizer. Sa mukha pa lang ay malalaman niya na!

"S-Sige"

Sabay kaming bumalik sa kung nasaan sina Cadmus at Cali.

"Kaizer....let's go!"

Ngumuso siya "But mommy-"

"Anak....mommy's not feeling well" kunwaring sabi ko at napatampal sa noo.

Nag alalang niyakap niya ang bewang ko.

"Is that so? We better go home now"

"Ay ganon?! Wala pa kayong 15 minutes dito murat! Tapos uuwi agad?!" Sabi ni Cadmus.

"Oo nga! Nag eenjoy pa kami sa anak mo eh!"

"Guys! Zan's need some rest...hindi pa nga sana pupunta 'to kaso pinilit ko" nakangiwing sabi ni Sav.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon