Chapter 18

1.9K 32 0
                                    

Chapter 18

Zan's POV

"Ganyan nga Zan...sa akin ka lang pwedeng kiligin at wala ng iba pa. Ako lang naintindihan mo?....ako lang"

"Ganyan nga Zan...sa akin ka lang pwedeng kiligin at wala ng iba pa. Ako lang naintindihan mo?....ako lang"

"Ganyan nga Zan...sa akin ka lang pwedeng kiligin at wala ng iba pa. Ako lang naintindihan mo?....ako lang"

Nag iinit ang pisnge ko ng magpaulit-ulit yon sa isip ko. Bakit ba sinabi niya pa 'yon? Eh alam niya namang sa kanya lang ako baliw na baliw.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang lalabas. Iba talaga ang epekto ni Gavin sakin. Sa salita niya pa lang...mababaliw na ako sa kilig.

Hayyyyy!!!! Puso nga naman oh!

Natapos ang laro at ang nanalo ay sina Insan. Tuwang-tuwa ako. Excited na akong batiin siya. Namiss ko rin kasi siya eh. 1 week kasi kaming hindi nakapag usap dahil busy siya sa practice at sa trabaho. Ako naman ay inaasikaso ang hari ko.

Nakaupo parin kaming lahat. Hinihintay namin na bumaba si Insan sa stage. Pagkatapos kasi neto ay didiritso kami sa court.

Nakikipagkamay pa si Insan sa mga kalaban at sa mga teachers. Napabaling naman ang tingin ko kay Sav na katabi ni Cadmus.

Kanina ko pa napapansin ang tingin niya samin ni Gavin. Alam kong may sasabihin siya. Nakikita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Nagkatinginan kami at sumenyas siya na mag uusap kami mamaya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Bumaba si Insan sa stage kaya tumayo na kami para salubongin siya.

"Insan!...Congrats!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ako papunta sa kanya sabay niyakap siya.

"Oh my! Thank you Insan!" Hinawakan ko siya sa balikat. Tuwang-tuwa ako dahil alam kong masaya siya. Nararapat lang siyang maging masaya dahil sa mga nangyari  noon.

Okay huwag na nating isipin 'Yon.

"Matutuwa si Tits neto Insan"

"Hindi na nga ako makapaghintay eh!...Oy! Ikaw ha!" Binundol niya ang aking braso. "Bakit naman?"

Bumulong siya sa tenga ko "Taray...ang sweet niyo ni Gavin ah?!...may pa kalimutan-kalimutan kapa noon tapos makikita kitang parang linta kung makadikit sa kanya"

Inirapan ko siya "Ewan ko sayo Insan"

"Ah basta!...may utang ka sakin na kwento. Aba! Kala mo nakalimutan ko?. Hoy! 1 week tayong hindi nagkita kaya naman marami ka saking sasabihin!" Sigaw niya.

"Sige..isigaw mo pa!"

Napahagikhik siya "Huwag kang sumunod sa yapak ko Insan nako! Makakatikim ka talaga sa akin kapag may ginawa kang mali!...ang bobo mo pa naman sa pag ibig. Tatanga-tanga kapa naman-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil binatokan ko siya.

"Grabe ka naman!...Bobo talaga?!" Siraulong 'to porket saksi siya kung paano ako nagkagusto noon kay Gavin hanggang ngayon ay kung makapagsalita naman 'to.

"Bakit hindi ba? Matalino ka nga sa klase pero bobo naman sa pag ibig-"

"Sige....manlait kapa! Punyeta!" Tumawa naman siya saka ako inakbayan.

"Truth hurts Insan. Masakit talaga ang katotohanan. Hahahaha" napabusangot naman ako. Ang loko lalong tumawa.

Lumapit naman samin sina Gavin na nasa akin ang paningin. Uminit na naman ang aking pisnge. Ba't ba lagi na lang siyang nakatingin sa akin? But at the same time ay masaya ako. Dahil sa akin na ngayon napunta ang atensyon niya. Ang atensyon niya na hinihingi ko noon. Ang atensyon niya na pinapangarap ko noon. Na nakamtan ko na ngayon.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon