Chapter 43

2K 45 5
                                    

Chapter 43

Hindi ako makapag focus sa pag gamot ng kamay niya dahil sa kanyang titig. Jusko! Para akong pinagkukuluang tubig. Namamawis ako sa tingin niya. Nandito kami sa harap ng kanyang sasakyan. Nasa loob ang mga bakla para ayusin ang gulo. Mabuti nga't binigyan kami ng first aid kit ni Kuya Carter.

Kanina niya pa hindi inaalis sa'kin ang tingin niya. Naiilang na nga ako eh.

Tumikhim ako "Don't look at me like that" sabi ko na hindi inaangat ang tingin sa kanya.

"Why?"

Kinagat ko ang aking labi. "H-Hindi lang ako sanay na tinitigan ng mabuti"

"Pssh!" Umingos siya. Binawi niya ang kanyang kamay. Nag angat ako ng tingin at nakitang hinubad niya ang kanyang leather jacket.

Napakunot ang aking noo ng ibigay niya sa'kin ito. Tanging sleeve less na lang ang suot niya. Bakat na bakat ang malapad niyang dibdib.

"Ano-"

"Use it to cover your dress" mahinahon niyang sabi.

Umawang ang aking labi.

Ganon na ba talaga ka revealing ang dress ko?

Ngumuso ako at walang nagawa kundi suotin ito.

"Bakit ka pala nandoon Sir? Hindi ko alam na pumupunta ka pala sa bar"  Nilinis ko ulit ang kanyang kamay.

"I'm with my friends. Then I saw you with that bastard earlier. Ikaw? Bakit ka nga pala nandito? How's Kaizer? Pumayag ba siyang lumabas ka?" sunod-sunod niyang tanong.

Ngumiwi ako "Hindi pa sana papayag 'yon kung hindi ako nag suot ng hoddie at panjama"

"Eh? Kung ganon ba't ka naka ganyan?" sabay nguso siya sa damit ko.

Ngumuso ako "Hindi ko hinubad ang dress. Pinatungan ko lang ng hoddie at pajama"

Umawang ang kanyang labi. Hindi siguro niya inaasahan na magagawa ko 'yon.

Kinagat niya ang kanyang labi at napa iling-iling na lang.

"Mukhang nauoto mo ang anak mo ah?"

Umingos ako "Pssh!"

He giggled.

Tumayo ako ng matapos ko ng linisin kanyang kamay "Uuwi ka na ba?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Hindi ko kasi alam kong kelan uuwi ang mga bakla eh"

Tumayo siya at pinagpagan ang jeans "Wala ka bang sasakyan?"

Umiling ako.

"Kung ganon.....pwede ba kitang ihatid ma'am?" Tinitigan niya ako sa mata. Bumilis ang tibok ng puso ko.

I-Ihahatid niya ako?

Bakit naman?

Kinagat ko ang aking labi at nilingon ang bar kung nasaan ang mga bakla.

It's 1:30 Am now. Kailangan ko nang umuwi. Baka hanapin ako ni Kaizer.

"P-Pwede naman" sabi ko.

Ngumiti siya "Okay...."

"Ahmmm....magpapaalam muna ako sa mga bakla"

Tumango siya "I'll wait for you here"

"Okay....sandali lang naman ako"

Tumalikod ako at naglakad papunta sa bar. Inaantok na rin ako kaya kailangan ko ng umuwi. Pagkapasok sa bar ay hinanap ko agad ang mga bakla. Nagulat ako ng makitang nasa isang sofa sila at may kanya-kanyang lalaking hinahaplos.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon