Chapter 40

2.2K 45 6
                                    

Chapter 40 

"Mommy....I don't have a daddy on this upcoming family day" napatigil ako sa pagkain. Inangat ko ang tingin sa aking anak. 

Friday ngayon at sa Monday pa ang Family day na tinutukoy niya. Lahat ng mga magulang ay pupunta. Ang mga bata hanggang grade 10 lang ang pwedeng sumali sa program. 

Nalungkot ako sa tanong niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi na lang siyang nagtatanong kung sino ba ang tatay niya o ano ba ang pangalan ng tatay niya. 

At lagi na lang akong nagsisinungaling sa kanya. 

Tinatanong ko nga ang aking sarili....hanggang kailan ako magsisinungaling? Hanggang kailan ko itatago 'to? Hanggang kailan ko lolokohin ang anak ko? Nasasaktan narin ako. 

"Anak-" 

"No....It's okay. It's just that.....I want to experience that my Father is watching me while performing" nagbaba siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Napabuntong hininga na lang ako at pumikit ng mariin. 

I'm sorry baby....

Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko kayang ipaalam 'to sa ama mong gago dahil alam kong sasaktan ka lang niya. 

This days ay lagi na lang nagtatagpo ang mga mata namin. Parang galit siya lagi kapag nagkatinginan kami. Tinatanong ko nga sa sarili ko.....ano ba ang ginawa ko sa gagong 'to? Kasi sa pagkakaalam ko ay siya ang may kasalanan sa amin. 

Alam ko rin na pupunta sila sa Family day na gaganapin sa lunes. #HappyFamily nga daw sila sabi ng mga bakla. 

Gusto ko sanang hindi pumunta kaso hindi pwede. Hindi pwede ang mga teachers na mag absent sa lunes. 

Namomroblema nga ako. Kahit anong gawin ko, hindi ko sila mapigilan. Pinagtatagpo parin sila ng tadhana. Sigurado akong magkikita na naman sila sa lunes. 

"Mommy....I'll introduce you to my new friend" 

"Really baby?" Mas saya akong naramdaman sa puso ko. Si Kaizer ay hindi palakaibigan. This is his first time na ipakilala sa'kin ang kaibigan niya. 

Nakangiti siyang tumayo "Actually, he's my bestfriend" 

"Oh? Mabuti naman at may kaibigan kana anak! Kailan mo ipapakilala 'yan kay Mommy ha?" nakangiti kong sabi. 

"This monday mommy! I'll introduce him to you" 

"Is it a girl or a boy?" 

Ngumiwi siya "Ofcourse mommy! It's a boy...." 

Tumawa ako "Bakit? Ayaw mo bang mag karoon ng kaibigan na babae?" 

Lumukot ang kanyang mukha "Yes because they're so annoying. They're always make papansin kasi to me! And I hate it!" 

Ako naman ang nalukot ang mukha. 

Kinabahan ako bigla. 

"Anak-" 

"Opps! I'm not gay mom!" pigil niya sa sasabihin ko sana. 

Ngumuso ako. Mind reader pala ang anak ko. Saan niya naman kaya namana 'yon? Hindi naman ako mind reader eh!

"Wala naman akong sinasabing ganon anak-" 

"But you're about to say it" nguso niya. 

Tumawa ako at ginulo ang kanyang buhok. Pinagpatuloy namin ang pagkain. 

NAGLALAKAD ako habang hinakalukay ang aking bag. Hinahanap ko kasi ang aking cellphone. Sabado ngayon at pinatawag kami ng Dean. 

Hindi ko na sinama si Kaizer. At isa pa ay hindi rin sasama 'yon dahil daw magpapahinga siya para may lakas siya sa monday. 

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon