Chapter 2

2.6K 49 0
                                    

Chapter 2

"Insan tara na!"

Hay nako! Ang bagal bagal talaga ni insan. Kanina pa ako naghihintay dito.

"Oo na! Heto na nga!" Sa aming dalawa, siya talaga ang mabagal kung kumilos. Tssk!

Habang nag hihintay kay insan ay nag text muna ako kay savannah.

To savy:
On the way na ako sa school. Kasama si insan.

Send!

Tot! Tot!

From Savy: See you there sis!

To savy: see you!❤️

"Tara na insan!" Tumayo ako at nagpatiuna ng lumabas.

Sumakay kami sa bus papuntang AIS.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating rin kami sa AIS.

"Insan, huwag mong kakalimutan mamaya ha. May trabaho tayo sa club ni kuya carter" tumango naman siya. Tinawagan kasi ako ni kuya carter kanina. Pwedi na daw kaming magsimula sa club niya. As easy as that. Naglalakad kami ngayon papunta sa kanya kanyang classroom.

"Teka insan!"

Nakakunot nuo ko siyang nilingon "Bakit?"

"Si gavin ba yun?" Tinuro niya ang isang bench na nasa gilid namin. Dahil nasa kana ko siya nakaturo ay unti-unti ko itong nilingon.

Malungkot akong ngumiti ng makita ko sina gavin at ate jackie na ang sweet sa isat isa. Kinikiliti ni gavin si ate jackie at si ate jackie naman ay natatawang tinatampal ang kamay ni gavin.

"Ay, ang haharot!" Rinig kong sabi niya.

Umiwas ako ng tingin. Nalulungkot na naman ako. Hindi ko dapat ito nararamdaman. Naniniwala akong mawawala rin ang pagkagusto ko sa kanya. Isa pa, bata pa ako. Nakakatawang isipin na magkakagusto ako sa mas matanda sa'kin.

Bagay na bagay talaga silang dalawa. Nakakainggit lang.

"Tara na" hinatak ko ang braso niya at kinaladkad siya.

"Hay nako, mas mabuti pang layuan mo na si gavin hanggang maaga pa." Nilingon ko siya. Alam kasi neto na matagal ko nang crush si Gavin.

"Hindi ba pweding makipag friends?" Nakanguso kong sabi. Ang sabi ko lang naman yung nararamdaman ko lang ang kakalimutan ko eh.

"Friends? Tapos nasasaktan ka kapag nakikita sila na naghaharotan? Ay ang tibay mo insan ah!"

"Wala namang masama kung makipag friends ako ah. Friends nga! Friends lang!" Tss! Eh anu naman Kong may gusto ako kay Gavin? Este, Kuya Gavin. Hindi parin naman mawawala ang pagkakaibigan namin eh.

"Bahala ka! Nasasaktan ka na nga kapag nakikita mo eh. Eh paano na kapag nakasama mo sila?" Napa isip naman ako. Tama nga si insan, pero isa rin si gavin at ate jackie sa mga kaibigan ko. Hindi naman pwedi na layuan ko sila dahil lang nasasaktan ako.

"Okay lang, mawawala rin tong nararamdaman ko" sabi ko.

Inirapan niya ako "Bahala ka. Kapag ang sakit na, pumunta ka lang sakin" ngumiti naman ako sa sinabi niya. Alam kong mahal ako neto hindi lang halata.

"Oo naman, sayo ako una didiretso"

"Tara na nga, baka malate pa tayo" tumuloy na kami sa paglalakad.

Nagkahiwalay rin kami dahil sa ibang building yung classroom niya.

Pagkapasok ko sa classroom ay nandoon na sina cadmus at cali. Wala pa si savannah.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon