Chapter 19

1.7K 38 0
                                    

Chapter 19

Zan's POV

Sila ang nanalo sa game. Pagkatapos nilang makipagbatian sa mga ibang schools at teachers ay dumiretso na sila sa amin.

Kinakabahan ako....

Dahil sa akin na agad nakatutok ang mga tingin ni Gavin. Ang sama-sama niya kung makatingin sakin huhuhuhu...

"Congrats moron 5!!!"

"Congrats boys!!"

"Congrats honey bunny!!"

"Thanks honey bunny!!!"

Ni hindi ko maibuka ang labi ko. Hanooobatooo!!! Napababa ako ng tingin. Hindi ko kaya ang mga tingin niya. Maslalong tumibok ang puso ko ng huminto na siya sa harapan ko.

"Baby let's talk"

Napapikit ako. Ang husky ng boses niya!!! Hindi ako nakasagot.

"Baby let's talk" napabuntong hininga ako at nag angat ng tingin. Bumungad sakin ang seryosong si Gavin. Nakasampay sa balikat niya ang towel niya.

Nginitian ko siya ng pilit pero ni hindi niya man lang sinuklian!!!! Huhuhuh...bakit ba kasi nakalimutan ko ang sinabi niya kanina?! 'Yan tuloy!

"C-congrats Gav" nauutal ko pang sabi.

"Hmmmm" tumango lang siya! Kinuha ko ang towel na nasa balikat niya at sinimulang punasan ang mukha niya. Nagulat naman ako ng ipalibot niya ang braso sa bewang ko. Napahawak ako sa dibdib niya ng magdikit ang aming katawan!

Kahit pawisan siya ay mabango parin siya. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ang mga titig niya ngayon ay parang may sinasabi na "Lagot ka sakin!"

"I said let's stalk" ulit niya pa.

"A-ah....S-sorry na Gav ka-"

"Not here"

Napatanga ako. Ano?

"Huh?! B-bakit naman?"

"Let's talk in private" binitawan niya ako. Baka ayaw niya sigurong makita ng mga tao kung paano niya ako pagalitan kaya sa pribadong lugar kami mag uusap ngayon.

Kinuha niya ang mga gamit namin at nagpaalam sa mga kasamahan namin. Nakita ko pa si Insan na napatingin sa deriksyon ko. Si Sav naman ay nakatingin ng makahulugan sa akin. Alam ko na ang mga tingin niyang iyon. Tumango ako.

Kinakabahan ako ngayon...dahil alam kong sisigawan ako ni Gavin! Ansakit niya pa namang magsalita huhuhuhu...

Bad girl na ako huhuhuh...

"Let's go" kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad ako. Ang seryoso niya ngayon. Naging mahirap para sa amin makalabas. Marami kasing humaharang na mga babae kay Gavin upang bumati.

"Gavin!!" Napahinto kami ng sumulpot sa aming harapan sina Daphny. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Nagulat rin ako ng makita si JACKIE!!! Naka damit sila ng cheering squad. Ang sexy-sexy nila ngayon sa mga damit nila. Magaganda rin sila lalo na si Jackie! Ramdam kong nagulat si Gavin sa aking tabi. Tumibok naman ang puso ko sa kaba.

Napabitaw siya sa aking kamay. Nanlumo naman ako dahil don. Talo talaga tayo kapag dumating ang nauna.

"J-jackie"

"Gavin! Congrats! Where's drew pala?" Singit ni Daphny.

"A-ah...they're in VIP seats. Punta lang kayo doon" sagot naman ni Gavin. Pero ang paningin niya ay na kay Jackie. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa tinginan nilang 'yon. Parang silang dalawa lang ang tao sa court kung magtinginan sila.

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon