Chapter 30

1.9K 37 0
                                    

Chapter 30

Zan's POV

Kumakain kami ngayon ng hapunan. Busog pa ako kaso pinipilit ko lang kumain para hindi nila mahalata na may nararamdaman ako.

"Don't you like your food baby?"

Nag angat ako ng tingin kay mommy ng magtanong siya. "H-Hindi po mommy"

Lahat sila ay nakatingin sakin. "Busog po 'yan Tita dahil kinain niyan ang isang pack ng French Fries at isang galon ng Ice cream!" singit ni Insan!

Kahit kelan talaga 'to! Pahamak!

Napasinghap si mommy't daddy. "Really? Naubos mo 'yon anak?"

Napanguso ako. "Ginutom po kasi ako-"

"Oo nga Tita! Nagiging patay gutom na itong anak niyo. Madamot po siya kanina sakin!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh, binilhan ka naman kanina ah?! Anong inuungot mo diyan?!"

"Zandria! Jasmine!"

Napayuko ako sa tinig ni Daddy. Napaka authorative.

"Stop shouting, the food is infront of us. It's disrespectful"

"Sorry po tito"

"Sorry daddy"

Sabay pa naming sabi.

"It's okay. Don't do that again okay? Sumigaw kayo kapag hindi niyo kaharap ang pagkain" tumango kami.

"Oh! Your birthday is near baby! What do you want for your birthday?" Basag ni mommy sa tensyon.

"Oo nga anak? Anong gusto mong gawin sa birthday mo? You're turning sixteen, Sweet sixteen" si Daddy.

"Oo nga Insan. Magpahanda ka ng bongga-bongga. 'Yong parang debut ba"  saad ni Insan.

"What do you want li'l sis? We'll give it to you right away" sabi ni Kuya. Hinaplos ko ang tiyan ko.

'Isa lang naman ang gusto ko sa birthday ko eh'

'Ang makasama si Gavin at masabi sa kanya na buntis ako'

"Simpleng salo-salo lang po mommy" sabi ko.

"What?!" Silang lahat.

*_*!

"No! I want it to be the best birthday of the year! Kelangan bongga!" Maarteng sabi pa ni mommy.

"That's right! I will introduce you to my business partners on your birthday. We'll be having a grand birthday celebration"

"That's a good idea dad" singunda ni Kuya.

Oh no!

"Kyahhh! Bongga 'yon Insan! Tapos may pa gown-gown pa!" Tili ni Insan.

Napalunok ako. Magiging busy ako niyan eh! Hindi ko makakasama si Gavin.

"P-Pero-"

"No buts! The party is on me" pigil ni mommy sa sasabihin ko sana.

"Tutulong po kami nina Sav at ang dalawang bakla Tita!"

"Dalawang Bakla?"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. 

"Hala! Hindi niyo pa po pala nakikilala ang mga kaibigan namin. Dibale po at ipakilala namin sila sa inyo" ang ingay talaga neto.

"Okay! I want to meet them!"

"Kilala napo sila ni Kuya Ced, kayo na lang po ni Tito ang hindi"

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon