Chapter 27

1.5K 39 0
                                    

Chapter 27

Zan's POV

Isang buwan ang nakalipas....

Nabangon ako at bumaba sa kama. Parang may humuhukay sa tiyan ko na ewan. Tumakbo ako sa banyo at doon dumuwal.

"Arckkkk!! Arckkkk!!" 'Tunog ng nagduduwal 'yan! Huwag kang ano!'

"Arckkkk!!" Napahawak ako sa inidoro. This days ay ganito na ang pakiramdam ko. May nakain siguro ako na hindi maganda.

Napaupo na lang ako sa sahig pagkatapos dumuwal. Kiaga-aga sumasama ang pakiramdam ko. May klase pa naman ngayon.

Nag stay ako ng ilang minuto doon. Tumayo narin ako dahil kelangan ko ng maligo. Hindi ako pwedeng ma late!

Naligo ako at nagbihis ng uniform ko.

"Oh? Kumain kana. Sabay na tayong pumasok" bungad ni Insan pagkababa ko. Umupo ako sa upuan at hindi siya pinansin.

"Bukas na pala ako babalik ng trabaho. Mag ingat kayo dito ha?" Si Tits.

"Bukas pala ay doon na tayo titira kina tita Carolin Insan!! Kyahhh! Excited na ako!" Tili ni Insan. Sumandok lang ako ng kanin.

"Ba't ang tahimik mo naman ata?!" Tinignan ko sila.

"Hindi lang maganda ang gising ko" sabi ko.

"Baka may sakit ka? Huwag kana lang munang pumasok!" Sabay pa nilang sabi.

Umiling ako "May summative test kami sa science bukas. Baka may ma missed akong topic na lalabas bukas sa test paper"

"Ay ganon? O siya, sabihin mo lang sakin kong masama ang pakiramdam mo ha? E-Excuse kita sa teacher mo" tumango lang ako.

Sabay kaming kumain. Pagkatapos kumain ay pumasok narin kami ni Insan.

Nag bus kami papuntang AIS.

"Tawagan mo ako kapag sumama ulit ang pakiramdam mo ha?" Si Insan. Tumango naman ako.

"Paulit-ulit?!"

"Ewan sayo! Nag alala ako eh!"

"Tss! Don't worry, kaya ko si self"

"O siya, papasok na ako sa klase ko! Mag ingat ka!" Kumaway lang ako. Dumiretso ako sa building namin at pumasok sa room. Nandoon na ang mga classmates ko.

Pabagsak akong umupo sa tabi ni Cadmus na naglalagay ng liptint.

"Ay? Haggard overload teh?"

"Problemado ganern?"

Hindi ko sila pinansin.

"Ay snober?! Naka bingwit lang sa limang prinsipe snober na?"

"Hi bes!" Tumango lang ako kay Sav.

"Anyare naman sa'yo?!" Tanong ni Cali.

"Masama lang ang gising ko" sabi ko. Isinandal ko ang batok sa upuan at ipinikit ang mga mata ko. Inaantok ako.

"Halata naman sa itsura teh"

"Tse! O siya, ngayon daw tayo papatayin sa topic ni Ms. Kaye. Alams mo na? Bukas na ang summative test! Fourth Grading na kyahhhh!"

"Jusko! Dumudugo ang utak ko sa Science! Okay lang sa TLE kerybells pa pero Science?! Science 'yon sis!" Sabi ni Cali.

Ako? Wala naman akong problema sa lahat ng subjects. Nasasabayan ko naman. Nasasagotan at naipapasa.

"Grading recitation daw ngayon!" Sabi ni Sav.

Nagulat naman ako? Iniba niya na naman?! Kahit kelan may sapak din 'to si Ms. Kaye eh! Nakakatamad pa namang tumayo!

Sweet Sixteen [R-18] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon