Chapter 4 Friend

929 29 2
                                    

Chapter 4

Friend

"How are you?" Ate Penrose asked the moment I picked up the phone.

Kalagitnaan nang linggo na iyon nang tumawag siya. Hindi ko inaasahan kaya hindi ako gaanong nakapaghanda.

"I'm okay... ikaw? Bakit ngayon ka lang ulit tumawag?"

"I'm busy. I heard you're working in La Granja de Flores for your internship?"

Hindi ko inaasahan iyong tanong niya. Kung paano niya nalaman, well she said she have ways.

"Oo..."

Walang nagsalita sa aming dalawa. Gusto kong magtanong kung ano n ang balita o kung... ano nang nangyari sa ginagawa niya? Hindi ba hinahanap daw yung pumatay sa magulang namin?

I heard her sighed. "Uh... anong nangyari sa..." hindi alam ang tamang salita, "Ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong.

"I'm planning about it."

"Plan?"

"Hanggang kailan ang internship mo?"

Napabuga ako sa hangin nang ibahin niya ang topic. Napaupo ako sa kama, nararamdaman ang pagod dahil sa ginawa maghapon.

"Second week of March..."

"Graduation?"

"First week of April."

"You should sleep. It's getting late."

Napakurap ako, "O-Okay."

"Goodnight Aio."

"Goodnight..."

Napabuga ako nang hininga pagkatapos nang tawag. Saglit pa akong natulala. Kahit ano ay wala parin siyang sinasabi sa akin. Kahit pangalan nang aming magulang. She said it's for me to be safe. Is our family really in danger?

If she could find me, did she do it for the past year or just... recently? Kung talagang ayaw niya akong madamay bakit pa siya nagpakita? Not that I am not happy to see her, but I am just curious. Nagpakita nga siya, pero nakadagdag lang iyon sa madami kong tanong.

Naligo ako at nagbihis na ng pantulog. Hindi naman ako nahirapan matulog dahil sa pagod. Noong nakaraang linggo pa iyong pagsabay ko Javier noon. Buti nalang ay hindi na ako bumalik nang school dahil baka may magtanong po kung bakit magkasama kami.

Hinatid niya pa ako sa bahay noon at buti wala sila Mama kaya wala ring nagtanong. Hindi ko naman kasi alam ang tamang isasagot.

I wore a black cropped top closed buttons cardigan and a pair of skinny slacks. Nilagay ko sa bag iyong overalls ko at sa paperpag ang boots. Nang marinig ang busina nang sasakyan ni Casimiro ay bumaba na ako.

Nasa farm sila Papa kaya hindi na ako nakapagpaalam. Nagusap naman na kami kanina. Nang makapasok sa kotse ay kaagad din naman kaming umalis. Hindi mahaba ang byahe papunta roon kaya mabilis din kaming dumating.

Joshua is already at the farm, and my best friend's eyes twinkled at sight. Napailing nalang ako at nagbihis na.

"Papi talaga." Bulong ni Casimiro sa akin nang makapasok kami sa isa sa mga greenhouse.

Javier is already there, talking to some of the workers. Nang mapansin kami ay kaagad kaming nilingon. Nahanap niya ang mata ko kaya tinuon ko ang tingin sa ibang bagay. Matapos noong weekend ay hindi ko na siya nakita nitong nakaraan dahil madalas daw sa office.

Nasabi sa akin ni Miss Gail na kung nandito si Javier sa farm ay saka ko nalang samahan, kapag sa office ay hindi na kailangan. Buti nalang. Pero ngayong nandito siya sa farm?

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon