Chapter 25 Negotiate

547 14 0
                                    

Chapter 25

Negotiate

Tinawagan ko si Kyle na sa Park nalang kami magkita matapos ang tagpo ko kay Javier. I needed to calm down so Kyle wouldn't suspect anything happened. Sigurado akong magaalala iyon, kung hindi ay iinisin lang ako.

Nang magkita kami sa parke ay tumuloy na kami sa Pepper Grill para kumain, it was supposed to be at the café pero sabi ko nalang ay madaming tao ngayon doon.

"The last time we're here I asked you if you have a boyfriend, ang sabi mo wala. Four years later, wala pa din?" nanunuya niyang sabi habang kumakain kami.

Kinunutan ko siya ng noo dahil nagsisimula na naman siya sa mga biro niyang ganyan.

"Wait, hindi pa ba kayo ni Javier noon?" inosente pero nahihimigan ko pa din ng kalokohan ang boses niya.

"Kyle!" naiinis ko nang sabi. He laughed and swallowed a mouthful.

Kung alam lang niya na siya yata ang unang dahilan ng misunderstanding namin ni Javier noon. I sighed and shook my head. I looked down to finish my food while Kyle is not stopping from his stories and jokes.

"Ikaw? Wala ka din naman girlfriend ah?" sabi ko nang matapos ako.

Ngumisi niya sa akin, "Sure ka ba diyan?"

I pouted a bit and lean on the table, "Anong sure ka ba diyan? May girlfriend ka?" dismayado kong tanong.

He wiggles his eyebrows and watch my reaction, when my face frowned more, he laughed and drink his water. Nanatili ang tingin ko sa kaniya at hinihintay sa sasabihin niya. I would feel betrayed if he ever has a girlfriend! Dapat ay alam ko.

"Wala..." sagot niya.

"Wala pa?"

He nodded, "Wala pa..." he leaned closer and wiggled again his eyebrows.

I sighed and think of words to say, "Dapat alam ko iyan Kyle. Ako dapat unang makaalam..." nagtatampo kong sabi.

"Baka kasi mag selos ka."

My face winced at the thought, natawa lang siya ng malakas. He always like teasing me at that sudject, he also continuously telling me to find a boyfriend so I can move on already. Ang sabi ko naman ay move on na ako pero sadyang hindi naman siya naniniwala. Hindi naman kasi talaga totoo.

Matapos kumain ay dinala ko si Kyle iba pang land fields na may magandang tanawin dito. Dinala ko din siya sa The Tops na kadalasang dinadayo ng ilan para makita ang skyline ng bayan. The view is actually breathtaking.

Parang bata nga si Kyle na picture ng picture habang nandoon kami. He also took a picture of me while I'm looking at the view. Inistory niya pa iyon sa instagram niya, parang bata talaga.

We just tour around the whole time kaya nang makabalik ako sa bahay ay diretso tulog na ako sa pagod. Natawa nalang si Mama sa akin kinabukasan dahil hindi na ako makausap kagabi. We'll meet Mr. Anderson later at lunch at sasamahan ako ni Kyle.

I wore white long sleeves with embroidered scalloped edge at the neckline and mini buttons downwards. It is also ruched at the end of the sleeves that I think it perfectly fit a faded denim jeans. I put a necklaced to complete my outfit before going down.

Ginamit ko iyong sasakyan ni Papa at pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Kyle. When I get there, he greeted me I let him drive to next town to meet Mr. Anderson. Medyo mahaba ang byahe dahil traffic sa ilang bayan.

Buti nalang ay wala pa ang ka meeting namin doon nang dumating kami. We ordered drinks first at naghintay saglit hanggang sa dumating si Mr. Anderson. He looked a typical old American citizen. With white hair, tall height and huge built he greeted us with a smile.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon