Chapter 18
Graduation
Hindi pa ako nakakahinahon ay tumunog na ang cellphone ko para sa isang tawag. Lalong naghuramentado ang aking puso ng makita ang pangalan ni Javier doon. I tried to calm myself by doing long and heavy sighs but I guess it doesn't work everytime.
"H-Hello..." napapikit pa ako habang nakaupo sa dulo ng kama. Tahimik sa kabilang linya at hindi siya nagsasalita, "Javier?"
"Bakit mo ako tinakbuhan?" mababa ang boses niya at halos pabulong.
I bit my lip, "Uh... bakit? May sasabihin ka pa ba?"
I heard him sighed, "Right. You left me speechless."
"Huh?"
Tumambol ang puso ko sa katahimikan pagkatapos. It wasn't awkward. It's the kind that's comforting and familiar. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ang puso ko sa simpleng tawag at sa simpleng ganito.
He chuckled, "Nandito pa din ako."
Nanlaki ang mata ko at agad dumungaw sa bintana. Naabutan ko na siyang nakaangat ang tingin sa taas ng bahay kaya pagsilip ko ay nagtama kaagad ang aming mata. My heart went crazy I think I'll faint.
Seryoso ang tingin niya na may bahid ng pagngisi at tila pinipigilan lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya parang nanigas ako doon at pilit nilalabanan ang titig niya.
"Gusto kitang akyatin diyan,"
My eyes widen at what he said over the phone. Nakita ko ang pagngiti niya sa baba marahil sa reaksyon ko. Hindi ko talaga alam bakit lagi akong nahuhulog sa mga ganitong biro niya. Hindi na ako nasanay.
"Tumigil ka nga."
His lips twitched.
"I'll go now..." he slowly said.
Napakurap ako at bahagyang tumango. Dapat nga kanina pa. Pero okay lang rin na hindi.
"Okay..."
Lumipas ang araw na ganoon ang nangyari sa amin ni Javier. He'll pick me up after class and we'd go to some place to eat kaya sinasadya kong hindi kumain ng madami sa school para makakain akong kasama siya.
Casimiro is busy with their thesis, kung kailan malapit na ay saka sila ngayon nagmamadali. Tinatawanan ko nalang siya kapag nagk'kwento. Minsan din kaming nagkita ni Joshua sa school. Iyon nalang ulit pagkatapos ng internship namin. I'm glad we somewhat became friends.
Sa loob ng tatlong linggong iyon ay thesis at requirements and practice for graduation ang inatupag namin. Nasanay na si Mama at Papa na hinahatid ako ni Javier pauwi kaya hindi naman na ako nababahala.
Madalas kapag nagtatagpo si Papa at Javier ay naguusap sila. Mukha naman silang okay kaya hindi ko mapigilan ang maging masaya. Javier looks like he's really good at what he's doing. Alam kong hindi niya sineseryoso ang mga babae noon kaya namamangha parin ako kapag may ginagawa siya para sa akin.
He looked cool when talking to my parents. He shows respect and he never failed to assured them that I'm always safe with him. Hindi man sinasabi sa akin ni Papa pero nakikita ko naman na kampante siya kay Javier.
Kahit hindi niya kasi sabihin noon ay alam kong nagaalinlangan siya nang maging kami ni Javier. Javier is a Buenavides. The Buenavides. Kung ikukumpara talaga sa amin, sa akin, malayong malayo.
But never did Javier makes me feel that way, kaya kahit papaano ay hindi ko iyon pinoproblema. Isa pa, nagsisimula palang kami. Marami pang pwedeng mangyari. We can break up. But silently, I'm wishing we wouldn't. Iisipin ko palang, tingin ko masasaktan ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...