Chapter 10
Feel
Hindi malayo ang byahe patungo sa falls. Dumating ang sabado at mas excited pa sa akin si Casimiro para sa pupuntahan. Iilang beses palang kasi siya napunta doon dahil dito iyon sa amin. Dave is from here too so he probably recommended this trip.
The falls is not quite popular for the tourist but it is for the locals. Masyado kasing tago kaya hindi masyadong natutuklasan ng mga turista. Karaniwang mga taga rito lang din ang madalas dito. The whole scenery is filled with big narra and bamboo strees.
Malilim kaya lalong masayang pumunta para maligo o simpleng mamahinga lang. There are three big nipa huts that were provided by the town's government. There are also some bamboo chairs around.
"Ang ganda naman dito!" Mori said while looking around.
Namamangha sa mala kulay asul at berdeng tubig. The sounds of the flowing waters blends with the groups astonished gasps. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila. I put my things inside the nipa hut near the entrance.
"Madalas ka dito Aio?" Miguel asked as he removed his shoes ready to take a dip.
"Hindi naman madalas pero maraming beses na akong nakapunta dito..."
"Walang falls sa amin na ganito kalapit! Sayang!" tumawa siya at niyaya na si Mori na maligo.
"Sabay kami ni Aio mauna ka na!" sigaw pabalik ni Mori at pumasok sa nipa hut. Napasimangot naman ang huli.
"Okay okay I'm ready!" nagulat ako ng sumigaw si Casimiro.
Nakapagpalit na siya ng ganoong kabilis. Kaya pala biglang nawala. He's wearing a swimming trunk and a muscle tee. Wala namang muscle.
"Let's go Aio! Hoy Joshua huwag ka nang mahiya tara na!"
Nilingunan ko si Joshua na nasa may malayong gilid, he's watching and smiling awkwardly. Hindi niya kasi kilala ang mga ito, nagtataka nga ako at pumayag siyang sumama. It's not that I don't want him here, but if I was him, I won't come.
Narinig ko ang paghampas ng tubig at nakitang si Casimiro iyong tumalon.
"Ang lamig girl!" he screams.
Napatawa ako at si Mori na nasa tabi ko na. I saw Joshua walking towards us, nginitian ko naman siya.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
"Oo."
"Nakikita na kita dati e!" singit ni Mori.
"Talaga?" I asked her. Ako kasi ngayon ko lang talaga nakita ang mukha ni Joshua.
"Oo. Wala ka naman kasing tinitingnan na iba Aio si Casimiro nalang lagi laman ng mata mo!" napailing ako at sinabayan siya sa tawa.
"Any plans after graduation?" si Mori.
Hindi ko alam kung para sa akin iyon o kay Joshua pero umiling nadin ako. I have plans, but I really don't know what to do next. I want to try in La Granja but I just can't focus on one. Hindi porket nag internship ako doon ay makakapasok na ako.
I need to find other company that will cater whatever I specialized in. Gusto kong magtrabaho at makaipon dahil balak kong palawakin ang flower farm namin.
"Hindi ko pa alam..." nagsalita ako ng hindi sumagot si Joshua.
"Same!" Mori giggled.
Napalingon ako kay Joshua nang may maalala.
"May five hectares flower farm nga pala kayo..." sabi ko na parang natanto na siya siguro ang mamamahala noon after niya grumaduate.
He chuckled and Mori tilted her head to looked at us, obviously curious.
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...