Chapter 13 Macimilian

715 13 3
                                    

Chapter 13

Macimilian

Sinubukan kong maupo galing sa pagkakahiga. He softly held me and helped. Nang makaupo ng maayos ay nagangat ako ng tingin sa kaniya. He has dim expression and that made me anxious. Siguradong nakarating sa kaniya ang pagabsent ko kung sinabi ni Casimiro kay Miss Gail iyon.

Ngayong nandito siya, sigurado din akong alam niya kung bakit ako nandito. Napalunok ako ng gumalaw siya at mas lumapit sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya.

Unang tanong palang, hindi ko na alam ang isasagot. Ayaw ko lang isipin niya na mapili ako sa pagkain. That doesn't sound right though. I just don't want to waste his efforts. Halos lahat ng putahe may hipon, kung sasabihin ko iyon, lahat aalisin? Sayang.

Napapikit ako at napayuko, halata naman yata masyado na gusto ko siya?

"S-Sorry..."

He sighed.

"I was so worried. Hindi ko kaagad nalaman na absent ka. Nang hinanap kita sa farm, wala ka at noon lang nabanggit sa akin ni Gail. You could've told me last night..."

"But you planned everything. Ayaw kong masira iyon..."

His jaw clench as I looked up to him.

"You always come first." Matigas niyang sabi.

Napanguso ako dahil wala nang masabi. Mali talaga ako at aminado naman din ako.

"Huwag mo nang uulitin iyon. Paano kung mas malala dito ang nangyari?"

Hindi lumalambot ang ekspresyon niya at para pading galit, I pursed my lips and look away. I know I'm at fault but I can't help but to feel sad. Ayaw ko lang naman talaga maabala pa ang date naming kagabi. And I didn't expect na magiging ganito din kalala.

Akala ko kaunting pantal lang dahil hindi naman talaga ako kumain. I guess kahit katas yata ng hipon hindi pwede sa akin? Ang hirap naman noon.

"I-I'm sorry..."

He slightly pulled my head that makes me look at him.

"I'm not mad," he said, "I'm worried..."

Mabagal akong tumango, "Naiintindihan ko..."

He crouched a bit, "How are you feeling? Maayos ka na sabi ng doktor pero wala bang masakit sa'yo?"

Umiling ako, bukod sa medyo nanghihina ako ay mas maayos na ang pakiramdam ko kumpara kaninang umaga.

"Maayos na ako. Anong oras na ba? Sila Mama?"

"Umuwi sandali. Babalik sila mamaya dahil pwede ka nang lumabas. It's past lunch time, we should eat."

Kaagad siyang kumilos at inayos ang isang paper bag na nakalagay sa mesa sa gilid ng kama. Pinanood ko siya habang ginagawa iyon.

"Kanina ka pa dito?"

"I came here before noon. Hinanap kita sa farm para sabay tayong kumain ng lunch kaya nalaman kong hindi ka nakapasok."

Napanguso ako para itago ang ngiti. Hindi ko alam kung matutuwa ako doon dahil kung nagkaton na nandoon ako, sabay kaming kakain? Nakakahiya.

Inayos niya ang overbed table at ipinatong doon ang pagkain.

"I bought it on the way here. I hope it's fine."

As long as walang hipon.

He blows the soup before leaning me the spoon. Napaatras ng bahagya ang ulo ako.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon