Chapter 11 Date

642 19 0
                                    

Chapter 11

Date

Hindi ko sineryoso ang tanong niya. I tried to tell him we should go. Ayaw kong isipin na sa isang simpleng tingin ay parang nababasa niya ako. Tiningnan ko lang siya sa mata at natanong na niya kaagad iyon?

Ganoon ba ako kahalata? Nakangisi parin siya sa akin hanggang sa makarating kami sa sasakyan. It's already past five o'clock. Wala namang text sa akin sila Papa pero kinakabahan parin ako dahil hindi naman ako nakapagpaalam na magkasama kami ni Javier.

"You'll do your report tomorrow?" tanong niya nang pabalik na kami.

"Oo."

"I'll just text you."

"Hindi ako magrereply."

Natawa siya, iniisip siguro na hindi rin ako makakatiis at rereplyan siya. He's right though.

"Sanay naman ako. But I'll miss you. Should I go to your house tomorrow?"

Mabilis akong napatingin sa kaniya, "Magrereply na ako,"

He smirked at me and chuckled a little. Alam na alam niya talaga kung ano ang mga tamang salitang sabihin.

Nakarating kami sa bahay at nagulat ako ng bumaba siya. Pababalikin ko na sana siya pero nalingunan kami ni Papa at Mama na mukhang galing sa farm at papasok sa bahay. They were talking to some workers kaya siguro hindi sila sa likod ng bahay dumaan.

Kumalabog kaagad ang puso ko ng matagpuan nila ang mata ko. Napakunot ang noo ni Papa habang pinagmamasdan kami. May sinabi siya sa kausap at tumango naman ito at nauna nang umalis.

I told them I'm with Casimiro and other friends and not with Javier. Kaya tingin ko ay iniisip nila kung bakit ito ang kasama ko ngayon.

"Magandang gabi po," bati ng kasama ko nang makalapit kami at nasa bakuran.

"Bakit ngayon ka lang Aio?" malumanay pero seryoso ang boses ni Papa.

Napatingin ako kay Mama at binigyan lang ako nito ng isang tipid na ngiti.

"N-Nagkita kami sa café ni Javier, Papa..." panimula ko na hindi ko alam kung paano tatapusin.

"Inaya ko po siyang kumain Sir. Pasensya na po kung hindi kami nakapagsabi kaagad. Hindi na po mauulit."

My father nodded, "Kayong dalawa lang ang magkasamang kumain?" direkta ang tanong sa akin ni Papa.

Oo lang ang sagot pero hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong sagutin iyon.

"Ernesto..." I heard my mother as she caresses Papa's arms.

Napalunok ako sa kaba sa titig ni Papa sa akin. Ni hindi ko matingnan si Javier para humingi ng tulong dahil sa takot na baka magalit ng tuluyan si Papa. Nanahimik ang paligid nang walang nagsalita. Javier eventually cleared his throat.

"Pasensya na po Mr. and Mrs. Escribaño. Pero gusto ko po sanang ipaalam na liligawan ko ang anak ninyo."

Hindi pa kaagad nagproseso iyon sa akin kaya nakita ko pa sa aking harapan ang gulat na ekspresyon ni Mama at ang pagtalim ng tingin ni Papa. I gasp and slowly turn to Javier. Nanatili ang tingin niya sa aking mga mgaulang.

"Ano ba iyang sinasabi mo?" mahina kong bulong sa kaniya at nang humarap siya sa akin ay nginisihan lang ako.

Gusto ko nalang siyang iwan magisa dito at tumakbo sa loob. Mas nauna ko pang inisip ang pwedeng sabihin ni Papa sa katotohanan na gusto akong ligawan ni Javier!

This is so ridiculous. I can't think straight.

"Hindi ako manghihimasok sa desisyon ng anak ko diyan..." in a slow and calm voice, my Papa stated. Hihinga na sana ako ng maluwag pero bumalik ang tingin ni Papa sa akin.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon