Chapter 29
Dating
Dumating si Damian pagkatapos sabihin iyon ni Javier. Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako dahil doon. Hindi ako nagsalita at mukhang nakalimutan na kaagad ni Ate Aisa ang pinaguusapan namin nang makita si Damian.
After some more talks, we ate the cupcakes at the living room while Ate Aisa is talking about anything. She asked a lot of questions too. Buti nalang ay hindi personal ang mga iyon kaya hindi naman ako nahirapang sagutin.
Nagpasundo ako kay Kyle ng araw na iyon dahil hindi ko na kakayanin pa kung ihahatid na naman ako ni Javier. I'm not assuming that he'll offer a ride pero mabuti nang sigurado.
"Susunduin ka ni Kyle?" tanong ng pinsan ko nang makitang nakatutok ako sa aking cellphone.
I glance at her before answering, "Oo. Papunta na daw siya."
She teased me with her smile but I didn't say anything.
"Looks like he has a lot of time." Damian said, making me turn to him.
Nasa garden na kami ngayon sa harap ng bahay nila. Ako ang unang nagyaya na umuwi na dahil may pasok pa sa trabaho bukas. Sabi ni Javier na aalis na din siya pero hindi ko alam bakit hanggang ngayon ay nandito pa ito.
"Uh... oo nga..." iyon lang ang nasagot ko kay Damian dahil hindi ko talaga alam kung paano sesegundahan iyon.
Wala rin naman pasok sa trabaho si Kyle ngayon, but he's in a higher position so I'm sure he has many things to do. Nasanay lang talaga ako na siya ang hinihingan ko ng tulong kapag napupunta ako sa ganitong sitwasyon.
Hindi naman din kasi siya tumatanggi. Well sometimes, but he always tells me what to do and makes up for it, kahit hindi naman talaga niya kailangan dahil hindi niya ako responsibilidad.
Nang may marinig na sasakyan na huminto ay mabilis akong tumayo. I hurriedly bid my goodbye. Sinasadya kong bilisan para hindi na bumaba pa si Kyle at humaba pa ang usapan. Halos hindi ko na nasundan pa ang pagpapaalam ng pinsan ko dahil dali dali na akong lumabas at sumakay ng sasakyan.
Halos kapusin pa ako ng hininga ng makapasok. I sighed and buckled my seatbelt.
"Anong nangyari?"
"Tara na." mahina kong sabi, nagmamadali pa din.
Naningkit ang mga mata sa akin ni Kyle bago nagabalang tumingin sa labas. Sakto ang paglabas ng Javier doon at pagpunta sa sasakyan niya na nasa kanang bahagi ng kalsada. Nilingon ako ni Kyle na may ngisi na sa labi.
"Ilang beses mo akong gagamitin sa ganito?" parang naghihimutok na tanong niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
He chuckled and shook his head.
"Bakit iyan nandito?" tanong niya ulit na parang hinuhuli ako.
"H-Hindi ko alam..." I looked at his accusing eyes, "Nagkita kami sa café at gusto daw akong kausapin tungkol sa lupa. Sinamahan niya ako dito pero ayaw ko naman. Mapilit lang siya."
Nakakaloko niya akong nginitian na halos nakakainis na. Hindi ko alam ang iniisip niya pero totoo naman ang sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at sakto iyon kay Javier na nasa kabilang kalsada na lantad na tinitingnan ang sasakyan na kinaroroonan namin.
Kumalabog ang dibdib ko sa paraan ng tingin niya na parang nakikita niya ako kahit tinted itong sasakyan. Napalunok ako at kinakabahan na tumingin kay Kyle.
"Tara na Kyle..." I even tapped his hands.
Sinunod niya naman ako at nagdrive na paalis. Naging busy kinabukasan sa trabaho kaya wala na akong time isipin ang tungkol sa lupa ni Mr. Anderson. Lumipas naman ang araw na hindi ako kinukulit ni Javier kaya tingin ko ay hindi na problema iyon.
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...