Chapter 22
Cousin
"Pagkatapos no'n nagstay lang ako sa Laguna. I came here just months ago..." huling sabi ko kay Casimiro matapos ikwento sa kaniya ang nangyari makalipas ang apat na taon.
He narrowed his eyes and wiped the few tears that touch his cheeks, "Galit pa din ako sa'yo 'no! Ngayon ka lang nagpakita sa akin cachorro!" he sips in his drink and push back his imaginary hair.
Malungkot akong ngumiti dahil hindi ko naman inaasahan na hindi siya magagalit sa akin. Matapos kong umalis noon ay hindi ko na siya kinontak o anu pa man. Ngayon lang talaga ulit ako nagparamdam sa kaniya.
Kyle and I talked and asked me if I want to stay here in Manila so I'll be closer to him. Dito kasi sa hotel and resort nila dito sa Manila siya nagt'trabaho. It's been years and I moved on from everything that happened.
Kahit papaano ay natutunan ko nang hilumin ang sugat dahil sa nangyari noon. Being away from all of it helped. Sa katunayan, kinulit na talaga ako ni Kyle na dito na sa branch sa Manila ako magtrabaho. Nahihirapan na daw siyang pabalik balik sa Laguna para puntahan ako.
I just laughed and agree. Naaawa din naman ako sa kaniya dahil lagi siyang bumabyahe ng mahaba para lang mapuntahan ako. I actually came to love Laguna, but I think it's also a good thing to move. Lalo pa at mas mapapalapit ako sa aking mga pinsan.
"You told me you already went to your cousins? Ano nga ulit pangalan nila?"
I chuckled a bit, "Aisa and Giovanni. I met them months ago. Noong una akong bumalik dito. Mababait naman sila kaya walang naging problema."
Nagtatampo pa nga si Ate Aisa dahil bakit ang tagal ko daw bago sila harapin. I'm just scared and a bit mad that's it. Gusto ko lang makalimutan muna ang nangyari bago ko sila harapin para kahit papaano ay hindi ako magtanim ng galit sa sariling pamilya, lalo na at wala naman din silang alam sa nangyari.
"Pero ako ngayon mo lang kinita!" pagtatampo na naman niya.
I missed Casimiro so much. Apat na taon kaming hindi nagkita pero kahit ganoon ay nararamdaman ko parin ang pagiging komportable sa kaniya. I thought he wouldn't come actually.
Akala ko ay galit siya sa akin ng sobra at hindi na ako kakausapin. I contacted him through email. Nakita ko iyon sa facebook account niya nang inistalk ko siya gamit ang facebook ni Kyle dahil hindi ko na binubuksan pa iyong sa akin.
"I'm sorry..." malungkot kong sabi. "Alam kong galit ka sa akin pero namiss talaga kita..."
He glared at me for second before he jumped out of his seat and hugged me. Natawa ako at nakahinga ng maluwag. He was my only friend back then. I am so thankful that I had him in my life. Hindi man maganda ang nangyari noon pero natutuwa ako dahil tanggap niya pa din ako.
"Cachorro alam mo namang hindi ko kayang magalit sa'yo... nakakainis ka!" I pulled away and saw his red eyes because of his unshed tears.
I smiled and hugged him again. Natawa siya at hinampas ako ng bahagya.
"So dito ka na nga sa Manila for good?" tanong niya ng makabawi.
I nodded, "Oo. I worked under Kyle's company..."
Naningkit ang mata niya at malisyoso akong tiningnan. "Kyle, huh? Anong meron?"
"Anong meron?" nangunot ang aking noo.
"Sus! Mag d'deny ka pang gaga ka ang tanda na natin! Jowa mo na iyon?" nakangisi na siya sa akin ngayon at umaalon ang kilay.
Napailing ako, "Hindi Casimiro. Magkaibigan lang kami..." mabagal kong sagot.
BINABASA MO ANG
Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)
RomanceMacimilian Series #2 Azalea Iolanthe Escribaño likes to live in the soft wind and touch of their small flower land. Everything about her screams gentleness and sweetness. Hindi maipagkaila na isang babaeng hindi makabasag pinggan. Despite her unreco...