Chapter 6 Mad

877 27 1
                                    

Chapter 6

Mad

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang tingin naman niya sa akin ay tila hinahamon ako. Napakurap ako at naiwas ng tingin. Bakit kailangan niya ng number ko? Nanatili siyang nakatingin sa harap ko at pinagmamasdan ako.

Narinig ko ang tawag ni Papa kaya napapitlag ako. I heard his chuckle. Napabuga ako ng hangin at hinarap niya.

"Go inside. I'll go now." He stated.

Nalito pa ako sa gagawin kaya napangiti siya. Kalaunan ay tumango ako at tinalikuran na siya. Nagmamadali pa ako kasi para akong kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.

Nakita ko si Papa sa pinto na pinagmamasdan ako. Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Papasok na po ako Papa." Mahina kong sabi.

Hindi naman siya nag salita kaya kinuha ko na iyon para maglakad ng mabilis. Kaagad kong tinungo ang hagdan sa kaliwang parte ng bahay at umakyat. Halos hiningal pa ako dahil doon. I opened my door and sat at the edge of the bed.

I closed my eyes firmly and heave a sigh. Feeling ko ang haba ng araw na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mabilis nakatulog ng gabing iyon dahil sa pagiisip ng nangyari.

Nang makabalik sa farm kinabukasan ay busy ang lahat dahil sa pagaayos. Maroon kasing magf'field trip na mga pre-elem mula sa Argao dito sa huebes. Every year daw ay pinapayagan ang mga iyon kaya abala ang mga tao ngayon.

"Blind item, sinetch itey na muntik ma harass sa bayan at may dalawang papi na super hero?" bulong sa akin ni Casimiro.

Naglalakad kami papuntang Canteen. Nauna na si Joshua kaya kaming dalawa nalang ngayon. Nakakunot ang noo ko siyang binalingan.

"Sino?" tanong ko kahit kinakabahan na ako.

Humalakhak siya. Tapos ay nanliliit ang matang tiningnan ako. "Anong pinag gagawa mo kahapon Aio?" malisyoso niyang tanong.

"Saan mo iyan narinig?" mahina kong bulong. He laughed again.

Hinampas niya ako sa kaliwang braso at nanunuksong tumingin.

"Narinig ko sa trabahador! Lalo na sa mga babae! Naku ka talaga Aio! Gusto mo bang masabunutan ng fan girls noon?"

I sighed and looked away. Sabi na sa dami ng nakakita, malalaman at malalaman iyon ng iba.

"Tinulungan lang naman ako..."

"Tapos hinatid ka sa bahay?" hindi ko alam kung nagagalit siya o nanunukso. Parang iyong huli.

He nudged my shoulders and smile like an idiot.

"Nagmamalasakit lang iyon Casimiro!" medyo naiinis ko nang tugon.

"Oh, bakit ka naiinis sis?"

My head fell and walked faster. Nang makarating sa canteen ay hindi lumagpas sa tingin ko ang paglingon ng ilang trabahador doon. I sighed and sat down. Nandoon na si Joshua.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango ako. Naupo naman si Casimiro sa harap at nginitian ako ng nakakaloko. Sumimangot ako at umiwas na ng tingin.

Ganoon ang naging usapan ng ilang babaeng trabahador sa farm. Hindi ko nalang nga pinansin dahil wala naman akong magagawa pa doon. Totoo naman ang nangyrai kaya lang feeling ko iniisip nilang may malaking malisya doon. Mahirap magpaliwanag ng hindi nagtutunog defensive. Sayang lang din sa oras.

Mas naging abala ng araw bago dumating nag mga bisita. Na excite din ako kasi mga bata sila kaya kahit madaming gawain ay natutuwa ako. Nang hapong iyon ay magpupunta akong café para kitain si Ate Penrose.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon