Chapter 3 Home

988 34 1
                                    

Chapter 3

Home

Nandito kami ni Casimiro sa café kung saan kami nagusap ni Ate noon. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala siya. Hanggang ngayon, wala parin akong balita. Konti nalang iisipin ko nang panaginip lang iyong pagkikita namin.

"Dumudugo na ang ilong ko here!" madrama pa niyang hinawakan ang ilong na akala mo may dugo talaga.

Nagpatuloy nalang ako sa pagt'type. Nandito kami ngayon dahil weekend at walang pasok sa La Granja. Gumagawa kami nang weekly report na dapat weekly din ay napapapirmahan sa supervisor and in our case, kay Miss Gail.

"Ang drama mo talaga." Sagot ko habang nag t'type padin.

Halos maubos ko na iyong iced tea ko pero hindi padin ako tapos. Kasi naman kailangan ay atleast two thousand words. Hindi rin naman madali iyon dahil halos pareparehas lang ang ginagawa sa internship kaya mahirap mag hanap nang magandang ilagay na salita.

"Si Joshua kaya nakagawa na?"

Natatawa akong lumingon, "Puro ka lalaki!"

"Aba, doon tayo na bubuhayan cachorro!"

Napahawak nalang ako sa noo. Simula nang lagi kong pagtawag sa kaniya nang buong pangalan niya, iyan na ang nickname niya minsan sa akin. Hindi ko alam anong masama sa buong pangalan eh kaniya naman iyon.

Iyong akin, ang ibig sabihin ay puppy. Mukha daw akong maamong tuta. Ang pangit. Cachoro. Mukhang katsura. Hindi naman ako nagmamaganda pero hindi naman angkop sa akin iyan.

"Ikaw lang, dinadamay mo pa ako."

Tinulak niya nang bahagya ang laptop ko kaya napaharap na ako sa kaniya. Tinaasan niya ako nang kilay na para bang may naiisip siyang maganda pero para sa akin ay hindi.

"Maki pag blind date ka kaya?" napakunot na ang noo ko, "I mean, sayang ang ganda! Mag boyfriend ka na at total g'graduate na tayo!"

Umiling ako at nagsimula na ulit mag type. "Kung ayaw mong makalbo tayo ni Papa manahimik ka na."

He groaned. "Dating app nalang? Mag download ka noon! Maraming gwapo doon!"

Hindi ko talaga alam bakit gustong gusto niya akong hanapan nang jowa. Gusto lang niyan may iba akong samahan maliban sa kaniya kasi naguiguilty kapag nakikipag date siya at wala akong kasama.

It's really fine with me though. Hindi ko naman siya pipigilan at lalong hindi masama ang loob ko. Gaya nang sabi ko, I took that part seriously. Kaya hindi ko pa iniisip iyan dahil alam kong dadating din naman.

"Ayoko nga Casimiro. Dadating din iyon."

"Ugh! Ano hihintayin mong mahulog sa harapan mo? Okay lang makipag date atleast may experience ka na kapag nagka boyfriend kang talaga!"

Hindi ko alam bakit napunta dito ang usapan gumagawa lang naman kami nang report? Hindi talaga kami matatapos. Narinig ko ang pagtunog nang chimes na tanda nang mga pumapasok.

"Hindi ako mag b'boyfriend." Sagot ko.

Hindi naman ako pinansin nang nasa harap ko dahil nasa likod ko ang mata niya. Napakunot ang noo ko at tiningnan kung saan siya nakatingin. I turned around and saw Javier Buenavides.

Sinalubong siya nang manager nitong café at nakita ko siyang ngumiti. The manager looks young and I think about his age or a little bit older. Halatang halata namang may gusto sa kaniya. Bakit ba lahat ay nahuhumaling dyan?

"Ang gwapo talaga cachorro!"

Hindi ko na napansin si Casimiro dahil nanatili ang tingin ko doon. His pace is too large and brisk. If he's less than friendly and smiling face than his usual, nakakatakot siyang tingnan. Kung mag seseryoso lang ang mukha niya mukha na siyang galit.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon